Chapter 40

13.2K 1.2K 198
                                    

Chapter 40 Sacrifice

With our conversation with the Earth Dragon Wizard, we all discovered the reason why Queen Leticia took more time before she came back to Nemetio Spiran, she tried to free Rosh's parents.

Caleb and Rosh's parents' mission was to seal all three bone-eating portals. This ruin, the Sea of Eronia which was connected with the cave, and the place in Tavion's world or should I say his father's world.

At ang tanging paraan lang para isara iyon at hindi magsama-sama ay ang pagsasakripisyo ng malalakas na babae para lang mapanatiling sara ang mga iyon. That's why they considered King Thaddeus as their traitor because he stole Queen Talisha away as a sacrifice to hold the other death-eating portal, hindi niya pinanghawakan ang plano nila at hinayaan niya lamang si Reyna Raeliana at ang diyosa nasa lugar na ito na magsakripisyo.

Kaya hindi na ako magtataka sa galit na mayroon ngayon ang Head Wizard kay Thaddeus o kaya'y sa anak niya.

Habang ipinapaliwanag ng Earth Dragon Wizard ang siyang totoong nangyari sa nakaraan, higit na bumibigat ang pakiramdam ko. At ang tangi ko na lang nagagawa'y tumanaw roon sa itaas ng trono niya.

Alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito.

Should I take Queen Talisha's place? Pero hindi na lingid na sa kaalaman ko na wala na si Reyna Talisha sa Nemetio Spiran, and no one confirmed that she died. She just disappeared. Posible kayang binalikan niya ang dapat na lagusang pu-protektahan niya?

"She can't hold the portal anymore. If my mother, Queen Raeliana Lovis Nestania can still hold the bone-eating cave of Nemetio Spiran, this goddess can't hold it any longer," mahinang sabi ni Rosh.

Nang sumulyap ako kay Tavion habang nakikinig kami sa mga sinasabi ni Rosh, agad kong nakita ang bakas ng takot sa kanyang mga mata.

He tried entering inside my mind, but I closed it. Hindi ko na gugustuhin pa na mabasa niya ang mga nasa isip ko nang mga oras na ito.

"This ruin is waiting for the perfect maiden to hold its power. . . dahil sumusuko na ang diyosa," mahinang sabi ni Anna.

Nagkatitigan kami ni Anna sa isa't isa, dahil alam namin sa aming mga sarili na isa sa amin ang hinihintay ng lugar na ito para pumalit sa diyosa.

Nang lumuhod sa aming harapan ang Head Wizard habang nakayuko at lumuluha, ang tangi ko na lang nagawa'y ikuyom ang mga kamay ko para pigilan ang sarili kong lumuha. I could feel his pain— his pain I wished I wouldn't inflict to my own mate.

Pero paano? Sa aming dalawa ni Anna ay siya ang higit na kailangan ng Nemetio Spiran. King Dastan and Queen Leticia sent Caleb in this world to claim his mate and bring it to Nemetio Spiran.

Siguro'y nakatakda akong makarating dito para muling maranasan ang hindi maputol na kapalaran ng mga puting lobo.

"Palayain ninyo na siya. . . palayain ninyo na ang mahal ko. Nangangako akong gagampanan ang aking tungkulin sa mundong ito kahit wala na siya. Bigyan ninyo lang ng katahimikan ang mahal ko. She sacrificed so much for this world. . . let her rest in peace. . ."

"M-May iba bang paraan?" tanong ni Rosh.

Hindi magawang makalapit sa akin ni Tavion at nakatitig lang siya sa akin.

"Of course, there's always the bitter twist of the story. I have no choice but to witness this again," sabi ng Earth Dragon Wizard bago naupo muli sa kanyang trono.

"Are you telling us that we have to choose who will be the next sacrificial maiden? A-Are you insane?!" sigaw ni Rosh.

"Hindi makakapasok ang dalawang babaeng iyan sa lugar na ito kung wala silang kakayahang manatili rito."

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora