c h a p t e r 19

81 7 0
                                    

Warmer than the sunrise ( Part 2 ) ~

********

Makalipas ang ilang minuto, dala ang isang malamig na baso ng tubig, ay muling umakyat si Matteo sa kwarto nya at naabutan si Shao na nakabihis na.

Suot nito ang kulay dilaw at stripe nyang pajama na madalas nitong isuot at maluwag na puting T-shirt.

"Tubig." Sabi nya saka iyon inilapag sa side table.

Nilingon sya nito habang nagpupunas ng buhok pero hindi nakatingin sakanya nang diretso.
"Salamat."

"Nahihiya ka?" Mahina nyang tawa saka pabagsak na nahiga sa kama.

Hindi ito agad sumagot at nakatingin lang sa mattress bago dahan dahang humiga at tumitig sa kisame.
Nagdikit ang mga ulo nila pero kumpara kanina, hindi na sya takot na mahawakan sya nito.
"Ayoko naman talagang tikman ulit, kaso ang daming ginawa ni Xerxes, muntik na kaming mahuli ng guards kaya hinati namin."

"Hindi ko rin alam kung bakit sayo ako pumunta."

"Nang makita ko si Clarence, pumayag naman sya na pumunta kami sa boarding house nya pero ako lang ang may ayaw."

Tahimik na pinakinggan nya si Shao. Hindi na lasing ang boses nito.
"Siguro...ayaw mo lang syang ipahamak." Aniya.

Tumagilid ito ng higa at tiningala sya.
"Tingin mo, ganon sya kaimportante sakin?"

"Ikaw lang ang makakasagot nyan."

Narinig nya ang pagbuntong hininga nito.
"Bat ka sumama kay Ishi kanina?"

"Kung nandun ka, baka itulak mo pa ako paalis." Natawa sya. "Kaya inunahan na kita, kesa naman sumama kapa at sirain ang diskarte ko." Biro nya.

"May nangyari ba sainyong...maganda?"

"Wala."

Ito naman ang natawa,
"Imposible."

Iniunan ni Matteo ang kaliwa nyang braso bago ito nilingon.
Tanging ang tuktok lang ng ulo at ilong nito ang nakikita nya.
"Wala ka naman sigurong narinig na ungol sa bahay nila kanina."

Pagkarinig nun ay marahas itong bumangon at bumaling sakanya,
"Iniisip mo bang paungulin sya?" Tanong nito, salubong ang mga kilay.

Ngumisi si Matteo,
"Pero hindi kasing lakas ng ungol mo kanina." Tudyo nya.

Napalis ang pagkakakunot ng noo nito at napalitan ng pag-nguso bago nito padapang ibinagsak ang ulo sa dibdib nya.

Umalog ang ulo ni Shao nang tumawa sya dahil ramdam nya ang hiya nito kaya hinayaan nya nalang ito sa ganong posisyon.

Sya, na nakahiga habang ito ay pahalang na nakaunan sa dibdib nya.

Nabalot ng katahimikan at ng komportableng init ang kwarto.
Ipinikit ni Matteo ang mga mata at ipinatong ang isang kamay sa ulo ni Shao.

"Matteo...ang lakas ng tibok ng puso mo.." Bulong nito saka iniharap ang mukha sakanya.

*******

( To Be Continued )

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ