c h ap t e r 40

94 8 0
                                    

Holy retreat | part 4 ~

**********

Matapos ang pang huling activity ay binigyan sila ng 10 minutes para manahimik. Hindi manahimik na walang gagawin, kundi para magdasal at makapag isip. Pero dahil hindi naman sya marunong mag dasal at wala rin syang balak mag isip, nanatili nalang syang tahimik at nagpalipas ng oras.

"Shaolin.."

Napatingin sya kay Matteo nang sa wakas ay kalabitin sya nito. Naka-indian sit pa rin ito habang nasa gitna ng mga hita ang nakasalikop na mga kamay.

"Bakit?"

"Anong sinulat mo sa papel?"

Tinaasan nya ito ng isang kilay. Ang sinasabi nito ay ang mga papel na binigay kanina, magsusulat ka ng bagay na gusto mong mangyari sa sarili mo o sa isang tao o kahit anong gusto mong mangyari bago matapos ang taon pagtapos ay ilalagay sa isang jar.
"Bat ko naman sasabihin?"

Tumaas baba ang tingin nito sakanya at napuno ng pagsususpetsa ang mga mata,
"Hindi ka naman nagsulat ng bastos dun, diba?"

Pangisi syang natawa saka kaswal na inihagis dito ang maliit at  kulay asul na papel, nakatupi iyon hanggang sa pinakamaliit na tupi.

"'Bat hindi mo hinulog?" Tanong nito saka iyon dinampot at sinimulang buklatin.

Kung ihuhulog ko, paano mo malalaman?

Pinanuod nya ito, itinukod sa gilid ang kaliwang kamay at bahagyang ipinihit ang katawan paharap dito, naghihintay ng reaksyon. Doon nya napansin ang itsura nito. Above the knee na khaki shorts, itim na vintage Tshirt na may malaking letrang nakasulat sa harapan na "COCKROACH", nakababa ang buhok at natatabunan ang noo, sa kaliwang tenga ay may suot itong itim na clip piercing at paminsan minsang kinakagat ang pang ibabang labi na lalo lang namumula kapag binitawan.

Bumaba ang mga mata nya sa nakalantad nitong lapi pababa sa binti at sa paa. Maputi..at makinis.

Tumagilid ang ulo nya at parang biglang nalasing sa kaakit akit nitong itsura, kumabog ang dibdib at nanikip ang lalamunan.

Pasimple nyang iniunat ang kamay, inabot ang bulsa ng shorts nito at nilaro ng daliri. Nang sa wakas ay mabuksan ang papel, binasa nito iyon at nagpigil ng ngisi bago lumingon sakanya.

Malakas sya nitong tinampal sa likod ng ulo,
"Bakit?" Tanong nya nang hindi ito magsalita.

"Bastos ka."

Napahalakhak sya pero agad rin namang natahimik nang mag angat ng tingin ang mga kaklase nila.

Dumukwang sya palapit sa likod ni Matteo at bahagyang idinikit doon ang pisngi,
"Matmat, pagbigyan mo na si Shaoshao.." Nanunukso nyang sabi.

Napangiwi sya at namaluktot sa sakit nang suntukin sya nito sa lapi,
"Asa ka." Matigas nitong sabi habang namumula ang pisngi.

*****

Dumating ang hapunan, at napuno ang hallway ng mga estudyante, ng amoy ng lutong ulam, kanya kanyang dala ng plato at kanya kanya rin ng pila sa bawat pintuan. May mga teachers na nagrarasyon at nagtatakal ng pagkain kahit malamlam ang mga ilaw at tanging mga flashlight lang sa cellphone ang gamit. Sa pintuan nila ay may malaking kaldero ng tinolang manok, chicken curry, kanin at malaking water jug na puno ng softdrinks at yelo. Sa baluster ay nakahilera ang napakaraming hinog na saging na galing sa Homeroom teacher at isang basket ng kumquats.

"Matt." Inabot nya kay Matteo ang sabon habang nasa lababo sila, hindi kalayuan sa Jaica Building. Matapos magtabi ng pagkain ay pumunta sila doon para maghugas ng kamay. Marami rin silang kasabay na hindi nila kaklase pero dahil walang ilaw kaya kaunti lang ang gumagamit. Sina Xerxes ay nasa kabilang bahagi ng building kung saan may ilaw pero siksikan at maputik.

"Anong gagawin mo pag pinagalitan ka bukas?" Tanong ni Matteo.

"Saka na natin yan isipin."

"Ano nga? Gusto kong malaman kung anong gagawin mo. Siguradong papagalitan ka nya bukas, tingin mo titigil ang araw para makapag isip ka lang?"

Napabuntong hininga sya.
"Hindi ko alam. Mag so-sorry?" Aniya saka inabot ang kamay nito na hindi naman nito iniwas.

Ang totoo nyan, ay wala naman talaga syang maisip gawin. Gusto nya lang itong kumalma at wag nang magtanong pa.

"Mag so-sorry ako kung hihingin nya yun, kaso madalas hindi naman eh, kaya nga hindi ko nalang yun iniisip, Matt.."

Marahan nyang pinisil ang kamay nito, kinuskos ang likod, ang bawat pagitan ng mga daliri at ang palad. "Magpapaliwanag ako sakanya.." Pinagsalikop nya ang mga kamay nila at sabay na itinapat sa tubig. "Yun ay kung hahayaan nya akong magsalita..."

Matapos maalis ang sabon ay kinuha nya ang panyo sa bulsa at maingat na pinunasan ang kamay ni Matteo na nanatiling tahimik habang ginagawa nya iyon. Nang matuyo ang kamay nito ay hindi nya iyon kaagad binitawan para damhin ang kalambutan.

"Nag aalala ka.." Aniya habang magaang sinusundan ng hintuturo ang ugat sa likod ng palad nito.

Hinawakan nito ang pulso nya,
"Kailan ako hindi nag alala sayo?" Marahan syang napangiti. "Kahit matigas ang ulo mo, hindi ka...hindi ka nya dapat saktan.."

At eto na naman, ang tibok ng puso nya..

Tinawid nya ang pagitan nila at nagsalubong ang mainit na hininga. Inangat nya ang isang kamay na hindi pa gaanong tuyo at hinaplos sa gilid ng ulo nito, pababa sa gilid ng leeg at tumigil sa batok.
"Okay lang..." Pabulong nyang sabi. "Okay lang..."

Pag dating sayo, okay lang ang lahat..

Malalim itong bumuntong hininga, sandaling natahimik bago hawakan at ibaba ang kamay nya,
"Bumalik na tayo."

Dumaan ang malamig na hangin sa harap nya, ibig sabihin ay pumihit na ito at naglakad paalis.
Nanatili syang nakatayo dahil dama nyang hindi ito kumbinsido. Sya naman ang bumuga ng hangin at napakamot sa kilay bago patakbong sumunod dito.

"Matteo, sabi ko 'wag mo na yun isipin." Mabilis nyang sabi.

"Sino naman may sabing iniisip ko yun?

Nakarating sila sa hagdan paakyat sa hallway. Inabot nya ang dulo ng damit nito at hinila ito palapit para pigilang umakyat.
"Ano?" Kunot noo nitong tanong.

Mariin nya itong tinitigan.
"Iniisip mo pa rin!"

Ang pinaka ayaw nya sa lahat ay kapag may iniisip ito sa gabi,

"Sabi ngang hindi." Hinila nito ang damit kaya nabitawan nya ito

At kadalasan kapag nangyayari iyon ay nagkakataong magkasama silang matulog. Gaya nalang noong sinabi nito na hiwalay na si Mr. at Mrs. DeMarco, ang tagal nito bago nakatulog at noong oras na nahimbing ito, doon na ito nagsimulang mag-sleep talk, hindi lang isang beses, pero kada-limang minuto. Minsan ay umiiyak, minsan naman ay parang galit o kaya naman ay hindi nya maintindihan at kapag sinusubukan nya itong gisingin ay nanununtok pa o kaya ay nananadyak. Hindi nya iyon sinasabi dito dahil kinaumagahan ay limot na nito ang mga nangyari, pero kalbaryo yun para sakanya, hindi dahil sa ingay, pero dahil mas malakas itong manuntok kapag tulog.

At isa pa...

"Matteo, ano ba.." May tono na ng pamimilit na hila nya dito.

...at isa pa, ayaw nitong hinahawakan, kahit ang madampian  ang katawan ng kahit anong bagay, kasama na sya.

"Anong 'ano ba'? Di ka pa titigil?" May babala na sa boses na tanong nito kaya binitawan nya ang damit at bahagyang itinaas ang dalawang kamay.

"Oo na, sige na. Titigil na." Pagsuko nya. Kinunutan sya nito ng noo bago tumalikod at nauna nang umakyat sa hagdan.

Wala na syang nagawa kundi ang sundan nalang ito ng tingin at isipin, kung paano nya ito pananatilihing gising.

********

( To Be Continued )

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now