NB : 30

2K 197 18
                                    

QUEEN

Tinignan ko ang babaeng itinali ni Zia at pinag-aralan ang mukha nito.

Napahawak ako bigla sa aking ulo nang kumirot iyon at may sumulpot na imahe ng isang malaking aso. Ngunit mabilis iyong napalitan ng ibang imahe kung saan pinagtutulungang kainin ng mga zombie ang aso.

"Queen?"

Napapitlag ako nang may tumawag sa aking pangalan.

Hindi ako agad nag-angat ng tingin dahil nakaramdaman ako ng pagkahilo.

"Okay ka lang?"

Naramdaman ko ang paghawak nito sa aking balikat kaya marahan akong tumango.

"Hindi pa rin nagigising ang babaitang 'yan?"

Biglang sulpot ni Zia sa kusina.

Nakita ko na si Meteor pala ang siyang tumawag sa akin.

"Hindi pa," simpleng tugon ko at nang ibalik ang tingin sa babaeng nakatali ay biglang kumulo ang aking dugo at may nagtutulak sa aking kalbuhin ito ngayon na.

"Sino ba siya?" tanong ko at tumingin kay Zia.

"Siya ang bruhildang si Avery. Dahil sa kanya namatay ang alaga nating aso. Tapos napakakitid ng utak niyan, sama-sama ng ugali, akala mo kung sinong maganda," tugon ni Zia na masama ang tingin sa babae. "Sana hindi ka na magising," dagdag pa nito na mukhang malabong mangyari dahil narinig namin ang pag-ungot ng babae

"Bakit nagising ka pa?" tanong agad ni Zia nang magmulat ng mata ang babae.

Nagsalubong ang mata naming dalawa at hindi ko malaman kung bakit pero nag-iwas ito agad ng tingin na para bang takot siya sa akin.

"Pakawalan niyo ako!!" sigaw nito at sa tinis ng boses nito ay napangiwi ako.

"Diyan ka lang, ikaw muna aso namin," turan ni Zia na nagpatawa kay Meteor na hindi pa rin pala umaalis.

"I'm not a dog, you bitch!" matapang na sigaw nito kay Zia.

"Hoy," tawag ko rito.

Nakita ko ang pagpitlag nito at tila sinasadya na huwag tumingin sa akin.

"Sabihin mo sa amin kung nasaan ang boss niyo. Yung baliw na tatay ni Archer kung ayaw mong putulan kita ng daliri," walang pag-aalinlangan na turan ko. Wala akong panahon para patagalin pa ang pagiging baliw ng siraulong scientist na 'yon.

Umangat ang kanang kilay ko nang lumunok ito ng laway at pasimple lang ako na tinignan.

"Takot ka kay Queen 'no?" pang-aasar ni Zia at umupo sa harap ng babae.

Napaisip ako sa sinabi ni Zia, may ginawa ba ako sa babaeng ito para matakot sa akin?

"Sumagot ka agad, sige ka, baka mamaya apat na lang daliri mo," dagdag na pang-aasar pa ni Zia na sinundan ng paghagikhik.

"B-Bakit ko naman sasabihin kung nasaan siya! Hindi ako tanga!" sagot nito pero kay Zia nakatingin.

"Meteor," tawag ko sa babaeng nasa likuran ko.

"Bakit?"

"Pakikuha ako ng tinidor." Nakita kong nanlaki ang mata ng babae mula sa narinig.

Maluha-luha itong tumingin sa akin at tila nagmamakaawa.


LUMAPIT kami kina Niall na nasa harap ng truck. Magkakasama silang lahat at tila nagpapahangin.

Kaming tatlo lamang pala nina Meteor at Zia ang nasa loob.

"Alam na namin kung nasaan ang ama mo Archer." Masayang saad ni Zia nang makalapit.

Ligayang-ligaya ang mukha nito na tila ba nakajackpot.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now