Prologue

64.1K 2.8K 1.6K
                                    

Prologue

Si Ledare na mismo ang siyang nagsabi sa akin na ang mga lobo'y makararamdam ng koneksyon sa kanilang nakaraan, sa diyosa ng buwan o kaya'y sa aming mga ninuno sa sandaling sila'y dumating sa kanilang tamang edad, lalo na kung ang isang lobo'y itinakdang gumanap ng isang tungkulin.

Ngunit bakit sa aking murang edad ay nakakakita na ako ng mga pangitain?

Mga pangitain nga ba o higit na hinagpis?

Bakit paulit-ulit kong nakikita ang masalimuot na pag-ibig ni Elin, ang tinaguriang pinakamalakas na puting lobong isinilang sa kasaysayan, at ang dating umupo sa isa sa pitong matataas na trono, at ang kanyang sakripisyo kay Andronicus? Ang bampirang siya'y ginamit lang at sinaktan.

Bakit paulit-ulit kong nakikita ang lumuluhang si Ressa? At ang pag-ibig niyang hindi kailanman sinuklian ng tinaguriang pinakakahanga-hanga at parespe-respetong hari ng mga bampira?

Those white werewolves did nothing but kindness and endless love for those vampires, but why did they choose to break their hearts?

Bakit sa bawat landas ng mga luha sa kanilang mga pisngi at ang mga patak nito'y higit kong nararamdaman ang sakit? Bakit paulit-ulit na sumusugal ang mga lobong umibig sa isang bampira, ngunit sa huli'y sila'y higit na nasasaktan lamang? What is good about vampires?

Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumuluha sa sarili kong repleksyon sa ilog kung saan doon dumadaloy ang mga luhang dala'y sakit ng nakaraan. Siguro nga'y hindi ko iyon nakaraan... ngunit ako bilang isang lobo at may mataas na tingin at respeto sa bawat babaeng puting lobo'y hindi matanggap na ganoon lamang ang kanilang mga sinapit.

Those white werewolves died loving vampire kings... vampire royalties...

Bagay na isinusumpa kong hinding-hindi mangyayari sa akin. If fate... or even the goddess of the moon will bring me in the situation that I loathed the most, I'll find my way to escape. Ayokong dumating ako sa puntong luluha at mababawian ng buhay na kailanman ay hindi iisiping piliin at mahalin...

Mariin akong pumikit nang bigla na namang pumasok sa aking mga alaala ang paulit-ulit na dumadalaw sa aking panaginip.

How Elin, the beautiful white wolf, ran for her life with Goddess Eda on her back while King Andronicus chased for their life. How she took her last breath while saving the next generation of werewolves away from the vampires... and how Ressa hid in the crowd while witnessing King Thaddeus' wedding with his mate.

Aalis na sana ako roon sa tabing ilog at babalik na sa aming kampo nang maagaw ang atensyon ko nang biglang pag-usok sa aking bandang kanan. Agad akong naging alerto at hinawakan ko ang maliit na punyal na lagi kong itinatago sa aking lumang bota.

Habang patuloy sa paghigpit ang pagkakahawak ko sa aking punyal, hindi ko inaasahan ang siyang iniluwa ng usok.

A rolling kid from a white smoke.

"Ouch...ouch! Aw!"

Natigil siya sa paggulong sa mismong harapan ko, kapwa kami nagkakatitigan ng ilang segundo bago siya mabilis na tumayo at katulad ko'y naging alerto. He bared his sharp nails, fangs and red eyes.

A vampire! A royal vampire!

"Y-You! Who are you!?" sigaw niya sa akin.

"Ikaw ang pumasok sa teritoryo ko! You're a spy!"

He huffed. "A spy?! For a lowly..." nanulay ang tingin niya sa mahirap na batang lobong nasa harap niya.

Huminga siya ng malalim. "A female wolf..."

Tumayo siya ng tuwid at ilang beses tumikhim. "I shouldn't hurt a girl...Dastan said. I am sorry."

"Huh?"

Muli niya akong pinasadahan ng tingin at kusang umawang ang bibig niya nang higit niya akong titigan. "I've made you cry...I've made an ungentlemanly impression."

"Huh?" dali-dali kong pinunasan ang luha ko. Pinagsasabi ng bampirang ito?!

"It's not you!"

Habang nagpupunas ako ng luha sa pisngi ko, hindi ko na napansin ang paglapit niya sa akin at ang panyong inabot niya sa harapan ko.

"Here..."

A very expensive handkerchief with embroidered letters on its edge. CLG.

"Go away!" sigaw ko.

"How rude." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya ang panyo sa palad ko. Mabilis niya akong tinalikuran at patungo na siya sa usok na pinanggalingan niya. Ngunit natigilan siya nang may panibagong lalaking lumabas doon.

Kapwa kami napatingala sa tangkad ng panibagong bampirang nagpakita.

"Caleb! Stop entering Lily's smoke without her knowledge!"

Malakas na suntok sa ulo ang tumama sa batang bampira. "Ouch! Zen! I will tell this to Lily!"

"Magsama pa kayo."

Natigil silang dalawa sa pagtatalo nang ibinato ko ang panyong ibinigay sa akin ng batang bampira. "Go away, vampires!"

Tipid lang akong tinapunan ng tingin ng matangkad na bampira at siya mismo ang kumuha ng panyo sa lupa. Ngumuso ang batang bampira habang nakakrus ang mga braso ngunit nakaangat pa rin ang tingin sa akin.

"How rude."

The taller vampire chuckled. "Did she just reject you, little brother?"

"Shut up, Zen. She's not my type."

Nagkibit balikat lang ang matangkad na bampira, naunang pumasok sa usok ang mayabang na si Caleb at muling sumulyap sa akin iyong matangkad. "A young werewolf, huh?"

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now