Chapter 29

10.8K 953 61
                                    

Chapter 29 Question

Tavion tried to look happy that day. He was smiling and laughing on his way home. Even the old man Oda was curious about what happened at the market because of Tavion's unusual behavior.

Pasipol-sipol pa si Tavion habang pauli-uli sa kusina at pinapanuod ang niluluto ng Matandang Oda. He's even having that head bang na parang masayang-masaya talaga siya sa mga oras na iyon. 

"What happened there, Tavion?"

Agad umiling si Tavion. He's a terrible liar. "Nothing."

Huminga nang malalim ang matanda at pinagpatuloy niya na lamang ang pagluluto. Habang si Tavion ay nagtungo na sa kanilang maliit na sala at mas pinag-apoy niya ang kanilang pugon.

Hindi nagkaroon ng pag-uusap ang mag-ama at ang tanging namayani sa loob ng kanilang maliit na tahanan ay ang ingay ng siga ng apoy, ang pagsipol ni Tavion at ang paghahalo ng matanda ng pagkain sa malaking kawali.

Nang makuntento na si Tavion sa laki ng pugon ng apoy ay bumalik siya sa kusina at kumuha ng mansanas. Naupo siya sa hindi nila kalakihang lamesa at pinanuod ang matanda habang kumakain ng mapulang mansanas.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo? Tavion, anak, sinasabi ko sa 'yo na hindi ko na kailangan ng mahiwagang tubig na iyon. Masaya na ako sa ilang taong pananatili ko sa mundong ito."

"Kung hindi mo gusto ang tubig na iyon, I can always sell it. I am a businessman," agad na sagot ni Tavion. Bahagya akong natawa sa sinabi niyang iyon.

Marahas napalingon sa kanya ang Matandang Oda. "At gagawin mo pang negosyo ang mahiwagang tubig na iyon?"

"What else could I do? I am a vampire. I don't need the power of fountain of youth."

Natapos na ang matanda sa kanyang pagluluto. Kumuha siya ng dalawang mangkok at nagsalin siya roon ng mainit na sabaw. Inilagay niya iyon sa lamesa nilang dalawa ni Tavion.

The old man Oda sat across Tavion. Ngayon naman ay tinapay na ang kinakain ni Tavion. Vampires could live without eating those types of foods, they could even survive by drinking mere blood, dahil iyon naman talaga ang kailangan ng katawan nila. Pero dahil na rin siguro na hindi lumaki si Tavion sa pangangalaga ng mga bampira ay lumaki siyang sanay na kumakain ng mga ganitong klase ng pagkain.

"Hindi mo ba alam na makakasama mo ang iyong sariling ama sa paglalakbay na sasalihan mo?"

"I am aware."

Pinakatitigan nang Matandang Oda si Tavion, nakikita ko sa ekspresyon niyang may nais siyang sabihin ngunit ang tanging nagawa niya ay bumuntonghininga na lamang.

Lumingon na lamang ang matanda sa kanilang sala at doon ay tumigil ang kanyang mga mata sa pugon na siyang nagbibigay liwanag sa kanilang silid.

"Can you still remember the first time you came here?"

"I can't remember," pagsisinungaling muli ni Tavion.

Sa maiksing panahon na nakilala ko si Tavion at sa mga nasaksihan kong naranasan niya sa nakaraan, madali ko nang nasasabi kung kailan siya nagsasabi ng totoo o hindi, or maybe because we're mates and I could feel it in his every word.

"It was that night— that blazing hearth gave you to me, Tavion. Hindi ko akalain na makakaranas pa ako ng kaligayahan simula nang yumao ang aking asawa, pero nang sandaling dumating ka, pinaranas mo sa akin ang maging isang ama."

"And I am always grateful, Father. Wala ako sa posisyon ko kung hindi mo ako tinanggap ng mga oras na iyon. I have never experienced acceptance since I was a child."

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz