c h a p t e r 14

98 8 0
                                    

Why the candies are soft

***

"Ilan na ang nagawa ko?" Hingal na tanong ni Matteo kay Shao matapos ang hindi nya na mabilang na sit-up. Halos nakadapa na si Shao sa mga binti nya habang nakapatong ang dalawa nitong kamay sa magkabila nyang tuhod.

"25." Sagot nito habang nakatingin sa mga babaeng nagpa-practice ng cheer dance.

Nasa gymnasium sila ngayon para sa P.E.
Basic exercises lang naman ang pinapagawa sakanila. Si Xerxes ay kanina pa umiikot sa loob at nagja-jogging, si Cassidy naman ay nagpu-push up sa di kalayuan kasama ang iba pa nilang mga kaklase habang sila ni Shao ay salitan na nagsi-sit-up.

"Sigurado ka?" Tanong ni Matteo habang nakahiga.

"Mag tiwala ka lang."

Ginalaw ni Matteo ng tuhod nyang kinapapatungan ng mga kamay at ulo nito,
"Pano mo naman mabibilang, hindi ka naman nakatingin." Angal nya.

Tumingin ito sakanya,
"Kahit naman sa iba ako nakatingin, nasayo parin naman ang isip ko." Kaswal nitong sabi saka may dinukot sa bulsa at inipit sa bibig.

Napailing si Matteo at akmang babangon na nang makita nya kung ano iyon.

Hindi nya pinansin si Shao at pinagpatuloy ang pagsi-sit-up. Sa sunod na bangon nya ay nalanghap nya ang matamis na amoy ng candy na nasa bibig nito.

"Uhh.." Sabi ni Shao saka inilapit sakanya ang mukha. Ang ibig sabihin ay kunin nya ang candy. Kinunutan nya lang ito ng noo at nagpatuloy. Sa muli nyang pagbangon ay muntik nang magdikit ang mga labi nila dahil nakadukwang ito habang nasa bibig parin ang candy.

Malakas nya itong binatukan at tumingin sa paligid.
"Ano ba? Gusto mong masapak?"

Tumalim ang mga mata ni Shao at nang akma ulit ibaba ni Matteo ang katawan ay marahas sya nitong hinila sa likod ng ulo at pilit na inilapit ang bibig nya sa bibig nitong may candy.

"Shaolin!" Saway nya saka malakas itong itinutulak ng kanang kamay sa dibdib habang ang kaliwa ay mukha naman ni Shao ang itinutulak.

Nang mapansin na hindi ito titigil ay marahas nyang iniunat ang mga binti nya kaya napadapa ito sa sahig, itinihaya nya ang katawan nito, hinablot ang candy sa bibig at isinubo.
Napatiim bagang si Matteo dahil natunaw na ang asukal na nakapalibot doon at basa na rin iyon dahil sa laway ni Shao.

Pikit matang nginuya nalang iyon ni Matteo at nilunok. Kumpara sa mga candy na matitigas at minsan ay naduduwal pa sya kapag dumidikit iyon sa lalamunan nya, ang candy na binigay ni Shao ay malambot. Ito ang candy na binili nila sa Ministop.

"Masarap?" Nakangising tanong ni Shao.
Malakas nya itong sinipa sa pwet bago inilahad ang kamay at hinila patayo.

"Akala ko ba ibibigay mo yan sa nililigawan mo?" Kunot noo nyang tanong.

Kumuha ulit ito sa bulsa, nagbukas ng isa at pilit na isinubo sakanya. Bago punasan ang daliri nito na hindi sinasadyang pumasok sa bibig ni Matteo ay kaswal na sinimot muna ni Shao ang mga asukal na natira doon gamit ang bibig.
"Nililigawan?" Tanong nito na parang biglang nakalimutan ang sinabi sakanya.

"Sinong nililigawan?" Dagdag na tanong ni Shao.

Pinaningkitan nya ito ng mga mata at pinanuod itong maguluhan sa tinatanong nya.
Kumuha uli si Shao ng candy at muling isinubo sakanya.

Sa ikatlong subo ay pinigilan nya na ang kamay nito,
"Diba sabi mo may nililigawan ka at bibigyan mo ng candy?"

Itinagilid nito ang ulo at itinuloy ang pagsubo sakanya ng candy. Dahan dahan nya yung nginuya at habang naghahalo ang asim at tamis, unti-unti yung natunaw at lumiit sa loob ng bibig nya.

"Sinabi ko ba yun? Ang alam ko kasi binili ko 'to para kay Xian kasi gusto nya ng matamis, at malambot para hindi ka maduwal at madali mong makain." Inosente ang mukhang paliwanag ni Shao habang sinisipat ang isa pang piraso ng candy sa kamay. Kumikinang ang mga matang proud pa nitong pinakita ang heart-shaped na candy bago nito kinagat ang kalahati,

"Dugdug.." Nakangiting tudyo ni Shao saka sya inakbayan at itinapat ang kalahati ng candy sa bibig nya. "Oh eto, sayo na ang kalahati ng puso ko."

***

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ