c h a p t e r 31

79 7 0
                                    

When the heart speaks, the other heart melts| part 2 ~

********

"Tapos na saan?" Sa gilid ng mga mata ni Shao ay kita nyang nakatingin parin si Matteo. Kinagat nya ang pang ibabang labi para pigilang lumingon.
Hindi nya ito pinansin at pasimpleng inayos ang buhok at dumausdos ng upo, isinandal ang ulo sa backrest at pumikit.

"Shaolin.." Mahina nitong sabi saka sya pasimpleng kinalabit sa manggas ng damit.

Napangiti sya sa isip at pinigilang lumabas iyon sa labi.

Kung may isa man syang gustong gusto kay Matteo, yun ay kapag kumakapit ito sa dulo ng damit nya kapag natatakot, nalulungkot o kapag kinukuha nito ang pansin nya.

Hindi nito alam, na napaka-cute nito kapag ginagawa iyon.

Bahagya syang dumilat at tumingin dito.
"Ano?" Patay malisya nyang tanong.

Bumuntong hininga ito at nakakunot ang noo na sumandal sa upuan.

Pasimple nya uli itong tiningnan pero agad ring napaiwas ng tingin nang bigla sya nitong lingunin.

Nagbilang sya sa isip at ilang segundo lang ang dumaan ay paharap nitong inihiga ang ulo sa desk nya habang marahan na kinakalabit sya sa manggas.

Nang mga sandaling iyon ay hindi nya alam na nakangiti na sya lalo na nang tapikin nito ang gilid ng ulo.

Tumaas ang dalawa nyang kilay kahit alam nya kung ano ang ibig nitong sabihin. Inaantok ito at gustong laruin nya ang buhok para makatulog, kahit imposible yun mangyari dahil nasa school sila at ginagawa lang nito iyon kapag gabi at magkatabi silang matutulog.

Nang hindi sya kumilos ay ito na ang kumuha sa kamay nya at ipinatong iyon sa ulo nito.

Napapangiting itinikom nya ang mga labi at dahan-dahang hinaplos ang malambot nitong buhok.

Malalim itong napabuntong hininga at tumitig sakanya.

"Tingin mo anong sinasabi ng puso ko ngayon?" Mahinang tanong nito na kahit maingay ang classroom ay malinaw nyang narinig.

"Ano?" Mabagal na sinundan ng hintuturo nya ang makapal nitong kilay.

"Miss na kita." Bulong nito na nagpatigil sa daliri nya. Hindi ito nakangiti at may kaunting lamlam ang mga mata pero nang tumingin iyon sakanya, bahagya yun sumigla.

Agad na nalusaw ang puso nya...
Sinong hindi? Kung ganon kaamong mukha ang magsasabi nun sakanya, kahit gaano sya kagalit, hindi nya yun kayang tiisin..

Walang kangiti ngiting tinitigan nya ito nang matagal habang nasa gilid ng ulo nito ang kamay nya at humahaplos ang hinlalaki sa pisngi.

Para saan pa?

Sabi ni Cassidy, gago rin naman sya.
Kung hindi sya tatanggapin ni Matteo, edi bahala na. Magsimula nalang ulit sa umpisa tutal dun rin naman sila nagsimula...

Hindi nya na pinigilan ang pagngiti at umubob sa ulo nito, iniyakap nya ang mga braso nya sakanila hanggang sa matabingan nun ang mga mukha nila, ang kaliwa nyang kamay ay nilalaro ang buhok sa batok nito habang ang bibig nya ay nakadikit sa tenga ni Matteo.

"Gaano kamiss?" Bulong nya.

Ang tibok ng puso nya sa mga oras na'to...
Parang magkakabuhol buhol sa bilis..

Kumuyom ang kamay nito sa damit nya.
"Hindi ko sasabihin.." Sagot nito na ikinalawak ng ngiti nya.

Hinigpitan nya ang pagkakayakap at mariing hinalikan ito nang dalawang beses sa pisngi. Alam ni Shao na may ilang nakatingin, pero wala syang pakealam.
"Namiss din kita.."

"Gaano kamiss?" Bulong nito.

Ngumiti sya,
"Hindi ko sasabihin.."

*******

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon