NB : 31

2K 218 50
                                    

JAY

I sighed when I saw Kuya Archer inside the room and gazing at Momma's Jelly things.

Pumasok ako sa loob at pinilit na huwag lumikha ng ingay ngunit napalingon pa rin ito sa akin.

"Is she really dead?"

Naiiwas ko ang aking mata sa tanong nito. Nakapamulsa ito at nakatagilid habang ako ay nakaharap dito.

"I don't know," I safely answered and turned my back to him.

I'm really mad for what he did, I still don't get it. Bakit kailangang si Momma Jelly maghirap.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko roon si Mommy Queen na tumutulong sa paghahanda ng makakain namin.

"Aalis kami bukas," saad nito bigla na nagpatigil sa akin sa tangkang pag-upo.

"S-Saan kayo pupunta? Iiwan niyo ba kami?" tanong ko na hindi naitago ang kaba sa tono.

Bahagyang tumawa si Mommy Queen at umiling. "Pupunta lang kami sa pinanggalingan nina Niall, susubukan daw nilang kausapin ang ibang tao roon na kumampi sa atin."

Napa-ah ako sa paliwanag nito.

"Gusto mo bang sumama?"

Agad akong umiling bilang sagot. "Dito na lang ako, Mommy Queen."

"Ikaw ang bahala, marami ka naman kasama rito."

Napaangat ang tingin ko mula sa pintuan nang may pumasok na tao.

"Niall," tawag ni Mommy Queen sa pangalan ng lalaking pumasok.

"Mag boyfriend ba kayo?"

Narinig kong tanong ni Maze kay Mommy Queen.

Napansin ko ang saglit na pagpula ng pisngi ni Mommy Queen sa katanungang iyon.

"Hindi. Magkatrabaho lang kami," sagot nito.

"Hindi pa ba kayo tapos? Gutom na ako," saad ni Mama Zia na bigla na lang sumulpot. Nakasunod dito si Kuya Rhio na malaki ang ngisi.

"Sabi sa'yo ako na lang ang kainin mo eh," ani nito at kinindatan si Mama Zia.

Umaktong nasusuka ang huli at may pandidiring tumingin sa lalaki.

"Eww, feeling masarap ka eh ang asim-asim mo naman."

Napailing na lang ako at nagyuko ng ulo. We're back to normal....I guess?

"Jay, sama ka bukas?" tanong sa akin ni Mama Zia nang maupo sa kaharap na upuan.

Gaya ng sagot ko kay Mommy Queen ay umiling lamang ako.

"Pakakakainin pa ba natin yung babae?" biglang singit ni Cassy.

"Sinong babae?" kunot-noong tanong ni Mama Zia. Pero maya-maya pa ay umawang ang labi nito at napapitik sa ere. "Nandito nga pala ang bruhang si Avery. Huwag na siyang pakain. Diet muna siya," saad nito at ngumisi.

Walang kumontra sa sinabi nito oh baka wala lang gustong magsalita.

"Bro."

Naramdaman ko pagtapik ni Raphael sa aking balikat na sinundan din ni Theo.

Si Theo ay mukhang isang araw na tumakbo dahil basang-basa ng pawis ang damit nito.

"Anong balita kay Momma Jelly?" mahinang tanong ko kay Raphael. Ingat na ingat at baka may makarinig.

"The doctor said that she's fine. She's in the good shape right now, and she's not that stubborn anymore."

Parang nawala ang tinik sa aking dibdib nang marinig ang sinabi nito.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon