Chapter 46

12.7K 1.2K 272
                                    

You can listen to the song above if you want to feel the chapter more. Since I wrote this chapter while listening to this song.

Chapter 46 Name

Nagtungo ako sa Fevia Attero sa pag-aakalang ang aking misyon ay ibalik si Caleb sa Nemetio Spiran gamit ang kakayahan ko sa paggamit ng mapa— ngunit ang tadhanang iyon pala'y para sa kanila ni Anna.

Hanggang sa madiskubre kong ang lalaking inaakala kong si Caleb ay si Tavion na matagal na akong sinusundan. Tavion's existence made me realize that my map and power belongs to him— siya ang misyon ko. Si Tavion ang prinsipeng dapat kong dalhin sa tahanang naghihintay sa akin.

At nang sandaling magkaroon na kami ng paglalakbay, hindi ko magawang hindi isipin kung para saan ba talaga ang presensiya ko sa lugar na ito? I might have the map, but Anna led the way, at halos siya ang nakipaglaban at lumutas ng suliranin sa loob ng lugar na ito.

That's why when I witnessed how firm and convinced she was to sacrifice herself in order to hold this ruin, I told myself that I shouldn't allow her. Ginawa na ni Anna ang lahat para sa misyon at hindi na ako papayag na akuin na niya ang lahat.

I know that it was selfish for me that I didn't think of Tavion's feelings, inako ko ang responsibilidad na alam kong masasaktan siya, ngunit ng mga oras na iyon ay wala na akong maisip na paraan. Tulad nina Caleb, Rosh at Howl, nabulag ako sa desisyon ng mga dating lobo noon— na ang tanging nagawa ko na lang ay igaya ang sarili sa kanila.

I sacrificed myself.

Bago ko man ipikit ang mga mata ko'y tinanggap ko na sa sarili kong muli'y tatahakin ko na naman ang bangungot na ipinangako ko kina Elin at Ressa na hindi ko tatanggapin, pero nang sandaling marinig ko ang boses ni Tavion, doon lamang ako higit na natauhan.

Elin and Ressa are the white werewolves from the history that weren't saved. Malaki ang pagkakaiba ko sa kanila dahil sa panahong ito, hindi lang iisang kamay ang handang tumulong sa akin. Tavion, the Gazellian, my family, Rosh and even the Atteros are here for me.

Bakit ko kailangang sumuko kung may mga nilalang pa na lumalaban at hindi sumusuko sa akin?

Bago tuluyang naglaho ang mga Gazellian ay tumitig pa sa akin mula sa malayo si Adam, alam kong higit pa niyang nais makipag-usap sa akin, ngunit ang tangi niya na lang nagawa'y tumango sa akin at ibinuka ang mga labi mula sa malayo. "You can do it, Iris."

Ang tanging naiwan lang ay si Reyna Leticia, marahan siyang tumanaw sa katawan kong lumulutang sa itaas, bago siya lumingon sa maliit na bula kung saan naroon ang kaunting parte ng aking kaluluwa.         

Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad siya patungo sa akin. Ganoon pa rin ang pakiramdam ko sa tuwing makikita si Reyna Leticia, ang galak, tuwa at pasasalamat na nakikita siya ng aking mga mata. The Moon Goddess who stopped one of the biggest wars of Nemetio Spiran, Moon Goddess who witnessed how I turned into a white werewolf, and the current Queen of Nemetio Spiran.

Sa panahong ito, alam kong wala nang hihigit at karapat-dapat sa kanyang puwesto kundi siya.

Kung nasa kaanyuan lang ako bilang isang tao ay nagawa kong lumuhod sa kanya bilang pagbati, ngunit dahil bula lang ako, mas itinaas ko na lang ang sarili ko upang hindi yumuko sa akin ang reyna.

Marahang inangat ni Reyna Leticia ang dalawa niyang kamay at pinagdikit ang gilid ng kanyang palad.

Queen Leticia's gaze was so warm and soft and when she slightly tilted her head and smiled, the small glistening bubble with my soul flew above her palms. Mas nagliwanag ang mukha ni Reyna Leticia dahil sa maliit na liwanag na nagmumula sa akin.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora