c h a p t e r 10

94 8 0
                                    

Unconsciously misleading ~

******

"Matteo, ano ba ang tingin mo sa isang babae na kagaya ko?"

Sabay na napatingin si Matteo at Shao kay Ishi sa tanong nito. Nasa Home Economics room silang tatlo dahil gagawa sila ng report. Maliban kay Shao na pahalang na nakaupo sa pang isahang sofa, ang likod nya ay nakasandal sa kaliwang armrest habang ang isang paa ay nakasampay sa kaliwa at nasa sahig ang isa pa.

Parehong naghihintay ng sagot, matamang tiningnan ni Ishi at Shao si Matteo.
Nakapangalumbaba, pinagmasdan ni Matteo si Ishi mula sa mga mata hanggang sa kwelyo ng blouse nito.

"Maganda." Aniya sa kawalan ng sasabihin.

Nagpigil ng ngiti si Ishi at ang mga mata nito ay kulang nalang maglabas ng mga kumikinang -

"Ina." Usal ni Shao.

Pareho silang napatingin dito ni Ishi pero itinaas lang nito ang magazine na hawak na Mother's Day edition at may nakasulat na "INA" sa cover.

"Ano pa?" Tanong ni Ishi.

Muling bumaling dito si Matteo. Matagal syang hindi nakaisip ng isasagot.

"Maka-Diyos. Makatao. Makakalikasan. Makabansa." Sabi ni Shao.

Inilapag ni Ishi ang notebook na hawak at tinaasan ng kilay si Shao,
"Excuse me lang, Shao. Kung wala kang gagawin, dun ka na nga sa labas!"

"Bakit? Nagbabasa lang naman ako dito, Ishi. Mag relax ka at maghintay ka dyan ng isasagot ni Matteo." Sabi nito na hindi tumitingin sakanila. Kaswal ang ekspresyon sa mukha nito habang abala ang mga mata sa binabasa.

Napailing si Matteo.
Kanina pa kasi ito nag aaya na kumain sila ng lunch sa labas ng school pero tinanggihan nya dahil mas naunang mag aya si Ishi na gumawa ng report.

"Mabuti pa, bibili muna ako ng pagkain natin sa canteen." Sabi ni Matteo saka boluntaryong tumayo.

Shao, "Sasama ako."

Umiling sya, "Wag na. Katabi lang natin ang canteen. Baka kung ano pa ang magawa ko sayo kasi kanina kapa."

Umangat ang kanang gilid ng itaas nitong labi at hindi na nagpumilit pa pero bago sya lumabas ay narinig nya pa ang usapan nito at ni Ishi,
"Alam mo Shao, gwapo ka. Kaya lang sorry ha? Mas type ko kasi si Matteo baka lang nagseselos ka kaya kanina kapa papansin dyan."

"Tanginang mukha yan. Mas makapal pa sakin." Sagot ni Shao matapos matigilan sa sinabi ni Ishi.

Natatawang napailing si Matteo bago isinarado ang pinto at tumawid sa kabilang building kung saan naroon ang canteen.

Pagbalik nya sa H.E ay ganon parin ang posisyon ni Shao at ni Ishi sa kabila pero halatang hindi maganda ang hangin sa paligid dahil sa ekspresyon ng mukha ng huli.

"Anong binili mo, Matt?" Lingon sakanya ni Shao.

Inilapag nya ang tatlong malamig na bottled soft drinks sa mesa at tatlong malalaking chichirya.

Agad na inabot ni Shao ang isang bote at binuksan. Akala ni Matteo ay iinumin nito iyon pero ibinigay lang nito iyon kay Ishi, pati ang lahat ng chichirya ay binuksan na rin ni Shao, ang isa ay inabot kay Ishi at binigyan pa ito ng tissue, hindi pa ito nakuntento at kumuha pa ito ng isang baso ng tubig sa kusina.

"Okay na?" Tanong ni Shao kay Ishi.

"Thank you?" Nagtatakang sabi ng huli.

Hindi umimik si Shao at bumalik lang sa dati nitong pwesto habang may hawak na soft drink.

Nagsalubong ang mga kilay ni Matteo habang pinagmamasdan si Shao at isang tanong lang ang nasa isip nya.

Gusto ba ni Shao si Ishi?

*****

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now