NB : 34

2K 216 53
                                    

ZIA

Sinundan ko ng tingin si Niall nang lumabas ito ng kusina. Hindi ba ito masaya na nakakaalala na si Queen?

"Nangyari ro'n?" bulong na tanong ko na mukhang narinig ni Queen dahil nagkibit balikat ito.

"Huwag kang chismosa, kumain ka na lang."

Muntikan na akong mabilaukan nang salpakan ni Rhio ang bibig ko ng sandamakmak na kanin.

Tumingin ako sa kanya nang masama at malakas na sinuntok ang hito niya, dahilan para mapadaing ito at malukot ang mukha.

Buti nga sa'yong bwiset ka.

Matiwasay kong nginuya ang kanin na isinubo nito sa akin at sinundan pa iyon ng ham na ulam namin ngayon.

Grabe, sarap talaga kumain.

Napataas ako ng tingin nang biglang may naglagay ng hotdog sa aking plato.

Nakatingin sa akin si Rhio at nakangiwi ito. Nagthumbs-up ako sa kanya at ngumiti. "Ganyan nga, magpakabait ka," saad ko.

"Makinig ka sa mga sasabihin ko para hindi ako magalit sa'yo," dagdag ko pa na nagpalukot ng mukha nito.

"Bakit ko naman 'yon gagawin? May sarili akong utak 'no," tugon nito.

Pinanlakihan ko siya ng mata, "Desisyon ako eh, pake mo!?" singhal ko.

Ipinikit nito ang mata at inalis ang kanin na tumalsik sa kanyang mukha.

"Kadiri, pota," mura nito kaya naman siniringan ko siya ng mata.

"Nagtoothbrush naman ako 'no! Kanin lang 'yan, arte mo!" asik ko at padabog na binalingan ang pagkain.

"Tampo ka na niyan?" asar nito na nakangisi na ngayon sa akin.

May sayad yata sa utak ang lalaking ito, kanina lang ay masama ang timpla ng mukha tapos ngayon ay parang baliw na itong nakangisi sa akin.

"Alam mo, Rhio, kulang ka sa vitamins," saad ko at bahagyang tumalikod dito.

"Ikaw pa lang, sobra-sobra na."

Ibig kong maduwal sa tinuran nito. Ang cringey naman. "Hindi ako vitamins. Manahimik ka kung ayaw mong bugahan kita riyan ng tubig," ani ko at uminom sa basong nasa aking harap.

Mukhang natakot naman ito dahil hindi na ito muling kumibo.

"It's still early in the morning but it seems like we're on a public market," singit ni Raphael na nasa dulong bahagi ng mesa nakapwesto.

"Pake mo, Kuya," mataray na turan ko.

Naalala ko na sinabi nito isang beses na nakikita niya sa akin ang kapatid niya. Hindi ko siya trip maging Kuya, trip ko lang siyang pagtrippan ngayon.

Nanahimik ito habang nakatingin sa akin.

"Kuya," bulong nito matapos ay ngumiti.

Hindi na ito nagsalita muli at binigyang pansin na lamang ang pagkain sa kanyang harap.

"He likes that," saad ni Theo na puno ng pagkain ang bibig. Isa pa itong timawa eh, mas matakaw pa yata sa akin ang lalaking ito.

"Why?!" asik nito sa akin. "Why are you looking at me like that?" dagdag nito. Umismid ako at umirap ito na halos mawala na ang itim sa aking mata.

"Ssh! Jusko, nasa hapag-kainan kayo," si Maze na mukhang hindi na nakatiis sa ingay.

"Masanay ka na, hindi uso rito ang salitang tahimik."

Tumayo si Queen at iniwan ang pagkain nito. "Tawagin ko lang si Niall," saad nito.

"Jay, pakibantay ang pagkain ko, baka may daga na naman na makapuslit," ani pa ni Queen na sa akin nakatingin.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now