Chapter 8

20.2K 1.9K 1.1K
                                    

Chapter 8: News

After the war and Queen Leticia's known death, I never allowed myself to get involved with any royalties. Those things that happened in the war, our journey, the map, the unknown Gazellian, and Caleb's words were too draining that I needed to take a long respite.

Even though I had those dreams about the previous white werewolves, I never expected that I'd be one of them. Sa mahabang panahon ay bihira na lamang ang isinisilang na puting lobo kaya kailanman ay hindi na ako nagkaroon ng ideya o kaya'y umasang magiging isa sa kanila.

Maybe I've known as one, who has the wisest minds in our pack, but everything would be just that. I might have the mind, but a late bloomer wolf isn't something to admire at all.  

But upon Queen Leticia's arrival, she broke all those beliefs and made me realize that I am more than what everybody had thought of me. Binasag ko lahat ng paniniwala ko at buong puso akong lumaban kasama ang mga bampira.

Kaya nang sandaling madiskubre ko kung anong klaseng lobo ako nang sandaling dumalaw sa aming kuta si Reyna Leticia at magsunud-sunod na ang rebelasyon tungkol sa mga kakayahan at responsibilidad ko sa mundong ito, ang gabay mismo at mga salita ni Reyna Leticia ang siyang higit na nagpalakas sa akin at nagpalinaw ng isipan ko.

I'd do everything for our moon goddess, for the new Queen of Nemetio Spiran. Kaya't masisisi ba ako nang pinili kong magtago sa kagubatan at piliing mag-isa matapos ang nangyaring labanan?

We've won the war. Ngunit ang kapalit noon ay ang kanyang buhay. The woman who I admired the most sacrificed herself for this world.

Ilang beses pa akong makakasaksi ng mga babaeng tinitingala akong handang ialay ang kanilang mga buhay para sa kapakanan ng iba? They're all too selfless.

Bumuntonghininga ako. Tipid na nag-angat ng tingin sa kalangitan na ngayo'y napupuno ng mga bituin.

Nasaan na kaya sila ngayon?

Are they happy right now or they regretted that they took those sacrifices?

Napailing na lang ako sa sarili kong katanungan. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa pagsuyod sa kagubatan.

I gripped the handles of my huge bag as I took my trail ahead. I could feel the heaviness of my combat boots on the muddy soil as I continued my steps, the tall grasses wallowing on my thick baggy pants, the minimal drops of rain that might pour any moment, and the tiredness which was about to overwhelm me.

Halos kalahating oras akong muling naglakad na tila walang patutunguhan.

Nanunuot ang lamig sa bawat hampas ng hangin, ngunit damang-dama ko pa rin iyong pamumuo ng mga butil na pawis sa aking noo. Ang nakatirintas kong itim na itim na umaalong buhok ay ngayon ay magulo na, hinayaan ko na lang iyon at pinagpatuloy ang mga hakbang ko.

Forest is my safe haven. It's my home. At alam kong hindi ako nito iiwan sa lahat ng pagkakataon. It has my food, water, strength, and anything that would make me feel alive. Kaya hindi na ako nag-isip pa nang dapat kong gawin nang matapos ang digmaan.

I needed to be alone... I needed to find myself. Nagkaroon man kami ng kasunduan ni Caleb na dapat kaming mag-usap, pinili ko na munang ipagpaliban iyon. Dahil nasisiguro kong hindi ko iyon maipu-proseso lahat sa sandaling salubungin na naman ako ng mga katotohanang hindi ko inaasahan.

Nang tumigil akong muli sa may isang punong nakatumba. Ipinatong ko roon ang isa kong paa habang pinapahid ko ang pawis ko gamit ang aking kanang braso. I took my bag behind my back, took my old bottle, opened the lid, and savored every drop of water on my throat.    

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Where stories live. Discover now