c h a p t e r 48

79 10 1
                                    

Maniwala ka man o hindi

**

"Pau, si Matteo. Matt, si Paulo, pinsan ko."

Inilahad ni Matteo ang kamay na agad namang tinanggap ng lalaki. Maliit ang mukha nito, matangkad, at nakasuot pa ng uniform ng isang private school sa Angeles. May hawig kay Shao ang mga mata pero mas pormal ang mukha ni Paulo. Ilang beses nya na rin itong narinig kay Shao pero ngayon lang sila nagkakilala.

"Nice meeting you." Seryoso nitong sabi. Tumango sya at bumitaw sa kamay nito. "Sasabay ba kayo?" Tanong nito saka isinenyas ng ulo ang itim na Toyota Vios.

"Okay lang ba kung isasabay ko si Matteo?" Tanong ni Shao.

Ngumisi ito saka nauna nang tumalikod,
"Kahit itira mo pa sya sa bahay okay lang."

Nang malayo layo na si Paulo ay kunot noong napatingin sya kay Shao pero bago pa man sya makapag tanong ay nagsalita na ito.
"Sakanila muna ako nakatira."

"Bakit?"

"Uhh.." Nag apuhap ito ng sasabihin habang napapakamot sa likod ng ulo, "Kasi wala syang kasama. Nasa states ang mga magulang nya. Pansamantala lang naman."

Pinanliitan nya ito ng mga mata.

"Bakit?" Natatawa nitong tanong saka mahina syang binangga sa balikat. "Totoo nga, kahit tanungin mo pa si Paulo."

Hindi na sya nakasagot nang huminto sa tapat nila ang sasakyan ng huli. Imbes na sa harapan, ay tumabi sakanya si Shao sa likuran na hindi naman inangalan ni Paulo.

"Saan ka ba nakatira, Matteo?" Tanong nito habang nakatingin sa kalsada. Hindi gaya ni Shao na makulit, matured kumilos si Paulo at mukhang hindi mahilig ngumiti.

"Sa Xevera."

Tumingin ito sakanila ni Shao sa rear mirror.
"Doon din kami. Anong block?"

Sinulyapan nya si Shao. Hindi nito iyon nabanggit.
"Red block. Lot 53."

"Idadaan ka na namin."

Nang makalabas sa street ng school ay natahimik sila sa loob kaya bumaling sya kay Shao.
"Kailan ka pa nakatira sakanila?" Mahina nyang tanong.

Umilap ang mga mata nito,
"Kahapon lang."

Muli nya itong tinitigan, hindi kumbinsido sa narinig na sagot.

"Ayaw mo nun, malapit na ako sayo?" Dumukwang ito at isinandal ang baba sa balikat nya.
Marahan nya itong itinulak lalo na at kasama nila ang pinsan nito pero hindi ito umalis sa pagkakasandal at pumikit pa.

Nakarinig sya ng tikhim mula sa unahan at nang mapatingin sya sa rear view mirror ay nagtama pa ang mga mata nila ni Paulo, sumulyap ito sa pagkakasandal ni Shao sa balikat nya.

Sya ang unang nagbawi ng tingin at ibinaling iyon sa labas ng bintana.

"Nahihiya ka ba?" Nakangising bulong ni Shao.

Hindi nya sinagot ang tanong nito at napapailing na ipinatong sa gilid ng bintana ang braso.
"Ikaw ba hindi nahihiya?" Halos hindi na marinig na balik tanong nya. Hindi sya naiilang sa pagsiksik sakanya ni Shao, pero dahil may iba silang kasama at pinsan pa nito.

"Si Paulo lang naman yan, Matt. Kung gusto mo sabihin natin sakanya ngayon na meron tayong rel-"

Mabilis nyang tinakpan ang bibig nito at kinakabahang pinanlakihan ng mga mata.
"Patayin nalang kaya kita?"

Ngumiti ang mga mata nito at tinanggal ang kamay nya, iniunat ang kaliwang kamay sa backrest at prenteng naupo habang may pagkaaliw sa mga mata.
"Malapit na tayo kina Matteo." Baling ni Shao kay Paulo saka nakangising lumingon sakanya.

"Nga pala, Pau.." Hinaplos sya nito sa ulo , "Boyfriend ko nga pala si Matteo at hindi ako nagbibiro, maniwala ka man o hindi."

Napaawang ang mga labi nya sa walang preno nitong bibig.

Mahina lang na natawa si Paulo pero hindi nagsalita nang nananadya pang pinisil ni Shao ang baba nya. Bumukas ang mga labi nya pero isinarado nya rin iyon nang wala syang maisip na paraan para itanggi ang sinabi nito.

"Baka lang kasi magulat ka kapag nakita mo akong hinahalikan sya."

Sinamaan nya si Shao ng tingin at malakas itong tinampal sa lapi, "Shaolin." , pero tawa lang ang isinagot nito sakanya.

"Wag kayong mag alala," Seryosong sabi ni Paulo bago ihinto ang sasakyan. Nang tingnan nya ay nasa harapan na sila ng bahay.. Lumingon ito at nagpabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa at tumigil sa kamay ni Shao na nakapatong sa isa nyang hita.

", hindi naman nakakagulat, maniwala man kayo o hindi." Simple nitong sabi bago inalis ang lock ng mga pintuan.

Napatingin sya kay Shao na kalmado lang ang mukha.
Wala na syang nagawa kundi ang mapailing nalang nang tumaas baba ang mga kilay nito, at wala man lang mababakas na takot sa mukha.
"'Bat ba ako nagkagusto sayo?" Bulong nya saka ito mariing pinisil sa pisngi bago bumaba ng sasakyan.

Nang makalabas ay muli syang napalingon nang may kumalabit sa likod nya. Nakababa ang bintana at nakasilip ang ngiting ngiti na mukha ni Shao.
"Bye, boyfriend.." Nanunudyo nitong sabi pero may lambing sa boses. "See you tomorrow...o pwede rin namang mamayang gabi pag hindi ako nakatiis."

Tiim bagang syang napapikit at nahihiyang itinakip ang isang kamay sa mga mata, pinipigil ang sarili na hilahin ito palabas ng kotse at i-stapler ang kanina pa nitong maingay na bibig.

Narinig nya ang pagtawa ni Shao at nakitang nakapatong ang isang braso nito sa bintana habang nakahiga doon patagilid ang ulo, naniningkit ang mga matang nakatingin sakanya dahil sa pagkakangiti.

Hindi nya na naman napigilang mahawa sa ngiti nito at lalo lang lumawak ang ngiti ni Shao pagkakita doon.

Tngina talaga. Bakit kasi ganyan ang mukha mo, Shaolin?

Nang umandar na ang kotse ay inilagay nya ang isang kamay sa bulsa at inayos ang pagkakasaklay ng bag sa balikat.

Pasimple nyang ikinaway ang kamay at nakangiting sinundan ng tingin ang kotse hanggang sa mawala na iyon sa paningin nya.

Hindi nya alam kung naniwala ba si Paulo o hindi, pero sana ay walang maging epekto yun sakanila ni Shao lalo pa at wala syang balak na itanggi kung anuman ang relasyong meron sila ngayon.

****

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now