Chapter 44

11.3K 1K 344
                                    

You can listen to the song above, I am listening to this song while typing this chapter. Btw, this is one of my fav chaps in MOBTH. Hihi. I hope you can feel that soothing 'feels' in this chapter huhu

Chapter 44 Promise

"Yes, you can have this mission, Harper."

"I can come with her," dagdag ng panibagong boses sa likuran ni Kamahalan.

"No. I want to lead this alone, Casper."

Kahit hindi namin nakikita ang magkakapatid na Gazellian sa likuran ay naririnig namin ang kanilang usapan. Ilang beses kong sinusulyapan si Tavion na hindi man lang nagtatapon ng tingin sa unahan. Hindi na ako magugulat kung bigla itong mawala sa tabi naming lahat.

I actually expected that he'd throw curse words or endless words of rejection, pero mas pinili na lang niyang huwag magsalita.

"She can have this alone." Mas matigas na sabi ni Haring Dastan. Agad nasundan iyon ng singhapan na tila hindi nila inaasahan na sasabihin iyon ng hari. Maging si Rosh ay hindi makapaniwala.

Kung si Haring Dastan ay bahagya nang nakasilip sa likuran niya dahil sa mga kapatid niya, si Reyna Leticia naman ay naroon na ulit ang atensyon sa katawan kong nakalutang.

Buong akala ko ay tanging sina Haring Dastan at Reyna Leticia lang ang siyang makikita ko sa mga oras na iyon. Pero mukhang hindi iyon hahayaan ni Reyna Leticia, naagaw ang atensyon ni Haring Dastan nang makita niyang sabay na nagliwanag ang kamay ng kanyang reyna.

"Leticia. . ."

Sabay inihampas sa ere ni Reyna Leticia ang dalawa niyang kamay dahilan kung bakit tila kumalat ang liwanag, hindi lang mula sa kanilang dalawa ng hari kundi pati na rin sa mga nilalang na nasa kanilang likuran.

Revealing all the Gazellians and their mates, except Claret and Zen.

They were all in the middle of the throne room, King Dastan and Queen Leticia's in front of them, while every Gazellian pair was behind them.

Si Lily na nakakuyom na ang mga kamao habang naniningkit ang mga matang nakatitig kay Tavion at si Adam na tila kinakabahan habang pabalik-balik ang tingin kay Lily at Tavion. "I don't think you can resolve to violence right now, Lily. As you can see, you can't touch him."

Si Kalla na tahimik lang at nagmamasid sa paligid habang si Finn ay na kay Tavion din ang atensyon.

Si Evan na nakapamulsa lang at hinihintay ang susunod na gagawin ni Haring Dastan at Reyna Leticia, habang si Naha na nakaangkla pa ang braso sa prinsipe na tila nahihirapan nang tumayo. "C-Can't you stand properly, Naha? Tsk, matutumba tayong dalawa."

"What?"

Nakangiwi na si Evan kay Naha. They even had an eye to eye fight, but Evan got defeated. Sa huli ay bumuntonghininga na lang siya at inayos pa ang pagkakaangkla sa kanya ni Naha.

Narinig kong tumawa si Rosh nang makita ang eksenang iyon.

Sina Casper at Harper naman ay magkatabi rin at nanatili rin tahimik.

Lastly were Caleb and Anna, hindi ko maiwasang ngumiti nang makita ko sila. Nakauwi na sila nang ligtas. Kumpara sa mga nauna, halatang kagagaling nilang dalawa sa matinding laban at paglalakbay, dahil may bahid ng ilang benda ang braso at balikat ni Anna, habang si may mga sugat pa rin sa katawan si Caleb na hindi pa naghihilom.

Nang muling tumikhim si Haring Dastan ay saka lang mas umayos ng pagkakatayo ang lahat.

"Tavion," si Caleb ang siyang nagsalita. "I told them everything. . . you have to go home. Ikaw at si Iris. This is your world— your home."

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon