c h a p t e r 17

88 7 0
                                    

Colder then the night ~

***********

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Matteo habang magkasunod silang naglalakad ni Shao sa madilim na kalsada. Malamig na ang hangin at habang nagtatagal ay parang mas naging nakakatakot pa ang paligid. Uulan na kaya madilim ang mga ulap  at ang kaninang malamlam na liwanag ng buwan, ngayon ay wala na.

"Kung hindi ako pumunta dito, edi sana hanggang ngayon nakatayo ka parin doon at nagdadasal ng Ama Namin. Kawawa ka naman kung ganon." Tudyo nito saka marahas na ginulo ang buhok nya.

Bahagyang kumunot ang noo ni Matteo pagkarinig sa boses nito. Para yung lasing pero hindi nya naman ito naamuyan ng alak.

Inabot nya si Shao at nahawakan ang damit nito sa likuran. "Nang aasar ka ba?" Tanong nya saka ito inakbayan.

"Hindi.." Pabulong nitong sagot.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Matteo at napabitaw kay Shao nang nanunuksong halikan sya nito sa gilid ng leeg.
Doon nya naamoy ang matapang na usok sa damit nito. Hindi iyon agad maaamoy kung dadaan lang ito sa harap nya, pero kapag malapitan at pamilyar sa amoy ay malalaman agad na gumamit ito ng NSD. Ginawa iyon ni Xerxes, pinaghalong weeds at Study drugs na kapag sinindihan at hinithit ay imposible ka nang makatulog sa loob ng isang gabi.

Pero may isa pa yun epekto.

Natigilan sya at mahina itong itinulak sa balikat,
"Gumamit ka ba ng-"

"Oo pero konti lang." Putol nito na rinig ang ngisi sa boses. Pati sa hininga nito ay naaamoy rin ang usok.

Bigla ang pag ahon ng kaba sa dibdib nya, hindi iyon ganon kalakas..dahil mas lamang dun ang takot.
"Diba nag usap na tayo na hindi na tayo gagamit nyan?"

"Isang hits lang naman. Bakit sina Xerxes pwede tapos ako hindi?"

"Sira ka ba? Si Xerxes lang ang may kailangan nun!"

Bartender si Xerxes sa gabi at gumagamit ito ng NSD o No Sleeping Drugs para hindi antukin kapag wala itong kapalit sa trabaho. Dahil matagal nang nagtatrabaho sa mga bar, natuto rin ito na gumawa hindi lang ng alak, kundi pati ng mga pwedeng gawing pampagising ng kahit anong natutulog, sa katawan.

"Isang hits nga lang! Bat ka ba nagagalit? Si Clarence nga hindi nagalit!"

Pagkarinig sa pangalan ay marahas nya itong hinaklit sa kwelyo,
"Hinatid mo ba si Clarence?"

Mahina itong natawa saka mahigpit na hinawakan ang buhok sa likod ng ulo nya,
"Hindi ko sya hinawakan. Maniwala ka man o hindi."

Nagtagis ang mga panga ni Matteo,
"Kaya ka nandito kasi hindi mo sya hinawakan." Mahina nyang sabi, puno ng pag aakusa ang boses. Itinulak nya ito at mabilis ang mga hakbang na naunang maglakad.

Kung kanina ay takot pa sya sa dilim, ngayon ay mas takot na sya sa taong kasama nya.

"Matteo!" Sigaw nito sa hindi kalayuan.

Nang marinig nyang nasa likuran nya na ito ay mas binilisan nya ang lakad pero natigil rin nang mahawakan sya nito sa braso.

"Lumayo ka nga!" Singhal nya.

"Ano ka ba? Normal pa naman ako ah? Malinaw pa naman ang utak ko!" Malakas nitong sabi.

Narinig sa paligid ang matalim na tunog ng pagtampal nya sa kamay ni Shao nang subukan uli sya nitong hawakan. Malapit na sila sa highway kaya naaaninag nya na ito.

"Umuwi ka na." Mahinahon nyang sabi kahit rinig parin sa boses ang kaba.

Kung kanina pa ito gumamit, ibig sabihin ay umeepekto na iyon sa katawan nito. Isa na doon ang marahas nitong paghawak sakanya kanina.

"Gusto kong...matulog sainyo." Sabi nito sa malambing na boses saka sya hinawakan sa balikat, nang akmang papalisin nya iyon ay dumiin ang mga daliri nito na halos bumaon na sa katawan nya.
"Ano bang problema mo, Matteo? Pangalawa ko lang naman 'to ah? Hindi naman 'to nakakaadik."

Sinuntok nya ito sa dibdib at doon lang lumuwag ang kamay nito sa balikat nya.
"Hindi ka matutulog samin." Mariin nyang sabi.

Nahagip ng tingin nya ang pagkislap ng mga mata ni Shao at malakas na napamura nang hilahin sya nito sa damit, hinawakan sa batok at marahas na siilin ng halik sa mga labi.

Mabilis nya itong itinulak at natumba nang suntukin nya ito sa pisngi.
"Diba sabi ko sayong wag kang gagamit nyan!?" Umalingawngaw sa paligid ang boses nya. Pinunasan nya ang mga labi gamit ang likod ng kamay at hinigit ito sa kwelyo patayo.
Doon nya nakitang mapungay na ang mga mata nito.

"Kung hindi lang kita kaibigan, kahit tumalon kapa sa building, hindi kita pakikialaman!"

Ngisi lang ang isinagot nito sakanya.
Hinila nya ito papunta sa gilid ng kalsada at hindi pinansin ang ilang beses na muntikan itong matapilok.

Ilang sandali itong natahimik bago natatawang nagsalita,
"Kaibigan? Nung huling gamit natin nito, hindi naman tayo magkaibigan, Matt..."

Mabilis ang paghingang tumigil sya sa paglakad at nagtatagis ang mga pangang nilingon si Shao,
"Manahimik ka."

********

( To Be Continued )

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now