Chapter 22

14.6K 1K 81
                                    

AN/ SPG

Chapter 22: Offer

We woke up early that day and to make ourselves more productive, Anna and I decided to grill our food. Alam namin na mas magiging mahirap na ang pagdadaanan namin sa sandaling lumabas kami sa kuwebang iyon.

Nang matapos kong mag-ihaw ng sa akin ay pinag-ihaw ko na rin si Tavion na nasa labas na, ganoon din si Anna na tapos na ring ihawin ang sa kanya.

Kapwa kami nakaupo ni Anna at tanging naroon lang sa iniihaw naming pagkain ang atensyon nang magkatitigan kami sa isa't isa.

I put down the small bamboo stick with Tavion's food. "Why are we even toasting these foods for them? This won't give them nutrients."

Natawa si Anna at binitawan niya na rin ang iniihaw niya para kay Caleb. Those vampires would never appreciate us, grilling foods for them. Dahil mas gugustuhin lang nilang uminom sa mga leeg namin.

"We are just wasting our efforts. They can even survive without eating," dagdag ni Anna.

Kami na lang ang kumain ni Anna at hindi na namin inisip ang dalawang magpinsan. Dahil kung tutuusin ay dapat higit kaming malakas bago namin alukin ng almusal ang mga bampirang iyon.

When I saw Tavion and Caleb approaching inside the cave, I immediately stood and walked towards them. Nagtataka ang mga mata nina Tavion at Caleb, pero ang atensyon ko ay naroon lang kay Tavion.

I grabbed his wrist and started to pull him outside the cave. "Have you seen a river? Bring me there."

"What?"

"I think I saw a river there-" mas hinila ko pa siya hanggang sa tuluyan na nga kaming makalabas ng kuweba.

Nang kapwa na kami nakatayo ni Tavion sa labas ng kuweba, ang mga mata ko ay diretsong nakatitig sa harapan na para bang makikita ko agad ang ilog na sinasabi niya. "Let's go."

"Why are you suddenly-" nakakunot na ang noo ko nang lumingon sa kanya.

"Gusto kong uminom ng tubig."

"Oh," tumango siya. "This way, my lady."

Nagawa niya pang ihawi ang kanyang kamay sa ere para ituro sa akin ang direksyon ko. I was thinking if he's just slow or pretending not to notice that I was about to offer myself to him.

Nakasunod lang ako sa paglakad ni Tavion at hindi na nagsasalita habang kung anu-ano na naman ang ikinukwento niya sa akin.

"We're not going to that same river, right?"

He chuckled. "Of course. It is a different river."

Baka akala niya ay nakakalimutan ko pa ang pagtatapon niya ng apat na katawan sa ilog.

Nang makarating na kami sa ilog, nanatili lang akong nakatayo sa bukana niyon habang pinagmamasdan ang marahang agos at linaw ng tubig. Tavion was standing beside me while looking at me.

"Do you want me to taste it first?"

Yumuko na siya at sumalok sa tubig. At uminom siya gamit ang isa niyang palad. Nakataas na ang isa kong kilay sa kanya habang pinapanuod siya.

Sa tingin niya ba ay ang katulad kong lobo na lumaki sa kagubatan ay sensitibo pa sa tubig na mula sa ilog?

Umiinom lang si Tavion habang nakayuko nang magsimula na akong mahubad sa likuran niya. And I know that he's starting to hear the swooshing of my thick clothes as I removed it from my body.

Sunud-sunod na lumaglag sa lupa ang mga kasuotan ko, simula sa pang-itaas kong damit, sa pang-ibaba at maging ang paghuhubad ko ng aking panlakbay na sapatos.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon