NB : 15

2.1K 206 56
                                    

QUEEN


"Niall," bulong ko nang makilala ang lalaking tanaw namin ngayon na nakasandal sa isang sasakyan at..... naninigarilyo.

"Naninigarilyo ba si Niall?" tanong ni Jelly na puno ng kaguluhan ang mukha.

Umiling ako at ikinunot ang noo.

"Hindi," bulong ko at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Anong gagawin natin? Should we go outside and talk to him?"

Hindi ako kumibo dahil hindi pa halos maproseso ng aking utak ang nakikita ko.

"He looks different," Jelly muttered that makes me nods my head.

Ibang Niall talaga ang nakikita ko ngayon. At ayaw iyong tanggapin ng sistema.

"Oh my God!!" biglang gulat na usal ni Jelly.

Si Zia ay tinapik ako sa balikat at umungot dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakapagsalita.

"Si Archer!!" dugtong ni Jelly at itinuro ang isa pang lalaki na lumabas ng building at naghagis ng kung ano kay Niall.

Nalaman kong inumin iyon na nasa lata nang tunggain nito iyon.

"Bakit sila magkasama??" si Jay na kahit hindi ko makita ang mukha ay halatang naguguluhan din.

"We should talk to them," ani ko at handa nang buksan ang pinto nang mabilis akong pigilan ni Queen.

"Hindi....hindi pwede," bulong nito na ang mga mata ay nakatuon sa dalawang lalaki.

"Hindi maganda ang kutob ko," dagdag nito at nagbuga ng hangin.

"Drive, Queen," utos nito.

Hindi agad ako kumilos dahil nagdadalawang isip ako. This is our chance to save them pero bakit parang ayaw niya? Ayaw ni Jelly.

"Trust me. Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari. I smell something fishy here!" turan nito at paulit-ulit na naglabas ng hangin sa kanyang bibig.

"Let's check the place first, please" saad nito kaya nagkibit balikat na lamang ako at pinaandar ang makina.

Nilibot namin ang lugar at nang pagliko ng sasakyan sa kaliwa ay agad akong napapreno.

"Dead end," bulong ko nang makitang may one way mirror na nakaharang sa daraanan. It looks like a passage way or hall way na konektado sa building.

Ang nasa kanang bahagi ay ang malaking building at sa kaliwa namin ay isang lugar na napapalibutan ng screen at wire na gate.

"I'll check the outside," presinta ni Raphael. Tumingin ako kay Jelly at nakita itong tumango.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto sa likod ng truck at mula sa side mirror ng truck ay nakita ko si Raphael na lumapit sa gate na gawa sa screen at mga barbwire.

Binuksan ko ang bintana sa side ko at inilusot ang aking ulo.

"Did you see something?" tanong ko nang makitang natigilan ito.

Hindi ito kumibo ngunit agad itong umalis at sumakay sa likod ng truck.

Umalis si Zia sa gitna at si Raphael ang pumalit doon.

"I think, she's right," ani nito at itinuro si Jelly. "There's something wrong here."

Mas lalo akong naguluhan dahil ayaw pa nitong sabihin kung ano ang nakita niya.

Nagpasya akong lumabas at hindi pinakinggan ang pagpigil sa akin ni Jelly.

I am full of curiosity right now.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon