NB : 14

2.2K 205 49
                                    

JAY

"Here, Momma Jelly." Inabot ko kay Momma Jelly ang extrang baril na pwede niyang magamit in-case na may makasagupa kaming zombie.

"Kumain na muna kayo, hoy."

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang matinis na boses ni Mama Zia.

Nakasilip ito sa pinto at may subo-subong hotdog sa bibig niya.

Pinauna ko si Momma Jelly at nasa likod lamang niya ako.

Nakita kong nanlambot ang tuhod ni Momma Jelly kaya agad ko siyang hinawakan.

Natawa ako nang makitang nakatulog na naman ito.

"Iwan na lang kaya natin si Jelly?? Baka mapahamak pa si Jelly kasi nakakatulog eh, baka malingat tayo," saad ni Mommy Queen na sinang-ayunan ni Mama Zia.

"Kung papayag siya," ani ko at ngumuso.

"Akin na lang pagkain ni Jelly," saad ni Mama Zia at hinila patungo sa direksyon niya ang plato ni Momma Jelly na may lamang fried rice at hotdog.

Napangiti ako nang paluin ni Mommy Queen ay kamay ni Mama Zia dahilan pa ra mapanguso ito.

Parang katulad lang ng dati.

"Tingin mo kay Jelly, hindi na gigising??" masungit na saad nito kay Mama Zia.

"Joke lang naman eh," nakangusong sagot ng huli.

"Joke lang pero hinila mo na papunta sa'yo," ani ni Mommy Queen at itinaas ang kilay.

"You can have mine," turan ni Raphael at ibinigay kay Mama Zia ang isang hotdog sa plato nito.

"Thank you!! Dahil diyan buong araw akong mabait sa'yo!!" ani ni Mama Zia at agad na kinagatan ang hotdog.

Napailing na lamang ako sa kanila.

Kumunot ang aking noo nang pagtingin ko sa aking plato ay wala na ang ulam ko.

"Theo," mahinahon kong tawag kay Theo na nasa aking tabi.

"I swear, if you're the one who stole my sausage, I'm going to punch you," bulong ko. Hindi na ako nagulat nang bumalik sa plato ko ang aking ulam.

Napahilot na lamang ako sa aking sentido dahil sa pagkirot no'n.

Pakiramdam ko ay puro bata ang kasama ko.

"What time should we leave??" tanong ni Raphael na pinupunasan ng tissue ang bibig.

"Ang sosyal mo ha," asar ni Mama Zia rito.

Hindi ito pinansin ni Raphael kaya napamake-face ito.

"When she wakes up," saad ko at ininguso si Mommy Jelly na ang sarap-sarap ng tulog. Nakapatong ang ulo nito sa aking balikat.

Tumingin ako kay Mommy Queen nang takpan nito ang pagkain ni Momma Jelly.

"Mahirap na at baka may dagang makapuslit," pagpaparinig ni Mommy Queen kay Mama Zia.

"Oo nga, Queen. Mahirap kapag may dagang nakapuslit. Gusto mo kainin ko na??" saad nito at ngumiti.

"Nagsalita yung daga," sagot ni Mommy Queen at tumalikod na.

"Queen!!" maktol ni Mama Zia at pinahaba ang nguso.

"Hindi na masarap yung hotdog kapag nalipasan," pilit pa rin ni Mama Zia.

Hindi kumibo si Mommy Queen, pinunasan nito ang lamesa at sinadyang sa direksyon ni Mama Zia itapon lahat ng pipis ng kanin.

"HindI ko talaga aayusin pagdadrive mamaya," bulong ni Mama Zia na nagpahinto kay Mommy Queen.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now