c h a p t e r 60

84 8 0
                                    

Slap of jealousy and love

***

"Next week, baka dumating na ang mama at kapatid mo. Bukas 'wag ka munang lumabas dahil darating ang maglilinis ng mga kwartong gagamitin nila."

Napapabuntong hiningang sinipa ni Matteo ang maliit na batong nadaanan nya habang mabagal na naglalakad papunta sa Eco Park. Sinuklay nya ng daliri ang buhok papunta sa likod ng ulo at tahimik na tumigil sandali.

Tanging paisa-isang sasakyan nalang at ilang nagba-basketball sa tapat ng isang bahay ang makikitang nasa labas ng kalsada. Alas nuebe na ng gabi at tulog na ang papa nya kaya mabilis syang nakalabas ng bahay.

Kanina ay nakapag usap sila sandali at sinabi nito na uuwi na ang mama nya. Kung narinig nya iyon noon, noong mga panahon na hindi nya pa alam ang tungkol sa paghihiwalay nito at ng papa nya, siguro ay hindi sya ngayon nahihirapang mag isip kung paano aakto sa harapan nito.

Hindi nya alam kung makukuha nya bang ngumiti kapag sinalubong nya na ito at ang kapatid nya dahil kahit ayaw nya mang maramdaman, hindi nya maiwasang makaramdam ng sama ng loob sa naging desisyon nitong umalis.

"Matteo!" Napatingin sya sa mga naglalaro ng basketball at nakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na T-shirt at jersey shorts.

Tipid syang ngumiti nang mamukhaan ang matangkad na lalaki, "Kyle."

Patakbo itong lumapit sakanya at nakipag fist bump. "Saan ka?"

Isinenyas nya ng ulo ang may kadilimang gate ng Eco Park sa hindi kalayuan, "Dyan lang."

Ngayon nalang uli sila nagkita ni Kyle sa loob ng subdivision.

"Wala na yatang tao sa Eco Park. May kikitain ka?" Tanong nito habang may malisyosong ngiti sa mga labi. Kuminang ang lip piercing nito sa tama ng ilaw.

"Oo, si Shao." Sagot nya.

Napatango tango ito at binato ang bola pabalik sa mga kasama,
"Shao? Yung pinsan ni Paulo?" Tumango sya at napatingin sa isa nitong kasama na lumapit rin sakanila at umakbay kay Kyle. "Kaya pala nakita ko kaninang dumaan. Kilala mo si Shao, diba?" Tanong nito sa kasama. Hamak na mas matangkad ito sakanila ni Kyle at singkit ang mga mata.

"Si Del Ocampo? May kasama yun babae kanina ah? Papunta dun sa Eco Park."

Awtomatikong nagdikit ang mga kilay nya pero marahan din na natawa, "Babae?" Wala namang kakilala at kalapit si Shao sa subdivision maliban sakanya.

"Oo, maganda. Diba sinipulan mo pa nga?" Tanong ni Kyle sa kasama nito. Hindi agad iyon sumagot at nakipag titigan lang sakanya.

Maganda?

"Ah...oo." Wala sa sariling sagot nito, nakatingin pa rin sakanya. "Syota nya ba yun? Hanep kung makadikit eh, pero maganda naman kaya okay na rin."

Nawala ang ngiti nya at malamig na tiningnan ang mga kaharap.

Shaolin.

Hindi iyon naalis sa mukha nya hanggang sa makarating sya sa Eco Park at madatnan si Shao na mag isang nakasandal sa railings ng fish pond habang naninigarilyo.

Nang makita sya ay umayos ito ng tayo at agad na lumapit sakanya, "Matteo." Sabi nito habang nakangiti. Doon nya lang napansin ang malakas na kabog ng dibdib nya at ang pagkakasalubong ng mga kilay na halos manakit na ang noo nya. Agad nyang kinalma ang sarili lalo na nang sipatin ni Shao ang mukha nya habang hawak sya sa baba.

"Anong mukha yan?" Tanong nito, malambing ang boses. "Napagod ka ba maglakad? Tara, upo tayo. "

Hindi sya agad nakasagot at pasimpleng tumingin sa paligid. Wala syang ibang taong nakita doon maliban sakanilang dalawa.

"Ikaw lang dito?" Tanong nya, may paghihinala sa boses.

Inilibot din nito ang paningin, "Parang ganon na nga. Gabi na kasi, napansin ko na hindi mahilig lumabas ang mga tao dito sa subdivision nyo kapag gabi." Sabi nito na may ngiti sa mga mata habang nasa likod nya ang kaliwang braso at inilapit ang kanang kamay sa bibig para ubusin ang sigarilyo. Bahagya syang umilag nang nakangisi nitong ibuga iyon sakanya.

Pinagmasdan nya ito at wala syang makitang senyales na hindi ito nagsasabi ng totoo.

"Pakiss nga.." Napakurap sya nang gawaran sya nito nang mabilis na halik sa gilid ng labi, nakaramdam sya ng kaunting lamig doon nang umihip ang hangin tanda na basa ang labi nito nang idampi sakanya.

Dahil matagal na silang magkaibigan, kilala nya si Shao pagdating sa mga babae. Sadyang mahilig itong maglambing kahit sa mga naging girlfriend nito noon, walang pinipiling lugar, kahit na kasama pa sya at nakatingin. Minsan ay hindi nya maiwasang maghambing at isipin, kung pareho ba ang pagtrato nito sakanya at sa mga nagdaan nitong karelasyon.

Sa naisip, ay agad na tumabang ang ekspresyon sa mukha nya kahit inaagaw ng malikot nitong kamay na humahaplos sa likod nya at ng maganda nitong ngiti na kanina pa hindi maalis, ang buo nyang atensyon.

Ang maisip na ginawa na nito ang mga ginagawa sakanya sa iba, ay nakakasuklam.

Tinitigan nya si Shao at ang inosente nitong mukha, nakangiti at nangingislap pa ang mga mata. Lalo syang nainis sa ngiting iyon.

Inangat nya ang isang kamay at walang salitang sinampal ito sa kaliwang pisngi na may halong panggigigil.

Napaigtad ito sa gulat at namimilog ang mga matang hinimas ang pisngi, "Para saan yun?" Maang nitong tanong na parang bahagya pang nahilo.

Hindi sya sumagot at matalim, puno ng selos ang mga matang tumalikod at lumayo kay Shao bago nya pa uli maiangat ang kamay papunta sa pisngi nito.

***

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now