NB : 24

2K 214 42
                                    

JAY


I gulped two times before sitting down beside Momma Jelly who's currently sleeping.

Naikuyom ko ang aking kamao dahil para itong hinihingal kahit natutulog. Nakadapa ito dahil sa sugatan nitong likod.

I'm wondering kung tao pa ba ang mga gumawa nito sa kanya.

I did expect that she will be saved....hindi dahil kay Raphael, kundi kay Kuya Archer.

Umasa ako na ito mismo ang magliligtas sa kanya pero kabaliktaran ang nangyari.

"Jay."

Napaangat ako nang tingin at nakita ko si Raphael na matamang nakatingin sa akin.

"Trust them," makahulugang saad nito na nagpakunot ng aking noo.

"What do you mean?"

He shrugged his shoulder and walk away. Para saan iyon? Trust them? Who? Those devil who made this to Momma Jelly? The heck, wala akong ibang pagkakatiwalaan kundi ang tatlo ko lang na Nanay.

"Let's eat." Sumilip sa pinto si Theo at tinawag ako.

"I'll eat later, kapag may magbabantay nang iba kay Momma Jelly," sagot ko na sinenyasan ni Theo ng thumbs up.

I sighed and messaged my temple. Hindi ko alam kung anong tamang gawin.

Kung ganito lang din naman ang mangyayari, mas gugustuhin ko pang umalis na kami rito. Kaya naman namin....sana pala una palang umalis na kami. Si Mommy Queen, Mama Zia at Momma Jelly lang naman ang pinakapriority ko sa lahat. Kung siguro ay umalis na kami agad, hindi ito nangyari.

"Bakit hindi ka pa kakain?"

"Mommy Queen." Napadiretso ako nang upo nang makita ang seryosong mukha ni Mommy Queen na nakasandal sa hamba ng pinto.

"Kakain ako kapag may magbabantay nang iba kay Momma Jelly," ani ko.

Lumapit ito at tinapik ang aking balikat. "Kumain ka na, ako na muna magbabantay kay Jelly. Tutal pupunasan ko ulit ang katawan niya para mawala ang init," saad nito at tipid na ngumiti sa akin.

Gusto ko sanang tumanggi pero alam kong hindi ako mananalo sa kanya. Pinili kong sumunod sa gusto nito.

Lumabas ako nang kwarto at naabutan ko sila na kumakain.....sa sahig.

Sobrang dami na pala namin.

"Ay, eto po oh, plato," saad ng babaeng may mahabang buhok at curly ang dulo.

"Mori," anas ko sa pangalan nito.

Ngumiti ito at tumango.

Naupo ako sa gitna ni Mama Zia at Kuya Rhio.

Tinignan ako ni Kuya Rhio na tila hindi makapaniwala sa aking ginawa.

"Hindi ko muna hahayaang may lalaking lumapit sa kahit sino sa mga nanay ko," seryosong bulong ko na nagpalunok ng laway rito.

"Binabakuran mo na kami, Jay ha?" si Mama Zia na nakakapanibagong mahinahon sa pagkain.

Marahil ay wala pa rin ito sa mood dahil sa nangyari.

"Yeah, mahirap na."

"Ano ba pwede naming itulong? Hindi kami marunong gumamit ng baril," saad ni Maze.

Lumingon ako kay Raphael at Theo.

"Turuan niyo sila," ani ko at nagsimula ng kumain.

"I'll call my buddy to bring us guns again. I'll ask them also for new clothes and food supply."

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now