Tumayo si Sir Alejandro saka naglakad papunta sa malawak na bookshelf. Kumuha siya ng isang aklat doon saka ito binuklat.

"Noong mag-high school sila, tuluyan nang binitiwan ni Destinee ang spotlight ng pagiging parte ng top ten. Naiwan mag-isa si Desiree na pasan ang expectations ni Winona at ng mga tao sa paligid nila. Hanggang sa napagod na ito noong mag-second year high school na sila."

Naiwang mag-isa . . .

Ibig sabihin, may sama talaga ng loob si Desiree kay Destinee? Pero hindi ba't yun ang gusto niya? Na siya ang magiging top one?

Pero . . . may mali nga si Destinee . . . kasi hindi niya tinupad na magiging top two siya. Binitiwan niya yung academic rank.

Pero hindi niya pa rin dapat sisihin ang sarili sa pagkawala ni Desiree. Bukod sa pagiging homosexual nito at ang mabigat na expectations sa kan'ya, alam kong marami pang ibang dahilan na nagkapatong-patong dahilan para gawin niya 'yon.

"Desiree has always been comfortable i  sharing things to me, kaya nasasabi niya sa akin ang mga ito. Katulad noong nakiusap siya kay Destinee noon."

"Nakiusap?" kunot-noo kong tanong.

He nodded. "Second year high school sila, nakiusap si Desiree noon kay Destinee. Ayaw na niyang maging top one. Gusto na niyang bawiin yung ipinangako nila sa isa't isa noong mga bata pa sila. Pero ayaw na rin kuhanin pa ni Destinee yung matagal na niyang binitiwan dahil mas gusto niya ang buhay na gano'n . . . na walang umaasa sa kan'ya na gagalingan niya sa lahat. 'Yon na yata ang pinakamatinding alitan nila. Simula noon, naramdaman ko na nagkalamat ang relasyon nilang dalawa."

Ito ba talaga ang dahilan?

Kung iisipin, napakababaw pero kung i-imagine-in mo at ilalagay ang sarili sa posisyon ni Desiree, mahirap nga 'yon. Sobrang lungkot, sobrang hirap, sobrang bigat. I must've felt the same if I were in her shoes. Mukhang napakaistrikta pa naman ng mama nila.

Desiree must've suffered a lot alone, considering how she felt alone during those times that she thought her twin sister taken her for granted.

"Lumipas ang mga buwan, nakaisip ulit si Desiree ng panibagong deal para sa kanila ni Destinee. Nangako ito na mag-i-stay sa top one kung babalik si Destinee sa pagiging top two, o basta mapasama lang sa top. Pero hindi ulit pumayag si Destinee. Sa huli, hinayaan na lang ni Desiree dahil desidido na talaga ang kakambal."

Ahh . . . naiintindihan ko na.

Pakiramdam ni Desiree, iniwanan siya ni Destinee sa ere. Pakiramdam niya, mag-isa na lang siya sa laban. Sa lahat.

Naiintindihan ko na.

"Pero hindi alam ni Desiree . . . may malalim na dahilan kung bakit hindi niya tinatanggap 'yon. Gagawin ni Destinee ang lahat para sa kan'ya pero hindi niya magagawa ang isang bagay na hinihiling niyang 'yon. Hindi na ibabalik pa ni Destinee ang sarili sa spotlight para kay Desiree."

Napalunok ako. "Ano hong dahilan?"

Mapait siyang ngumiti bago isinaradong muli ang libro.

"Kung pareho silang matalino, ikokompara sila kung sino ang mas matalino sa kanilang dalawa. Alam ni Destinee na mananalo siya sa lahat dahil genius siya, alam niya 'yon sa sarili niya. At kapag kinompara sila, masasaktan si Desiree sa mga maririnig. She knew her twin sister. Naramdaman niyang kutyain siya noong biglang bumaba nang bumaba ang rank niya. Naramdaman niya kung paano ikompara sa the best student na si Desiree. At ayaw niyang maramdaman ni Desiree ang mga naramdaman niyang 'yon. Destinee only protected her in her own ways. Hindi niya intensiyon iparamdam sa kakambal na iniwan niya ito sa ere."

Naibaba ko ang tingin sa sahig. Sumikip lang ang loob ko matapos marinig ang mga kwentong 'yon.

"So . . . kahit ano palang mangyari . . . magkakaroon pa rin talaga ng dahilan si Desiree para bitiwan ang sariling buhay."

Tumango si Sir Alejandro. "Oo. At walang dapat sisihin doon. Walang may kasalanan sa nangyaring 'yon."

Nakita ko ang pagkinang ng mga mata ni Sir Alejandro bago tumalikod. Maglalakad na sana siya palabas ng k'warto nang magsalita ako, dahilan para mapatigil siya.

"Pero sinisisi n'yo ho ang sarili n'yo."

Bumagsak ang magkabilang balikat niya bago muling lumingon sa akin nang may mapupulang mga mata.

"Dahil nakita ko lahat ng senyales na magpapakamatay siya . . . pero hindi ko pinansin. Walang alam si Destinee at Winona sa mga balak ni Desiree pero ako . . . ramdam ko . . . nakita ko. At hindi ko pinansin dahil hindi ako naniniwalang magagawa niya 'yon."

Nabasag ang boses ni Sir Alejandro, dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

"Hindi ako naniniwalang magagawa niya  . . . pero nagawa niya," sabi niya sa pinakamasakit na tono ng boses na narinig ko mula sa kan'ya.

Napalunok ako nang marinig ang tuluyang pag-iyak niya. Pakiramdam ko tuloy, hindi na sana ako nagtanong pa.

"Hindi n'yo rin ho kasalanan. Huwag n'yo rin sisihin ang sarili n'yo, sir."

Tumawa siya nang mahina bago pinunasan ang mga luha.

"Hayaan mo na lang siguro akong sisihin ang sarili ko. Tutal, ito naman ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako."

Napakunot-noo ako dahil do'n.

"Wala akong karapatan mamatay nang maaga. Hindi ko pa napagsisihan nang mabuti ang mga nangyari sa pamilya ko. Kulang pa ang sakit at pagdurusa na naranasan ko sa mga naranasan ng pamilya ko. Kaya mabubuhay ako para pagsisihan ang lahat . . . at mamamatay lang ako kapag napagbayaran ko na ang lahat."

Matapos niyang sabihin 'yon, tuluyan na siyang umalis, iniwan akong mag-isa sa k'warto ni Destinee.

Forgotten Seal Of PromisesWhere stories live. Discover now