c h a p t e r 43

76 9 0
                                    

Teenagers

****

"Ayoko pang umuwi.." Bulong ni Shao sa tenga ni Matteo habang nakahiga sila sa kama nito. Alas tres bumukas ang pinto ng mga classrooms at dahil hindi naman sila natulog kaya sila ang unang lumabas at umuwi. Tulog pa ang mga kaklase nila nang makaalis sila dahil sa kalasingan, mabuti na rin na nauna silang umalis kung sakali man na magkabukingan, pero kahit gising na ang mga guards ay hindi pa bukas ang gate dahil hindi pa alas-siete kaya wala silang pagpipilian kundi ang tumalon sa bakod gaya ng kinagawian.

Alas singko nang makarating sila sa bahay nina Matteo, hindi pa gising ang papa nito kaya sa main door sila dumaan. Pagkapasok sa kwarto ay agad silang nahiga dahil na rin sa puyat at hindi rin sapat ang isang gabing magkasama, pero kumpara kagabi,  yakap lang ay sapat na para makaidlip sila nang isang oras.

"Alas siete na.." Sabi ni Matteo habang nilalaro ng daliri ang buhok sa noo nya. Nakaunan sya sa braso nito at nilalaro ng kaliwa nyang paa ang mga daliri nito sa paa.

"Hayaan mo muna akong mag ipon ng lakas ng loob na harapin si dad." At isipin kung ano na naman ang sinabi dito ni Kid.

Marahan itong natawa habang nakatingin sa kisame, "Akala ko ba ayaw mong isipin? Bat ngayon naduduwag ka?"

"Hindi ako naduduwag, Matt.." Angal nya.

Umangat ang dalawa nitong kilay bago pumikit,
"Ano pala?"

Nag angat sya ng tingin at ipiniling paharap sakanya ang mukha ni Matteo.
Inaantok ang mga mata nito at naniningkit pa dahil sa kakulangan ng tulog, mapungay ang bawat pagkurap at maya't maya ang paglunok na parang nauuhaw.

Hindi nya naiwasang mapangiti. Alam nyang pinipigilan lang nito na hindi makatulog dahil hindi pa sya umaalis.
"Gusto mo bang uminom?"

Umisang guhit ang mga labi nito at umiling.
Hindi ito nagpakita ng anumang pagtutol nang haplusin nya ito sa pisngi.

Matagal na silang nagkakatabi sa isang kama, halos gabi gabi, nayayakap nya na rin ito, nahahalikan, pero ngayon lang iyon nagkaroon ng ibang kahulugan, nawala ang mga limitasyon at hindi na kailangan pang magtago, hindi na kailangang pigilan, may permiso man iyon o wala, dahil nang mangyari iyon kagabi, doon nya na rin inari ang lahat ng karapatan nya dito, gustuhin man nito iyon o hindi.

Binasa nya ang mga labi bago nya iyon inilapat sa mga labi nito. Matagal, hanggang sa ang tuyo nitong labi ay nabasa na rin.

Humiwalay sya dito at bahagyang nakaawang ang bibig na tinitigan ang mga labi nito, ang pagkibot nun at ang bahagyang pamumula dahil sa halik nya.

Hindi nya napigilan ang sariling haplusin iyon ng daliri at mahinang pisilin, muling halikan, at titigan pa nang mas matagal.

"Bakit...ang gwapo mo?" Bulong nya, nawawala na naman sa sarili.

Ang mga labi nito ay unti-unting ngumiti at lumapit. Napapikit sya nang dumampi iyon sa tungki ng ilong nya bago sya hinila palapit.

"Kailangan mo nang umuwi.."

Napabuga sya ng hangin at makalipas ang dalawang minuto, kahit mabigat sa loob ay umalis sya sa pagkakayakap dito at nagsuot ng T-shirt.

Pagkabihis ay padapa syang tumalon ulit sa kama at masuyo itong hinalikan sa pisngi,
"See you..." Aniya.

Ngumiti ito at sumabay sakanyang bumangon. Nang nasa tapat na ng bintana ay muli nyang hinapit si Matteo at mariing siniil ng halik, ilang minuto pa iyon tumagal bago sya hirap na bumitaw.

"Shaolin.." Tawag nito nang nakasampa na sya sa bintana. "Wag mo nang...galitin ang daddy mo para 'di ka nya saktan.." Nag aalala nitong sabi.

Marahan syang ngumiti at tumango bago tumalon at lumabas ng gate.

Maingat na isinarado iyon ni Shao at hindi napansin ang bahagyang nakabukas na main door. Sa likod nun ay nakatayo si Mr. DeMarco na may hawak na tasa ng kape at matamang nakatingin sa lalaking tumalon mula sa kwarto ng anak. Alam nito kung sino iyon pero mas pinili nitong lumabas ng pintuan nang masigurong wala na ang binata.

Nang nasa labas na ay tumingala ito sa kwarto ni Matteo, nakasarado na iyon.

Humigop ito sa tasa ng kape at napapailing na napatingin sa lock ng gate,
"Teenagers.."

***

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now