c h a p t e r 62

219 9 2
                                    

Lumipas ang third grading at ilang buwan nalang ay graduation na. Nagsisimula na ang mga teachers na pag usapan ang tungkol doon, kung anong kakantahin, at sinu-sino ang bibigyan ng mga awards. Pero lahat ng iyon ay wala sa isip ni Matteo, lalo na nang malaman nyang hindi lang ang mama nya at kapatid ang uuwi.

"Bakit pati si Patricia kasama?" Tukoy nya sa kababata.

Alam ng mama nya na hindi sila magkasundo ni Patricia mula noong mga bata hanggang sa maging teenager na sila.
"Ilang araw lang naman sya saatin, may mga lalakarin lang sya at nagpatulong saakin at pagkatapos, babalik na sya sa Australia."

"Alam nyo naman na ayoko sakanya." Diretsa nyang sabi. Maisip palang ang nakakainis nitong mukha ay nag iinit na ang ulo nya.

Natawa ito sa kabilang linya, "Son, hindi na kayo mga bata. Marami na rin ang nagbago kay Pat, parang ikaw rin. Sigurado akong magugustuhan mo sya."

Napailing sya.
Limang taon na rin nang mag migrate ang pamilya ni Patricia sa Australia, matagal na rin pero parang kahapon lang nang maalala nya ang ginawa nito sakanya.

Bago sila lumipat sa Xevera Subdivision, sa isang subdivision muna sa Angeles City sila nakatira kung saan kapitbahay nila ang pamilya ni Patricia, ang mga Villa Royal. Mababait ang mga magulang nito at ilang beses na rin nilang nakasabay kumain.

Dahil parehong bata, pilit silang pinaglapit ni Patricia. Noong una ay maayos naman ang pagkakaibigan nila, pero habang tumatagal napapansin nya ang pag iiba-iba ng ugali nito.

Sinungaling at magaling umarte.
Ilabg ulit nya yun nakita. At sya ang lagi nitong biktima.

"Hindi ko sya magugustuhan." Aniya na muli lang tinawanan ng mama nya

Napabuntong hininga sya at inalis sa isip si Patricia. Nilaro nya ang hinliliit ni Shao habang magkatabi silang nakaupo sa room.

"Malapit na ang graduation, Matt. Anong plano mo?" Tanong nito habang pahigang nakaupo. Nakapatong ang kanang paa nito sa upuang nasa harap habang abala ang isang kamay sa pag scroll sa cellphone.

"Hindi ko pa alam." Hindi pa sila nag uusap ng mga magulang nya tungkol doon, "Ikaw?"

"Baka sa Manila ako mag aral."

Napatingin sya kay Shao, seryoso ang boses nito. Kahit wala pa syang plano, hindi nya naisip na doon mag aral.
"Ayaw mo dito sa Pampanga?"

"Hindi sa ganon, Matt. Syempre gusto ko. Kaya lang nabasa ko kasi sa isang university na nag ooffer sila ng scholarship sa mga varsity player. Kung makakapasa ako, doon ko susubukang mag aral. Pero kung hindi naman, edi dito nalang ulit."

Humigpit ang hawak nya sa hinliliit nito.
"Buti naman at may plano ka na." Aniya kahit hindi iyon bukal sa loob nya.

Ibinaba nito ang cellphone at tumingin sakanya, "Pero mas masaya kung kasama ka."

Ngumiti sya, "Darating na sina mama next week. Baka..doon ako magkaroon ng plano."

Napaayos ito ng upo at nabahiran ng pagkabahala ang mukha, "Matteo.."

Bumuntong hininga sya at nag iwas ng tingin. Talagang wala pa syang plano. Hindi nya rin alam kung mapag uusapan ulit ang pagsama sakanya ng mama nya sa Australia.
"Ayoko munang isipin.." Sumandal sya sa balikat ni Shao at gumaan ang pakiramdam nang maamoy ang pabango nito. "Kasi iniisip ko ngayon kung anong mangyayari pag nagkita sila ni papa."

"Sino? Ang mama at papa mo?"

Tumango sya. "Hiwalay na sila. Pinalinis ni papa ang guest room. Unang beses kaming mag kikita kita na hindi na isang pamilya."

Tinapik ni Shao ang ulo nya, "Edi, gaya pa rin ng dati. Kung paano mo itrato ang mama mo, ganon mo ulit sya itrato ngayon." Hindi sya umimik, "Pamilya pa rin naman kayo, Matt. May mga tao nga lang na hindi talaga itinadhanang magsama hanggang sa huli kaya kailangan nilang maghiwalay.."

"Bakit?" Nag angat sya ng ulo at nahuli nya ang lungkot sa mukha nito.

Pero nang tumingin ito sakanya ay nawala rin iyon agad kaya inisip nya nalang na hindi nya iyon nakita, "Anong bakit?" Nakangiti nitong tanong.

"Bakit kailangang maghiwalay?"

Naglakbay ang mga mga nito sa mukha nya at pinisil sya sa pisngi, "Kasi dun mo lang makikita kung sino talaga ang para sayo."

"Kung ganon, kailangan muna natin maghiwalay para malaman ko kung para sakin ka talaga?" Tanong nya. Pinigil nya ang pag ngiti nang sandali itong matigilan at parang biglang nagsisi sa sinabi. "Ibig mong sabihin, kailangan natin maghiwalay?" Ulit nya.

Biglang napuno ng pagkalito at pagtutol ang mga mata nito bago napakurap at mabagal na umiling, "Ayoko, bi..." Mahina nitong sabi na parang pinipigilan syang gawin iyon.

Natawa sya, "Eh paano ko malalaman na para sakin ka talaga kung hindi tayo maghihiwalay?"

"Kailangan mo pa ba yun alamin? Pwede mo naman yun alamin habang magkasama tayo.."

"Hindi ko yun malalaman, kasi lagi tayong magkasama. Alam mo ba ang kasabihang 'Distance makes the heart grow fonder'? Paano natin malalaman na talagang mahal mo ako kung hindi mo naman ako mamimiss?"

Hindi umimik si Shao at mataman lang na nakatingin sakanya.

"Ganito nalang, mag break na tayo ngayon." May kalakasan nyang sabi na ikinalingon ni Cassidy at Xerxes sa kabilang row.

Nanlaki ang mga mata ni Shao at marahas syang hinila sa manggas ng damit. "Anong sabi mo?"

"Sabi ko, mag break na tayo ngayon." Mahinahon nyang sabi.

Binitawan nito ang manggas nya at mariin syang pinisil sa pisngi, "Inulit mo pa?"

"Aray..." Daing nya saka hinawakan ang kamay ni Shao. "Joke lang, joke lang!" Nakangiwi nyang sabi habang napapaangat ng upo dahil sa sakit.

Hinampas nya ito sa balikat nang bitawan sya nito matapos pisilin pa nang isang beses ang pisngi nya, mariin at mas masakit pa sa sampal nya dito sa Eco Park.

Himas ang pisngi, muli syang hinigit ni Shao sa manggas at may babala sa mga matang bumulong, "Sabihin mo pa ulit yan, Matteo. Hindi na kita dito patatahimikin sa susunod." Lumayo ito sakanya habang may naglalarong ngisi sa mga labi, "Sa kwarto ko na, habang may nakasubo dyan sa bibig mo."

Nanigas sya kinauupuan, bago dahan dahang umatras ng upo at itinikom ang bibig para manahimik.

****

( End Of  Book 1 )

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon