NB : 26

2.1K 211 22
                                    

ZIA


Walang salita na agad akong sumunod kay Queen papasok ng grocery store.

Binalot ng takot ang aking dibdib dahil na rin sa takot na mababakas sa mukha ni Queen.

"Pota--" hindi ko naituloy ang aking pagmumura nang makita ko ang itsura ni Jelly.

Nanginginig ang buong katawan nito at halos tumirik na ang mata.

"Ayaw bumaba ng lagnat niya," si Queen na hindi malaman kung saang parte ng katawan hahawakan si Jelly.

Dahil sa panginginig ng katawan ni Jelly ay nagsimulang dumugo ang sugat nito sa likod.

"T-Tangina," mura ko at napasabunot sa sariling buhok.

Natigil sa tangkang pagpasok si Jay at tila nanigas ito sa kinatatayuan habang nakatulala kay Jelly.

"Fuck! Raphael!!" sigaw nito nang tila mahimasmasan. "Call your buddy!! Shit..shit!!" nagpapanic na saad nito.

Walang salitang sumunod si Raphael at madali rin ang kilos nito.

Napaupo na lamang ako habang sapo-sapo ang ulo.

"Putangina, ano bang nangyayari kasi!!" iritadong turan ko at sinuntok ang aking hita.

Sobra-sobra ang kabog ng aking dibdib at hindi ako makapag-isip nang matino.

"Queen! Doktor ka di'ba?! Tutunganga ka lang ba riyan?!" singhal ko kay Queen na na nakatingin lang kay Jelly.

Tangina kasi, siya 'tong may alam sa mga ganitong bagay, pero wala siyang ginagawa.

"May medicine kit na dinala yung mga kasama ni Raphael, pero nung chineck ko yung mga laman, panglinis lang ang naroon," saad nito. Napansin ko na nanginginig ang kaliwang braso nito na hindi naman nito naigagalaw.

"Kahit...kahit linisin ko ang sugat ni Jelly hindi iyon sapat at hindi rin no'n matitigil ang panginginig niya. Kinukumbulsyon na si Jelly, posibleng naimpeksyon na ang sugat niya," dagdag nito at nag-iwas ng tingin.

"Alam kong iritado ka sa nangyayari, pero sana ay huwag mo akong pagbuntunan ng inis mo," ani pa muli nito na sinimulang linisin ang sugat ni Jelly.

Si Jay ay hawak-hawak ang kamay nito na tila binibigyan nito ng lakas si Jelly.

Nagbuntong hininga ako at kinalma ang sarili.

"S-Sorry," paumanhin ko nang mapagtantong tama si Queen. Hindi ko rin napansin na napalakas ang boses ko.

May humawak sa balikat ko at nang tingalain ko kung sino iyon ay nakita ko si Mori na nakangiti sa akin.

"Magiging ayos din ang lahat," saad nito na inilingan ko.

Hindi ako sigurado kung magiging maayos pa nga ang lahat matapos naming mag-usap ni Agatha at may mapag-alaman

Napatayo ako nang marinig ang tunog ng helicopter. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit pinatawag ulit ni Jay ang mga kasama ni Raphael.

Napatanga ako nang biglang buhatin ni Jay si Jelly at ingat na ingat ito.

Bahagya nang nawala ang panginginig ng katawan ni Jelly ngunit ang mata nito ay nakatirik pa rin.

"Saan mo siya dadalhin?" tanong ko habang nakasunod kay Jay.

"Mas mabuti kung ipasama ko na muna si Momma Jelly sa kanila, Mama Zia. May doktor agad na titingin sa kanya roon, keysa ganito na hindi natin malaman kung anong dapat gawin dahil pare-parehas tayong nagpapanic," mahabang turan nito.

Aangal pa sana ako dahil ngunit hinawakan ni Queen ang aking braso. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagsusumamo sa kanyang mata.

"Mas makabubuti iyon kay Jelly," ani nito at kaya napabuga na lamang ako nang hangin at hindi na sinundan si Jay hanggang sa labas.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now