c h a p t e r 3

122 12 0
                                    

Talk ~

************

"Matt?" Tawag nya matapos maupo sa gilid ng pool. Nakatukod ang dalawa nyang kamay sa magkabilang gilid at nakatingin sa kawalan.

Unti-unti nang natutuyo ang tubig sa katawan namin.
"Bakit?" Tanong ko. Nasa likod ng ulo ang mga kamay ko habang nakatitig lang sa madilim na ulap na sandali nalang ay magiging ulan na.

"Gusto mo bang pag usapan?"

Matagal akong hindi umimik.
"Ayoko."

Tumango-tango sya.
"Okay."

Napaupo ako at napabahing nang ilang beses.
Nang lingunin ko sya ay seryoso ang mukha nya at parang ang lalim ng iniisip.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko.

Bahagyang kumunot ang noo nya at lumamlam ang mga mata.
"Alam ko kung bakit ayaw mong pag usapan ang tungkol sa mga magulang natin.."

"Bakit?"

"Kasi ayaw mong sumama ang tingin ko kay mama."

Malalim akong bumuntong hininga at tinapik sya sa likod.

May mga bagay na hindi namin pwedeng pag usapan. Hindi dahil hindi yun importante pero dahil mas pinili namin yung kalimutan para sa ikatatahimik namin pareho.

"Mali ka.."

Tumingin sya sakin.

"Ayokong pag usapan kasi..." Sandali akong tumigil at hinawakan sya sa likod ng ulo. ", kasi ayoko na magkaroon ka ng rason para magalit sakin."

Alam namin pareho kung ano ang nangyari. Kung bakit wala ang mama nya at ganon rin kung bakit umalis si mama ng Pilipinas. Ang pag usapan ang tungkol dun ay wala nang saysay dahil paano namin pag uusapan ang isang bagay na detalyadong nangyari sa mismong harapan namin? Nakita namin pareho, narinig namin pareho.
Bubuhayin lang nun ang galit nya na pwedeng makasira saaming dalawa.

Dahil nang hatulan ni mama si Mrs. Del Ocampo na "guilty", yun din dapat ang rason kung bakit hindi dapat kami nagkakilala at naging magkaibigan.

"Matteo, hindi naman makitid ang utak ko para magalit sayo. Alam mo yan.." Aniya. Hinawakan nya ang kamay ko sa ulo nya at malungkot na ngumiti.

"Kailangan ko ba yun ipagpasalamat?" Tudyo ko.

Marahan syang natawa, sa mga mata nya ay ang unti-unting paglitaw ng mga emosyon na nakita ko tatlong taon na ang nakakaraan.

Tinapik nya ang kamay ko at mabigat ang katawan na tumayo.
"Umuwi na tayo."

*********

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon