c h a p t e r 13

97 8 0
                                    

Candy's secret

***

Bago umuwi, dinaanan muna ni Shao ang isang bahay sa Calle Dos ng Xevera Subdivision. Ang maruming bakuran ay hindi na kita dahil gabi na at walang ilaw sa labas, sa loob naman ay malamlam ang ilaw at gaya ng dati ay wala kahit anong ingay. Ang bawat block sa subdivision ay may kanya-kanyang kulay, at itong bahay ay nasa kulay orange kumpara kina Matteo na nasa kulay blue kaya kahit nasa loob pa si Shao ng subdivision ay hindi sya makikita ni Matteo dahil may kalayuan na iyon.

Sandaling naghintay si Shao sa katabing bakanteng lote hawak ang isang pack ng candy at hindi nga nag-tagal ay may maliit na pigurang lumabas sa pintuan.
Palingon lingon at parang may hinahanap.

Napangiti si Shao at malakas na tumikhim kaya napalingon sakanya ang batang lalaki.

"Kuya Shao!" Pasigaw nitong bulong.
Agad nya itong sinenyasan na wag maingay, bungisngis na ginaya naman nito ang paglagay nya ng hintuturo sa mga labi at tinawid ang distansya nila. "Kuya, wala pa si mama kaya pwede ka magsalita!" Sabik nitong sabi matapos yakapin ang braso nya.

Napuno ng init ang dibdib ni Shao sa ngiti nito lalo na at wala ang dalawang ngipin nito sa harapan. 6 years old lang si Xian.
"Aalis din ako kaagad kasi alam ko na nasa loob ang papa mo."

Napalis ang ngiti nito,
"Di naman galit si papa kapag may candy.." Sabi nito habang nakatingin sa hawak nya.

Masuyong ginulo ni Shao ang buhok nito,
"Kahit pa. Kapag nagalit ang papa mo pag nakita ako, hindi na ako makakapunta dito, hindi na kita mabibigyan ng mga candy.."

Hindi ito sumagot at yumuko lang habang nakanguso. Mahinang natawa si Shao at inabot  kay Xian ang nakabukas na balot ng candy.
"Dahil marami akong candy ngayon, pwede kang kumuha nang marami basta dapat pagkatapos kumain ng candy, anong gagawin?"

"Toothbrush." Nakasimangot nang sabi nito.

"Oh, bakit parang hindi ka naman masaya na nandito ako?" Kunwa ay tanong ni Shao.

Lalo lang itong sumimangot at nagtatampong tumalikod pa sakanya.

Napangiti si Shao at pumunta sa harapan nito.
"Ayaw mo na ba sa mga candy na binibigay ni Kuya Shao?"

"Gusto."

"Eh bakit parang galit ka kay kuya?" Masuyo nyang tanong saka hinaplos ang pisngi nito.

"Kasi sabi ni Mama, bad ka daw. Kapag nagalit din ba si mama, hindi kana pupunta dito?"

Napalunok si Shao sa narinig.
Hindi na sya nagulat na pati sakanya ay masama ang tingin ng mama ni Xian. Mula nang ma-scam ito dahil sa mommy nya at bumagsak ang negosyo, kung makita man sya nito at sakanya ibuhos ang lahat ng galit, hindi sya magrereklamo.

Hindi sumagot si Shao at inabutan lang ng mga candy si Xian.
"Pumasok ka na. Babalik nalang ulit si kuya.."

Matagal sya nitong tinitigan habang kuyom sa maliliit na mga kamay ang mga candies.
Inihatid nya ito sa pintuan at akma nang aalis pero bigla yun bumukas at iniluwa ang isang matangkad na lalaki.

Si Mr. Garcia, ang papa ni Xian.
Naaalala pa ni Shao kung paano nito binangga ng sasakyan ang gate nila noon at muntik nang  masagasaan si Naica.

Sandaling napako si Shao sa kinatatayuan at pinagpawisan nang malamig dahil wala kahit anong ekspresyon ang mukha nito. Minsan na sya nitong nakita pero wala itong sinabi na kahit ano.

Nakahinga lang sya nang maluwag nang tapunan lang sya nito ng tingin saka tahimik na kinarga si Xian at isinarado ang pinto.

***

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant