NB : 32

1.9K 229 23
                                    

ARCHER


Silence filled the truck after the conversation between Niall and Queen.

I'm comfortably sitting at the edge when I remembered the time when I saw this truck and realize that these guys are also alive.

"Let's go for a smoke," aya ko kay Niall matapos kaming kausapin ng ama ko tungkol sa mga bagong zombie na naging tao.

Isa roon si Rhio na katatapos lamang namin kausapin at sabihan na magpanggap itong walang maalala.

Niall followed me outside the building, he leans on one of the car that was park there.

Inilabas nito ang isang packet ng sigarilyo sa suot na lab coat.

I threw him one of the in-can drinks that I'm holding.

He started puffing on his cigarettes, I looked around when he coughed because of the smoke. Baka may makakita rito sa amin at malaman pa na hindi kami sanay manigarilyo.

My forehead knotted when I saw a truck, may kalayuan ito sa building pero kapansin-pansin ito dahil wala naman masyadong sasakyan sa labas.

"Can you see that truck?" tanong ko kay Niall .

Sinundan nito ng tingin ang tinitignan ko.

"Wala 'yan diyan kanina ah," turan nito na tinanguan ko.

"Aalis na," dagdag nito.

Lumiko ang truck at nang makalayo iyon ay sinundan namin ni Niall.

Nagtago kami ni Niall sa isa sa mga nakaparadang sasakyan nang huminto ang truck sa barracks, kung saan nandoon ang mga zombie at patay na katawan ng mga tao.

"Q-Queen."

Halos maestatwa ako sa aking kinapupuwestuhan nang marinig ang pamilyar na pangalan na binanggit ni Niall.

"Shit," mura ko nang makita ang mga taong bumaba galing sa truck.

"How come?" takang tanong ko dahil naguguluhan kung bakit tao na rin sina Queen at Zia. May kasama rin ang mga ito na tatlong lalaki na hindi pamilyar sa aking mata.

"Let's talk to them," saad ni Niall ngunit agad ko itong napigilan sa kamay.

Sa lahat ng nalaman namin ni Niall ay hindi pwedeng basta-basta na lang kami umaksyon.

And that's when we decided to shot Rhio and let him met the other group.

We planned everything.....but what happened to Jelly is not my plan. It's ruined.

Nagbuntong hininga ako at hinilot ang aking sentido. I don't have enough sleep cause I'm thinking about Jelly. My heart and brain keep saying that she's still alive. But I already asked all of them and they answer are the same.

If I had known that that chip contains poison, I woud not let them put that into Jelly's back. But I think, sinadya nila na ilihim ang bagay na iyon dahil natuklasan ko lamang iyon nang matapos na ang ginagawa nila.

"What about Onika?"

Napaangat ako ng tingin sa biglang tanong ni Niall.

Onika....my step-sister.

"I don't know..." sagot ko.

She's one of Dad's strong alliance. Kahit yata ibigay mo na ang lahat sa babae ay hindi ito tatalikod sa aking ama.

"Let's exclude her," saad ni Niall na sinang-ayunan ko agad.

Wala namang ibang choice kundi ang hayaan si Onika. Panigurado kapag sinabihan pa namin ito ay isusumbong lang kami nito sa ama kong baliw.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now