c h a p t e r 23

115 7 0
                                    

Human barrier

***

"Ayoko nga sabi."

"Bakit ba..."

"Tumigil ka na o sasapakin na kita?"

Napadaing si Shao nang mariing sabunutan ni Matteo ang buhok nya. Hindi pa rin ito tapos na kulitin si Matteo na samahan syang tumambay.
"Ganyan nga, Matteo. Manlaban ka! Gusto ko talaga yung mga lalaking nanlalaban!" Nakangisi nitong sabi saka sya tinalon at inipit ang leeg ni Matteo sa mga braso.

"Saan tayo ngayon?" Tanong ni Xerxes. Palabas na sila sa gymnasium at pauwi na.

Cassidy, "Di ko alam, tanungin mo sila."

"Diba sabi mo namiss mo sya?" Tanong ni Matteo kay Shao.

Natawa ito at tiningnan sya sa gilid ng mga mata,
"Alam mo, ayaw talaga namin sa isa't isa. Napilitan lang kaming mag usap ni Irish nung hearing ni mama, pero sukang suka talaga ako sa ugali nya. Dapat nga sya yung nakulong eh, bwiset na babaeng yun."

"Bakit ako hindi mo kinakausap noon?" Salubong ang kilay na tanong ni Matteo.

Xerxes, "Maglalakad ba tayo o sasakay?"
Cassidy, "Ano, Shao? Tricycle?"

"Kasi kapag tinitingnan mo ako noon, parang ang dumi-dumi ko." Sagot ni Shao. "Tapos hindi ka pa ngumingiti. Kapag tinitingnan kita noon, kay Irish ka naman nakatingin. Aminin mo nga sakin, type mo ba ang ganong uri ng babae? Yung bigla kang sasaksakin sa leeg pag tinopak?"

Wala sa loob na pinaikot ni Matteo sa bewang nito ang isang braso nya at ipiniling dito ang mukha, sinadyang hindi sagutin ang tanong ni Shao.
"Madumi ka naman talaga."

Naningkit ang mga mata ni Shao at mariin syang kinagat sa balikat,
"Very bad.."

Pareho silang natawa nang mahina at natatawang nagtulakan.

"Tngina, ano may kausap ba ako o wala?!" Biglang tigil ni Xerxes sa paglalakad at bumaling sa dalawang tao sa likuran nito, habang si Cassidy ay natatawang itinigil rin ang paglalaro ng games sa cellphone.

Napatingin sila dito ni Shao at sabay pang kumunot ang noo.

Shao, "Ano na naman?"

"Ang sabi ko, sasakay ba tayo o maglalakad?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Xerxes.

Tumingin kay Matteo si Shao,
"Sasakay ba tayo o maglalakad?"

Napakamot si Matteo sa gilid ng ilong at sandaling nag isip.
"Sakay nalang? Parang uulan." Aniya nang mapansin ang pagdilim ng paligid.

Cassidy, "Parang iba naman ang gustong sakyan ni Shao." Mahina nitong sabi bago tumalikod.

Natawa ang huli at bumitaw kay Matteo para sipain si Cassidy.
"Gago ka ba ha."

Napapailing na pinanuod ni Matteo si Shao at Cassidy bago umakbay kay Xerxes.
"May pasok ka ba ngayon sa bar?"

"Meron. Punta tayo dun kapag bumalik na yung kasama ko."

Tumango si Matteo at tumigil sa tapat ng tricycle na nakaparada.
"Calle Uno, boss." Aniya sa driver

"Sige, sakay na."

Tinanguan nya si Shao at pumwesto sila sa likod ng driver. Uupo palang si Shao nang biglang may babaeng sumingit kaya imbes na si Shao ay ang babae ang naging katabi nya.

"Dun ka sa loob, miss." Sabi nya sa babae. Nang mag angat ito ng mukha mula sa pag aayos ng bag ay kumunot ang noo nya.

"Oh, kayo pala." Kaswal nitong sabi.

"Madrigal. Ano naman ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Shao.

Tumaas ang mga kilay ni Irish.
"Sumasakay? Pauwi?"

Shao, "May pwesto pa naman sa loob. Doon ka."

"Mas gusto ko dito. Kung gusto mo, ikaw nalang ang pumasok. Will you stop talking? I'm in a hurry!" May kalakasan nitong sabi.

Tiningnan ni Matteo si Shao at tinanguan, sinenyasan itong pumasok na sa loob.

"Edi bumaba ka, humanap ka ng sports car kung nagmamadali ka pala." Sarkastikong sabi ni Shao.

Hindi sumagot si Irish at sinamaan lang ito ng tingin.

"Dito ka nalang?" Kalmadong tanong ni Matteo kay Shao na agad umiling.

"Sige na, ako nalang sa loob." Sagot nito habang salubong ang mga kilay.

Bago umalis ang tricycle ay lumingon sakanya si Irish,
"Sorry kanina sa gymnasium."

Tiningnan nya lang ito at tipid na tumango.
"Wala yun."

Umangat ang magkabilang gilid ng nga labi ni Irish at sa unang pagkakataon ay nakita nya itong ngumiti.

***

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now