Chapter 10

20.5K 1.8K 801
                                    

Chapter 10: Sundo

I wasn't surprise when the glow from the map on my hand suddenly vanished. Siguro'y naramdaman na rin mismo ng mapa ang biglang pagbabago ng emosyon ko. How could I possibly unite with the map and its power when this annoying Gazellian keeps on pestering me?

Mas malala pa siya kay Caleb.

Caleb Lancelot Gazellian knew when to stop. Agad na siyang tumitigil kapag nararamdaman niyang walang patutunguhan ang pang-aasar niya.

But this gago and his words?

"Look!" pinandilatan ko siya ng mata.

Tumungo siya sa mapa na ngayo'y tila ordinaryong papel na lamang. Inirolyo ko iyon agad at mabilis na inihampas sa braso niya.

"Can't you stop it?!"

Nangangatal pa ang kamay kong hawak ang nakarolyong mapa habang nakatutok iyon sa mukha niya. Kung baril lang ang hawak ko'y nakalabit ko na iyon sa mukha niya.

Why? He's damn grinning!

Halos sabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis. Gusto ko nang magpapadyak o kaya'y magsisigaw sa harapan niya. But I'd definitely give him satisfaction. Kaya sa halip na ilabas ko ang galit ko'y pilit kong kinalma ang sarili ko.

Huminga ako nang malalim at bumilang ako sa aking isipan.

With this man around, I'd have a hard time manipulating the map.

"If you want my cooperation, please-" inangat na niya sa ere ang dalawa niyang kamay.

"Alright. I promise. Hindi na mauulit."

I glared at him. He wasn't grinning anymore, but I could see that he'd been suppressing it.

"It's not easy to use the map. I need concentration."

Tumango siya.

Hindi ko alam kung paano niya ako tuluyang nakumbinsi. Sinabi ko sa sarili ko na sa sandaling magbalik si Reyna Leticia'y hindi ako mag-aaksaya ng panahon upang salubungin siya, ngunit nang marinig ko ang kasalukuyang sitwasyon ng Parsua Sartorias, labag man sa loob kong sumang-ayon kay Tavion, nararapat kang hindi ko na dapat pang dagdagan ang kanilang suliranin.

"So..."

"I need time, an hour maybe...? Basta bigyan mo ako ng distansya," ngumuso siya bago siya tumangong muli sa akin. Hindi na siya nagsalitang muli at mabilis siyang naglaho sa harapan ko.

Sa paglalakbay kong mag-isa sa kagubatan, bagaman pilit kong inilayo ang isipan ko mula sa responsibilidad sa labas, ilang beses ko pa rin natatagpuan ang sarili kong pinag-aaralan ang kakayahan ng nito.

My map was known as the legendary map of Nemetio Spiran, but it wasn't just a simple map. Dahil katulad ng mga misteryong nakatago sa Nemetio Spiran na hanggang ngayon ay may sarili itong buhay.

Minsan ay naiisip ko kung tama bang tawagin itong Mapa ng Nemetio Spiran? It can be called as a portal itself. Kaya labis na lang ang proteksyon na iginawad rito dahil kung napasakamay ito ng nilalang na may masamang kalooban, maaari itong maging instrumento upang magkaroon ng alitan sa pagitan ng iba't ibang mundo.

There are always some reasons why different worlds are divided. At kung may koneksyon man iyon ay hindi iyon hantaran at alam ng lahat. Connections always have limitations. Lalo na't hindi iisa ang mga nilalang.

Naupo ako sa isa sa ilalim ng isang puno. I placed the map on my lap and stared at it. Nagawa na ako nitong dalhin sa mundong akala ko ay imposible kong makarating. Siguro... kung susubukan ko'y magagawa ko rin makarating sa mundong hinahanap ni Tavion.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon