Chapter 1

41.1K 2.2K 1.9K
                                    

Chapter 1

King's words

Umuwi na ako sa kuta namin. Tulad nang inaasahan ay nag-alala ang lahat sa ilang oras kong pagkawala, paano pa kaya kung malalaman nila na may mga bampira akong nakita sa ilog?

Ano ang dahilan nila sa pagtungo rito?

"Saan ka na naman nanggaling, Iris?" tanong sa akin ni Ledare na abala sa paghahalo ng mainit na sabaw sa lutuan.

"Sa may ilog lang po, Ledare."

Bagaman hindi maganda ang relasyon ng mga lobo at bampira sa ngayon, hindi lingid sa kaalaman ko ang lihim na pakikipag-usap ni Ledare sa kilalang hari ng Sartorias. Higit man siyang kilala ng iba't ibang lahi, sa ibang paraan ko siya lubusang nakilala-Ressa's memories.

Hindi iilang beses na hiniling kong higit pa sa isang sumpa ang binitawan ni Elin noon upang higit na maipaghiwalay ang mga lobo't bampira. I even used for forever division... dahil natatakot akong masundan pa ang dalawang lobong hinahangaan ko na sinapit lamang ay kamatayan at hinagpis dahil sa mga bampira.

Why King Thaddeus is still lingering in our clan?

Hindi ba't matatag na ang kanyang posisyon? Bakit kailangan niya pa ang lihim na alyansa ng mga lobo? Ilang beses ko nang pinigilan ang sarili kong pigilan si Ledare na makipagkita kay Haring Thaddeus.

I hate him. Lahat ng mga bampira at hindi ko kailanman hihilingin na magbago ang pananaw ko sa bagay na iyon.

Naupo ako sa lamesa at pinili kong buklatin ang aklat na nakapatong doon. Wala man doon ang totoo kong atensyon ay pinagpatuloy ko lamang ang paglipat ng pahina.

"Ano ang mayroon sa kanya, Ledare? Why everyone is looking up to him? All he had done was hurt them... he only cares for his good name."

Narinig ko ang saglit na pagtawa ni Ledare. "You're still young, Iris..."

"I've seen visions, Ledare. The pasts... sa tingin mo ba'y ang isip ko'y maituturi pa ring isang inosenteng bata gayong tila naranasan ko na ang napagdaanan ng dalawang puting lobo?"

Nabitawan ni Ledare ang panghalo niya ng sabaw at tuluyan na siyang lumingon sa akin.

"A-Ano ang sinabi mo?"

"Their pasts visited me, Ledare. I've seen how Elin and Ressa suffered in the hands of vampires... you might claim that King Thaddeus is different from any other vampire kings, but to abandon someone who dedicated her whole life-"

Huminga nang malalim si Ledare. "Iris..."

Lumapit na siya sa akin, naupo siya sa tabi ko at tipid niyang hinawakan ang kamay ko. "You can't bury yourself in the past. Siguro nga'y iyon ang landas na tinahak ng dalawang naunang puting lobo, ngunit ika'y may sariling landas."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. "I don't have the heart of a white wolf, Ledare..."

Muli siyang bumuntonghininga at humiwalay na sa akin. "Bakit hindi ka na lang humigob ng mainit na sabaw? Tamang-tama ito sa malamig na klima ngayon."

Hindi ko na ipinasok muli ang usapan tungkol kay Haring Thaddeus. Pero hindi mawala sa isip ko iyong panyong ibinigay sa akin ng batang bampira at ang ilang letrang nakaburda roon. I am sure that he's a Gazellian.

I thought I'd not be bothered by another dream from the past, but again, I was reminded by the tragic memories of Elin and Ressa. Mabigat ang pakiramdam kong bumaba sa kama, kinuha ko ang nakapatong na lampara sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng aking kama at pinili ko munang lumabas ng bahay.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Onde histórias criam vida. Descubra agora