p r o l o g u e p.2

242 17 0
                                    

The friendship that we have ~

***

Habang nasa loob ng tent ay magkasukob sa iisang kumot na nakahiga si Shao at Matteo. Pareho silang gising pero walang imikan, parehong nakatitig sa bubong ng tent at pinapakinggan lang ang paligid. May mga mahihinang tawanan mula sa kalayuan mula sa grupo ng mga magkakaibigan na habang lumalalim ang gabi ay nawawala na.

"Matteo.." Pabulong na sabi ni Shao saka mahinang siniko ang kaibigang kanina pa walang imik sa tabi nya. Alam nyang problemado rin ito pero alam rin ni Shao na wala silang magagawa para pagaanin ang loob ng isa't isa.

"Tulog ka na ba?" Tanong nya nang wala syang makuhang reaksyon mula dito. Sa sinag na tumatagos mula sa labas ay nakita nyang nakapikit ang mga mata nito.

Nakarinig sya ng buntong hininga.
"Hindi pa..." Bulong nito.

Tumagilid si Shao at marahan itong hinawakan sa dulo ng damit. Ilang minuto nya itong tinitigan. Magulo ang buhok ni Matteo, nakakalat sa noo at natatabunan pa ang kaliwang mata, pero kahit buong mukha pa nito ang matabunan, hindi pa rin nun maitatago ang maamo at gwapo nitong mukha.

"Matt.." Aniya.

"Hmm?" Sagot nitong hindi nagmumulat ng mga mata.

"Umusog ka..sakin...o kaya ako nalang ang uusog..sayo.."

May dumaang tipid na ngiti sa mga labi ni Matteo pagkarinig sa boses ni Shao, nakikiusap iyon pero puno ng aalinlangan, na baka hindi sya pumayag.
"Umusog ka..sakin." Aniyang ginaya ang kinakabahan nitong boses. Iniunat nya ang kanang braso na agad nitong ginawang unan.

"Sorry."

Magaan nyang tinapik ang ulo nito,
"Para saan?"

"Iniistorbo na naman kita. Para na naman akong bata."

Bumuntong hininga si Matteo.
Sanay na sya kay Shao. Kapag nasa labas sila, walang ibang makikita dito kundi pag aangas, pag yayabang at puro kalokohan, pero kapag sila lang, para syang may inaalagaang bata. Laging nakadikit, malambing at....mabait.

"Ngayon ka pa nag sorry? Kung kailan ginawa mo na nang maraming beses?" Natatawa nyang  tanong.

Tumihaya si Shao at tumitig sa bubong ng tent. Nadama nya ang pamilyar na init ng dibdib na kapag kasama nya lang si Matteo malayang kumakawala,
"Nilalamig lang ako."

Mahinang natawa si Matteo,
"Aminin mo nalang na gusto mo lang akong yakapin." Aniya bago boluntaryong bumaon ang mga daliri sa buhok ni Shao.

"Kapal ng mukha, ah?"
Awtomatikong napapikit ang huli sa nakakaantok na sensasyong dala ng marahang paglarong iyon sa buhok nya.

"Matteo..." Bulong ni Shao bago unti-unting tumagilid paharap sa kaibigan. Inaantok na ang mga mata nya at kaunti nalang ay pipikit na. "Wag kang magbabago..."

Matamang tumitig dito si Matteo bago mahigpit na niyakap si Shao at kahit na sa isip nya ay walang kasiguraduhan,

"Hindi ako magbabago."

Nakahinga nang maluwag si Shao at tuluyang pumikit kahit sa isip nya ay alam nya,

You're lying.

***********

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now