c h a pt e r 41

82 7 0
                                    

"Ano, wala ba talaga?" Tanong ni Shao kay Xerxes habang nasa bench sila sa likod ng classroom. Kinagat nya ang toothpick sa gilid ng bibig at kinuha sa bulsa ang isang stick ng Malboro lights. Isang oras nalang at isasara na ang mga pintuan at magro-roll call na rin.

"Wala nga sabi, tol. Anong gusto mo? Mag jak*l tayo hanggang umaga?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito. Tinanong nya kasi kung may ginawa ba itong NSD.

Natatawang napahilamos sya saka ito itinulak sa balikat, "Gago ka." Umiling ito nang i-alok nya ang sigarilyo. "Nag aalala kasi sakin si Matteo. Hindi sya makakatulog mamaya kaya-"

"Kaya pahihithitin mo pa ng NSD?"

Natatawang naubo sya sa usok.
"Alam mo kasi kapag nag iisip sya, ang likot nyang matulog. Kaya imbes na matulog, hindi ko nalang sya papatulugin."

"Ang galing." Sarkastiko nitong sabi saka pumalakpak.

"Pero dahil wala ka namang silbi, wala akong choice kundi ang aliwin sya magdamag."

Makahulugan itong tumawa,
"Sa anong paraan?"

Hindi na sya nakasagot nang may tumapik sa likuran nya.
"Wala nang iba?" Turo ni Matteo sa sigarilyo.

Umusog si Xerxes sa gilid kaya sa gitna ito naupo.

"Hati nalang." Aniya.

Kinuha nito iyon sa daliri nya.

Xerxes, "Pasok na ako, pre. Malamig na. Kayo na muna dyan."

Sabay silang tumango ni Matteo.
"Tuloy ba?" Tanong nito saka inabot sakanya ang sigarilyo pero nang kukunin nya na iyon ay bigla namang may kumuha.

"Bawal 'to ah?" Nakangising sabi ni Irish.

Umangat ang gilid ng labi nya at inalis dito ang tingin,
"Bawal kung isusumbong mo." Aniya.

Matteo, "Uupo ka ba? Dito ka." Sabi nito saka umusog at tinapik ang espasyo sa gitna. Umupo naman agad doon si Irish at hinithit ang sigarilyo hanggang sa maubos.

"Kumusta ang retreat nyo? Umiyak ka ba?" Tapik nito sa balikat nya.

"Bat naman ako iiyak? Ano ako, chix?" Sagot nya.

"Eh bakit? Pwede namang umiyak kahit lalake, ah?"

"Hindi pa rin ako iiyak."

"Kasi hindi ka lalake?"

Tumaas ang itaas na gilid ng labi nya saka ito nilingon pero makalipas lang ang ilang segundo ay wala sa sariling sabay pa silang natawa maging si Matteo.

Ilang sandali silang natahimik, dinadama lang ang lamig ng paligid.

Muli syang kumuha ng isang stick sa bulsa at sinindihan, humithit at walang imik na ipinasa kay Irish. Siguro ay dahil holy retreat kaya hindi ganon kabigat ang loob nya dito. Matapos nitong humithit ay ipinasa nito iyon kay Matteo.

"Ms. Madrigal?"

Sabay sabay silang napalingon.

Si Mr. Fiore, ang Guidance Councilor.

Pasimpleng idiniin ni Matteo ang baga ng sigarilyo sa gilid ng bench at binitawan.

"Can I talk to you for a while?" Tanong nito. Na kay Irish ang tingin.

Tiningnan nya ang huli at nakitang bigla itong naging tensyonado. Pasimple rin itong humawak sa damit nya.

Nagkatinginan sila ni Matteo. Nang tingnan nya, nakahawak rin dito si Irish.

"Shall we?" Untag ni Mr. Fiore.

Sabay silang napatayo ni Matteo habang may pilit na ngiti.
"Ah, pasensya na po, sir. Sinundo lang po talaga namin si Irish para ihatid sa room ng mga girls." Aniya.

"It's okay. Ako nalang ang maghahatid sakanya." Sabi ng teacher.

Humigpit ang hawak ni Irish sa damit nya.

Matteo, "Hindi na po kailangan, sir. Mag ro-roll call na po, baka kami po ang mapagalitan kapag hindi namin sya hinatid."

Hindi na nakasagot si Mr. Fiore nang igiya na si Irish ni Matteo at nauna na sakanyang maglakad.

Sinundan nya ang mga ito ng tingin, ganon rin ang ginawa ng teacher.
Nang sila nalang dalawa ay lantaran nyang dinampot ang halos hindi pa nababawasang sigarilyo at sinindihan.

Nanunuri lang sya nitong tinitigan.

Naglakad sya papunta dito at bumuga ng usok sa mismong harapan nito.
"Sumablay ka yata?" Nakangisi nyang sabi.

Inayos nito ang eyeglasses at nanliit ang mga mata.

"Kung ako sayo, hindi ko sya sasaktan. Baka sakaling, umamo sya ulit gaya ng dati." Aniya saka ito mabigat na tinapik ng dalawang beses sa balikat. "Galingan mo naman."

Nilagpasan nya ito at malamig na tinapunan ng tingin bago patakbong humabol kina Matteo.

***

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon