Chapter 34

11.7K 846 30
                                    

Dedicated to:  Sofia Joyce Baal

Chapter 34 Connection

"May kailangan ba kayong mga bampira sa mundong ito?"

Lahat kami ay natigilan sa tanong na iyon ni Anna.

I know that right now she's been trying to figure out everything. Dahil na rin sa sinabi ng duwende, hindi na nakakagulat na marami pang bampira ang nakarating dito bukod kina Caleb at Tavion.

And she has the right to have that question. Ano nga ba ang kailangan ng mga bampira sa mundong ito? Why were we sent here to be together in this journey?

"You said that it was a failure. A failed mission. Ano ang ginawa ng mga unang bampira sa mundong ito? Why were they here? Tama lang ba na sa sandaling makita natin ang lagusan ay iiwan na natin ang mundong ito?" tanong ulit ni Anna.

"Maybe this is the right time that you'll tell us your real part, Howl," sabi ni Tavion.

"What is this ruin all about? You're aware of King Thaddeus, King Raheem and Queen Raeliana," dagdag ko.

Dahil hindi na makasunod si Anna sa usapan namin ay ipinaliwanag muna ni Caleb sa kanya ang mga impormasyon na hindi niya agad maiintindihan, lalo na tungkol kina Haring Thaddeus at Haring Raheem.

"What will I tell you? I told you, I am just trying to discover things inside this ruin," kibit balikat na sabi ni Howl na hindi na kayang tanggapin pa ni Caleb.

He grabbed Howl's collar and lifted him, angrily. "I am not up to your game anymore, De Voss. The family involved here is important to me— I mean to my brother, Dastan."

Of course, he's talking about the Le'Vamuievos family. Kahit naman hindi iyon aminin ni Caleb ay handa rin siyang gumawa ng hakbang na tutulong sa pamilyang iyon na lagi rin bukas tumulong sa kanilang mga Gazellian.

"I am willing to cooperate," humakbang na rin papalapit si Tavion na nagniningas na rin ang mga mata at nakalabas na ang pangil.

Itinaas na ni Howl sa ere ang dalawa niyang mga kamay. "Calm down, we're all comrades here, right?" natatawang sabi ni Howl.

"Yes, I am familiar with those names, but I was not really involved. I was just an apprentice back then. I don't have the complete details of what happened."

Ibinaba na ni Caleb si Howl.

Madramang inayos ni Howl ang kanyang kasuotan na parang sobrang nagusot iyon sa pagkakahawak ni Caleb. Pero mukhang natutuwa pa siya na iritado na sa kanya sina Caleb at Tavion.

"At sa tingin mo ba ay maniniwala pa kami sa mga sinasabi mo?" tanong sa kanya ni Tavion.

"You were asking me. It's your problem if you're going to believe it or not."

"Tell," mas madiing sabi ni Caleb.

Huminga nang malalim si Howl.

"Raheem, Thaddeus, and my master— the previous Earth dragon wizard were friends," panimula niya. "Don't try to remember him, Callista. Because before he took his last breath, he wished to be erased in Fevia Attero's history. Only few can even remember that he existed."

Mas nalilito na si Anna sa kanyang mga naririnig.

"Continue," dagdag ni Caleb.

Nag-angat ng isang kilay si Howl. "Alright. They say Earth dragon wizards always have a distinction among the others. We are always the least favorite of Fevia Attero since we love breaking the rules and I am the living proof. Well, my master was once like me, befriending outsiders and using the Earth train for fun."

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon