Chapter 26

13.3K 1K 98
                                    

Chapter 26: Silver knight

When I was young and I had a conversation with King Thaddeus, telling me that I have bigger responsibilities as a white werewolf, I did my best to reject it. Even though I already have those visions about the white wolf Ressa as the handler of the map and Erin as the werewolf of the seven high thrones, I've been trying to deny that I have the connection. 

Isinumpa ko na noon pa na hindi ko tatahakin ang daang tinahak nila para lang sa mga bampira. Ledare, Adam and Lucas were the witnesses of my intense rejection about being the white werewolf.

But everything changed when I met the Moon Goddess Leticia, siya ang unang nagtulak sa akin na yakapin ang responsibilidad na natakda sa akin. Sinubukan kong sumama sa misyon kasama siya at habang nasasaksihan ang bawat paghihirap niya at ng ilang bampirang nakasama ko, unti-unti'y natatanggap ko na ang aking responsibilidad.

Yes, I might have embraced the responsibility as the handler of the map, pero pilit ko pa rin ipinaalala sa isip at puso ko na hanggang pangangalaga lang ako. I will still value myself. . . my own life.

Pero nang sandaling makilala ko si Tavion, nagbagong lahat iyon— na handa na akong gawin ang lahat para sa kanya.

"Iris. . ."

If this vision was trying to warn me about the future, what should I do? Kung maiipit ako sa ganoong sitwasyon, hahayaan ko ba ang sarili kong tumakbo katulad ng ilang taong pagtakbo sa responsibilidad ko?

It's just that. . . it's hard to accept that most white werewolves were destined to offer their life.

Hinayaan ko muna ang sarili kong alalayan ni Tavion.

"What's going on? Did you get injured?"

Umiling ako sa kanya. "We should get going, Tavion. Buhatin mo na si Caleb."

Hindi pa sana susunod sa akin si Tavion dahil nakahawak pa rin siya sa akin nang bahagya ko na siyang itinulak. "I am okay."

Yumuko na siya at sinimulan na niyang buhatin ulit si Caleb. Dahil wala naman may kakayahan sa amin ni Tavion gumawa ng liwanag, nagtiwala na lang kami sa linaw ng aming mga mata habang naglalakad na kami.

Sa bawat hakbang namin ni Tavion ay naririnig na namin ang agos ng tubig na nagmumula sa pinanggalingan namin.

"I hope they're okay," ani ni Tavion.

Kung tutuusin ay tama lang na sina Anna at Howl ang magpaiwan sa labanang iyon. Dahil wala naman kaming kakayanang mga lobo o kaya'y bampira na huminga sa ilalim ng tubig. But those Attero could easily cast their spells, iyon nga lang ay limitado lamang ang kapangyarihan nila sa mga oras na ito.

Habang patuloy kami sa paglalakad ni Tavion, ramdam ko nang tila may sasalubong sa amin. I could hear the unusual sound coming from the low water. May mga paa na ring humahakbang papalapit sa amin.

Mas naging alerto na kami ni Tavion sa aming paghakbang hanggang sa bigla na lang bumilis ang ingay na nagmumula sa unahan namin na tila tumatakbo.

"Iris," seryosong tawag niya sa pangalan ko.

At bago pa man may mabigat na bagay na tumama sa posisyon namin ni Tavion ay agad na kaming nakatalon. I was expecting that we'd be facing another monster but it was another soulless soldier in this shinning silver armor. Kapwa kami napaluhod ni Tavion nang tumama sa amin ang sinag ng kalasag ng kawal na iyon.

A pure silver! At kahinaan iyon ng bampira at ng isang lobong katulad ko. Pilit akong hindi tumititig nang diretso sa kawal na nagsisimula na namang gumalaw at mukhang aatake sa amin.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now