Chapter 1: Out of the blue

Comincia dall'inizio
                                    

"That's enough!" Parang hindi pa nakita ni sir kunwari!, "bigyan niyo ng upuan si Miss Louie" utos niya pero walang gumalaw. Whaaaat!!? Seriously!!?

"Dito ka nalang" offer ni blond sa upuan niya sabay hila sa kamay ko kaya napaupo ako.

"Pero, 'san ka uupo?" tanong ko.

Pumunta siya sa may likod at binatukan niya yung isang lalaking madaming tigyawat, dali namang ibinigay nung guy yung chair niya. Again, whaaaat!?

What's up with this class!!? You can't just make batok to someone and steal their chair!

Hinila nung si blond yung bagong chair niya at tumabi sa akin. Actually, walang arrangement ang mga upuan nila. Akin lang ata ang nakaharap sa board!—plus yung kay blond.

"Nathaniel, but you can call me Tan for short, or just use Nathaniel para gwapo" sabi ni blond at tinanggap ko yung kamay niya and we shaked hands.

"Allexa" sabi ko and I let go of his hand, "I have a question" bulong ko

"Anything" sagot niya

"Ba't ako lang ang babae dito?"

Inilapit niya ang muka niya sa muka ko, "yung nga ang ipinagtataka ko eh" then he winked at me.

Say whuuut?

Then bigla na namang nag ingay ang buong class nung lumabas si sir Rafael so I was like, what the heck is wrong with these people!?

"Mabuti nakapagrecover ka agad" biglang tanong ni Nathaniel.

Hindi agad ako nakasagot, may inilagan kasi akong libro.

"My god! Webster dictionary ba yon!?" Tanong ko.

Tumawa si Nathaniel, pati yung mataba at yung lalaking nakatayo.

"Masanay ka na," tumingin siya dun sa pinanggalingan ng libro, "sasapakin kita pag naulit yon!" Sigaw niya doon sa lalaki at nagpeace sign lang siya habang unti unting lumulubog sa likod ng isang upuan hanggang sa di na namin siya makita.

"Nga pala, this big man over here," inakbayan niya yung mataba, "his name is Kurt, pero tawag namin sa kanya is Big"

Tumingin ako dun kay taba, seryoso? Itinaas ko yung kilay ko tapos ngumiti pa lalo si Nathaniel.

"At yan si Jason, wala siyang alyas, ayaw niya sa alyas, mababahidan daw yung gwapo niyang muka" he said, reffering to the guy with two stud earings, bakit siya hinahayaang magsuot ng earings sa school?

"Whatever" sagot nung si Jason. Oo nga, gwapo siya, lalo pang nagpagwapo sa kanya yung mga hikaw niya. Weee!

"At yang ulupong na yan," turo niya kay gwapong half asleep padin, "si Bryce, wala ding alyas"

Hindi tumingin yung si Bryce, nakaheadset kasi siya kaya hindi ata niya nadinig. Pero ang cool niyang tignan! Yun nga lang, antukin.

"Nice to finally meet everyone!" Ang lapad ng ngiti ko.

"Aba! Nakarecover ka nga" masayang sabi ni Nathaniel.

"Huh!?", recover? Ahh, sa incident two weeks ago, "oo, dinala kasi ako nung Uncle ko sa psychiatrist"

"Bakit? Nabaliw ka ba?" Biglang tanong ni Kurt, I refuse to call him Big, at pinalo siya ng magazine ni Jason habang tumatawa, what's so funny kaya?

"Big, hindi lahat ng pumupunta sa psychiatrist eh baliw" paliwanag ni Nathaniel at umiling iling siya.

"Bakit si Adong?" Itinuro ni Kurt yung isang lalaking weird ang hairstyle, yun bang half ng ulo niya is kalbo na mahaba at color pink and purple pa! ang kapal din ng eyeliner at black pa ang lipstick. Weird.

Me and My Boys VOLUME 1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora