NB : 40

1.8K 190 26
                                    

ZIA

Grabe, mga aalas-siyete na ng gabi pero hindi pa rin tumitila ang ulan, talagang pinigilan kami ni Jay sa pag-alis namin.

"Maalimuom, Zia. Isara mo 'yang bintana," utos sa akin ni Queen na agad kong sinunod.

Sumunod ako kay Queen nang pumasok ito sa kusina. Ito na yata ang tambayan naming lahat.

"Zia, chips." Itinulak sa akin ni Mori ang isang bowl ng chips na kinakain nila.

Walang pag-dadalawang isip na kumuha ako at pinuno ang sariling bibig. Aba, grasya na ang lumapit tatanggihan ko pa ba.

"Nung unang pagkikita namin nina Jelly, chips di yung una niyang pinakain sa amin," saad ko habang puno pa ang bibig, hindi nakaligtas ang mga mugmug na tumalsik palabas sa aking bibig.

Kung tutuusin ay malaki itong tinutuluyan namin, pero dahil sa mga estante na itinabi namin ay bahagyang lumiit ang espasyo.

Ang ibang estante naman ay ginawa naming cabinet at lagayan ng mga kagamitan sa kusina.

Sa kabilang bahagi nitong grocery store ay nandoon pa ang mga pellet gun na ginagamit noon sa baril namin na nilagyan ni Niall ng lason para tumalab sa mga zombie. Nahaharangan lang iyon ng estante na nagsisilbing pinto.

"Kapag bumalik na sa dati 'tong Pilipinas, anong gagawin niyo?" tanong ni Meteor.

Ipinahaba ko ang aking nguso dahil kahit mula pa man noon ay wala naman akong naiisip na magandang gawin.

"Baka mag-aral ako," sagot ko na ikinakunot ng noo nina Maze.

"Bakit? Hindi ka pa ba graduate ng college?"

Umiling ako sa tanong ni Melissa. Nagkamot ako ng ulo at nag-isip nang mabuti kung sasabihun ko ba sa kanila kung anonh dahilan.

"Naadik kasi 'yan sa mga online games, ayon mas piniling tumambay sa computer shop keysa ang pumasok sa eskwelahan."

Napasimangot ako nang biglang sumingit si Queen sa usapan at ang masakit ay inilaglag pa ako nito.

Tumawa ang mga nasa harap ko at tinignan ako na tila hindi sila makapaniwala sa narinig.

"Totoo ba?" bulong ni Bell na tinanguan ko.

Nakakatamad naman kasi mag-aral, nakakastress.

Pero alam ko naman na importante 'yon, kaya nga kapag naayos na ang lahat ay mag-aaral ako ulit.

"Sino magpapaaral sa'yo?"

Natigil ako sa tanong na iyon ni Maze. Hindi ko naisip ang bagay na iyon.

Tumingin ako kay Queen pero agad itong umiling. "Maghahanap pa ako ng trabaho," saad nito.

Nanatiling magkasalubong ang tingin namin at awtomatiko na lumingin kami sa isang tao.

"I don't have a choice," ani ni Jay na para bang alam na nito ang dahilan kung bakit kami nakatingin ni Queen sa kanya.

"Basta siguraduhin lang ni Mama Zia na laging 90% ang average niya."

Lumaylay ang aking balikat at nanghihinang ipinatong ko ang aking ulo sa lamesa.

90%? Eh 75% pa nga lang noong highschool ako hindi ko kaya, tapos 90% pa. Bakit hindi na lang siya sabihin na magpakamatay na ako dahil parehas lang naman 'yon.

"And if she did that, maybe in my first salary, I'll be her a PC," si Queen.

Sa narinig ay naihampas ko ang aking palad sa lamesa at hindi alintana ang hapdi sa aking kamay.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now