NB : 16

2.2K 236 49
                                    

ZIA

"Buti at nagising ka pa!!" agad na sigaw ko nang magmulat ng mata si Jelly.

Hinintay talaga namin siyang magising para lang matapos ang lahat-lahat ng usapan ngayong gabi.

Umangat ang aking kilay nang ayusin ni Queen ang buhok ni Jelly. Sa tingin ko ay nagiging komportable na si Queen sa amin.

"Sorry naman di'ba?" si Jelly na nakasimangot.

Hindi ko ito pinansin bagkus ay malakas kong tinapik ang kamay ni Theo na nasa loob ng kettle korn na kinakain ko.

"Hindi ka nagpapa-alam!" nanlalaki ang matang turan ko kay Theo.

"Just a bit, why so selfish?" ani nito at isinubo ang ilang piraso ng kettle korn na nadekwat niya.

Umirap ako at inilayo rito ang pagkain ko. Isang wrapper nga lang ng kettle korn ay kulang pa sa akin eh tapos kukuha pa siya nang walang paalam.

"Gaya nga nung sabi ko kanina, tingin ko ay binabalik nila sa pagiging tao yung mga zombies at pagtapos ay.....pinapatay."

Pinagmamasdan ko ang daliri ni Queen na lumilikha nang mahinang tunog sa lamesa dahil sa ginagawa nitong pagtapik.

"Bakit nila ginagawang tao uli kung pinapatay rin naman nila??" si Jay na ngayon ay nakakunot ang noo.

Tumahimik kaming lahat dahil tama si Jay. Bakit nila papatayin ang mga tao matapos nilang alisin ang mga ito sa pagiging zombie.

"Iyon ang kailangan nating malaman," si Jelly na hindi mapakali ang mata kung saan titingin.

"You're okay, Queen?" tanong nito kay Queen na ilang minuto nang nananahimik.

"Naguguluhan kasi ako. Kung nandoon si Niall at Archer, ibig sabihin ay may kinalaman sila sa nangyayari, di'ba? May alam sila, or worst.....sila pa mismo ang pumapatay ro'n sa mga tao."

Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa sinabi ni Queen.

Nagkatinginan kami ni Jelly sabay na napayuko.

"Posible nga iyon," bulong ko.

"Pero pwede rin naman na yung mga patay na nakita ni Mommy Queen at Raphael ay hindi kinaya ang vaccine," si Jay.

Nag-angat ako ng tingin dahil maaaring iyon ang sinabi nito ang dahilan.

"No. They are full of bloods. I even saw one, who has a gun shot on his head."

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi sa tinuran ni Raphael.

"Ibig sabihin ay sina Niall at Archer ang gumagawa no'n?" tanong ko ngunit walang sumagot.

"Ang gulo," si Queen na salubong ang kilay.

"Hindi masasagot lahat ng katanungan natin hangga't hindi natin nakakausap sina Niall," si Jelly na naghikab.

Kagigising lang niya tapos inaantok na agad.

"Let's have a dinner, and rest. Bukas tayo magplano," saad ni Queen.

Awtomatikong tumayo si Raphael para maghanda nang makakain namin.

Si Theo ay ngumangat ng kettle korn dahil hinayaan ko na lamang siya kumuha nang kumuha.

"Ako matutulog na," si Jelly na muling naghikab. "Hindi ko na kaya yung antok," dagdag nito at agad na tumayo. Ngunit hindi pa man ito nakakatalikod ay nakatulog na ito.

"Shit, Jelly!!" si Queen na mukhang nagulat sa nangyari.

Nakahinga lang si Queen nang maluwag nang masalo ni Jay si Jelly.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now