"Si Mama . . . magagalit." 

Sunod-sunod na humikbi siya. Hindi ko mapagdugtong-dugtong ang mga sinasabi niya. Hindi ko mapagtagpi-tagpi kung anong ibig niyang sabihin.

"SLC."

Napaawang ang bibig ko. Mukhang naiintindihan ko na.

"I saw Constan . . . tine. Happy. Many friends."

Nagsimula nang mangilid ang mga luha ko. Mukhang naiintindihan ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Mukhang alam ko na kung ano ang mga sinasabi niya.

"I'm sorry."

Umiling-iling ako bago pinunasan ang mga luha niya. "Tama na. 'Wag ka nang mag-sorry. Okay na 'to. Nandito naman na ulit ako. Hindi na ulit tayo magkakalayo ulit. Palagi na akong nasa tabi mo. Okay?"

Tumango siya bago ngumiti. "Constantine . . ."

I smiled. "Hmm?"

"I . . . love . . . you."

Doon na tuluyang bumigay ang mga luha ko. Ito yata ang unang beses na sinabi niya ang mga salitang 'yon sa personality na kan'ya talaga. Kahit na madalas niyang sabihin 'yan noong gamit niya ang personality ni Desiree, iba pa rin ang pakiramdam ngayong siya na talaga 'to.

"Mahal na mahal din kita." I took a deep breath. "Sige na, pumasok ka na. Babalik ako bukas, okay?"

Tumango siya bago tuluyang lumapit sa nurse. Kumaway pa siya sa akin bago tuluyan akong tinalikuran at saka sila naglakad palayo sa akin.

Nang makaalis ako ng hospital, sumakay kaagad ako ng sasakyan. Tumawag kaagad ako sa papa ni Destinee. Mabilis itong sumagot.

"Constantine, kumusta?"

Nakahinga ako nang maluwag. "Hello, sir. Nasaan po kayo ngayon?"

Tumikhim siya. "Nasa bahay ako ngayon. Bakit?"

"P'wede hong pumunta?"

Tumawa siya nang mahina. "Oo naman. Halika, tulungan mo na rin ako. Hihintayin kita."

Napakunot-noo ako. Gusto ko pa sana magtanong kaso pinatay na niya ang tawag. Ini-start ko na lang kaagad ang engine at nag-drive papunta sa bahay nila. 

Wala pang twenty minutes ang nakalipas, nakarating na kaagad ako sa bahay nila. Nag-doorbell kaagad ako. Ilang saglit lang, pinagbuksan na kaagad ako ng kasambahay nila saka ako pinapasok at sinabing nasa itaas si Sir Alejandro. Naabutan ko siya na abala sa paglilinis ng k'warto sa itaas.

"Nandito ka na pala," nakangiting bati niya sa akin habang hawak ang ibang mga gamit na inilabas niya mula sa k'warto ni Destinee--yung naka-lock noon.

"Uh, tulungan ko na ho kayo," sabi ko bago kinuha ang mga gamit na hawak niya. "Saan ho ito ilalagay?"

Itinuro niya ang kahon sa gilid. "D'yan na lang. Salamat, hijo."

Tumango ako bago sinunod siya. Narinig ko pa na nagsalita ulit siya.

"Bakit pala naisipan mong pumunta rito?" tanong niya sa akin.

Nang mailagay na sa kahon ang mga gamit, humarap ako sa kan'ya. "Uh, galing ho ako kay Destinee. Pinayagan na akong dumalaw dahil mukhang nakatulong sa recovery niya ang mga sulat na ipinapadala ko sa kan'ya."

Ngumiti si Sir Alejandro saka tumango. "Napakagandang regalo ng pagbisita mo para sa birthday niya ngayon. Salamat, hijo."

Ngumiti ako. "At saka . . . may tanong ho ako."

Kumunot-noo siya. "Ano 'yon?"

Lumunok ako bago kinuha ang cellphone sa bulsa saka ipinakita ang number na ni-dial ko kanina.

Forgotten Seal Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon