NB : 22

1.9K 209 37
                                    

JELLY

"Wake up."

Napaungol ako nang maramdaman ang marahang pagtapik sa aking pisngi.

"Wake up, we need to leave."

Pilit kong iminulat ang aking mata upang kilalanin kung sino ang tumatapik sa aking pisngi.

Hindi ko magawang imulat nang maayos ang aking mata dahil sa panlalata. Ramdam ko pa rin na parang hinahalukay ang aking likod. Mahapdi. Makirot. Masakit. Hindi ko alam kung alin ba sa tatlong iyon ang nangingibaw dahil sabay-sabay ko iyong nararamdaman.

"R-Raphael."

Nagtataka man kung bakit ito nandito ay hindi na ako nag-usisa pa dahil wala akong lakas.

"Can you walk?" tanong nito ngunit isang ungol lamang ang isinagot ko.

"Stupid of me to ask that question," bulong nito at tinulungan akong maupo.

Napaigik ako nang maramdaman ang masidhing pagkirot ng aking likod na umabot hanggang tiyan ko at paitaas sa dibdib.

"I'm sorry," paumanhin nito.

"We need to leave before they come back. I know that you're not in a good condition, I can clearly see that, but you need to cooperate and try your best to escape," bulong nito sa akin.

Tumalikod ito at bahagyang yumuko sa harap ko.

"I'll carry you so we can move faster."

Nakangiwing sumakay ako sa kanyang likod at pilit na hindi ininda ang nananakit kong likod.

Gustuhin ko mang magalit sa mga gumawa nito sa akin, pero ni isang pursyento ng galit ay wala akong makapa sa dibdib ko ngayon.

Ipinikit ko ang aking mata nang tumayo si Raphael nang diretso at naglakad patungo sa pinto.

Hindi ko alam kung nasaan kaming bahagi nang building, pero sana lang talaga ay maging ligtas kami. O kahit si Raphael na lang.

Sinulyapan ko ang buong pasilyo na nilabasan namin.

"We're going to use the stairs," saad nito at itinulak pabukas ang pinto sa fire exit.

"I'm sorry," usal ko nang makitang nasa 7th floor kami ng building.

Alam kong hindi ako magaan at kung pasan-pasan niya ako hanggang ground floor ay paniguradong wala na siyang lakas.

"I'm doing this for my friend, Jay," sagot nito na nagpangiti sa akin.

"Thank you for staying right by his side," bulong ko at napakagat sa pang-ibabang labi nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

"And I thank you also for accepting him before."

Hindi ko alam kung saan ba patungo ang usapan namin pero pinili ko na lamang manahimik dahil sa bawat hakbang ni Raphael ay sumisidhi ang kirot mula sa aking likuran.

Bahagyang napahigpit ang pagkakayapos ko sa leeg ni Raphael kaya huminto ito saglit.

"You're okay? Does yoir back hurts?"

Umiling ako upang hindi na ito mag-isip pa.

Nagpatuloy ulit ito sa pagbaba sa hagdan at tila nakahinga ako nang maluwag nang makitang nasa second floor na kami.

Napatingala ako sa third floor nang biglang malakas na bumukas ang pinto roon.

"NANDITO SILA!!" sigaw ni Avery na siya palang nagbukas ng pinto.

"Fuck!" mura ni Raphael at biglang tumakbo pababa ng hagdan.

Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil sa sakit ng aking likod ngunit pinilit kong huwag magreklamo dahil alam kong nahihirapan din si Raphael.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon