c h a p t e r 33

72 7 0
                                    

Grounded ~

*********

"Hello, bro? Oo maliligo lang ako tapos punta na ako sa school. Oo, pupunta din sya. Nandyan na sya? Sige, bibilisan ko nalang. Hintayin nyo ako sa gate."

Ibinulsa ni Shao ang cellphone matapos ang tawag ni Cassidy at isinara ang faucet. Kakatapos nya lang maglinis ng kotse at nagmamadali nang pumasok sa bahay.
Sinulyapan nya ang daddy nya na nasa sala at nagsisigarilyo habang nakatingin sa screen ng laptop.

"Hindi ka pupunta sa retreat."

Mula sa pag akyat ng hagdan ay napatigil sya sa paghakbang at napalingon dito.

"Dad?" Patanong nyang sabi, umaasang mali ang dinig nya sa sinabi nito. Naka-handa na ang mga dadalhin nya at mag aala-una na ng hapon, isang oras bago isara ang gate ng school kaya wala na rin syang oras makipag biruan.

Tumayo ito sa sofa at matigas ang ekspresyong dinuro sya,
"Hindi ka pupunta sa retreat. Dito ka lang sa bahay at hindi ka pwedeng lumabas."

Bahagyang nanlaki ang mga mata nya at humigpit ang hawak sa railings ng hagdan, unti unti nun naalis ang lahat ng excitement na nararamdaman nya mula pa kagabi at napalitan ng kaba.
"Pero, dad-"

"Akala mo ba hindi ko alam na hindi ka na naman dito natulog kagabi? Ano, kaya mo nang mag-desisyon para sa sarili mo, Rafael? Kung kailan ka uuwi, uuwi ka, kung kailan mo gustong matulog sa bahay ng kung sinu-sinong poncio pilato dyan, matutulog ka? Wala ka na talagang respeto!"

Napalunok sya at nakatiim bagang na nag iwas dito ng tingin.
"Nagka-group...study lang kami." Aniyang sinubukang maging kapani-paniwala ang boses. Madilim na nang umalis sya kagabi, tapos na rin silang kumain at nang umuwi sya kaninang madaling araw ay tulog pa ang lahat kaya paanong alam nito na wala sya?

"Ako pa ang lolokohin mo? Akyat." Matigas nitong sabi saka itinuro ang kwarto nya.

"Dad, hindi ako pwedeng hindi pumunta. Nagpaalam na ako sainyo kagabi-!"

"AKYAT!"

"Pero naka-impake na ako, dad!"

Kagabi hindi nyo yan sinabi tapos ngayon na handa na akong umalis, hindi nyo ako papayagan?!

"Sasagot ka pa? Akyat!" Napaatras sya sa lakas ng boses nito. Hindi na yun bago dahil ganon naman talaga ito makipag usap sakanya, lagi itong nakasigaw, pero kapag narinig na iyon sa bahay, ibig sabihin ay wala na rin syang karapatang magsalita pa.

Bumahid ang galit sa mga mata nya at sarkastikong natawa,
"Kaya nga tayo ganito, dad. Kasi hindi nyo ako pinapakinggan! Pinayagan nyo ako kagabi, sabi nyo pwede tapos ngayon biglang hindi?"

Hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito. Matigas parin iyon kahit may laman na ang sinabi nya.
"Umakyat ka na sa kwarto mo o masasaktan ka sakin." Babala nito.

Napatiim bagang sya at hindi makapaniwalang tumingin dito.
"Edi saktan nyo ako, dad. Tutal lagi nyo naman yun ginagawa! Dun naman kayo magaling!"

Tumalikod sya at mabibilis ang mga hakbang na umakyat sa hagdan. Pagkarating sa tapat ng pintuan ay malakas nya yun sinipa pabukas at pabagsak na isinarado na alam nyang narinig nito sa ibaba.

"Wala ka namang pakialam sakin, tapos ngayon biglang may pakealam ka? Ano kung hindi ako natulog dito kagabi? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam?!"
Dinampot nya ang unan at ibinato sa pintuan habang taas baba ang dibdib dahil sa emosyon.

Sinipa nya ang gilid ng kama at mariing ikinuyom ang mga palad sa matress saka hindi sinasadyang napatingin sa bag na dapat ay  dadalhin nya. Kumpleto na ang loob nun, maayos nyang inilagay kaninang umaga habang kausap nya si Matteo sa telepono at sinasabi kung ano pa ang mga dapat nyang ilagay.

Nakaramdam sya ng labis na pagka-dismaya at kinuha ang cellphone.
May mga messages doon galing kina Xerxes at Cassidy pero walang message galing kay Matteo dahil dalawang missed calls galing dito ang nasa notification.

Marahas syang napabuga ng hangin at naupo sa ibaba ng kama.

Nag usap na sila kagabi ni Matteo. Pumayag ito na makasama nya ngayong araw.
Mula nang magkaroon ng pagbabago ang trato nito sakanya, araw-araw nya na yun gustong maramdaman, makita, maranasan kahit ano pang dahilan. Kahit ang pumunta sa boring na holy retreat at manuod ng mga kaklase nyang umiiyak ay gagawin nya pa nga.

Kaya bakit ngayon pa sya hindi pinayagan? Ngayon pa na pumapayag na si Matteo sa mga gusto nya.

******

( To Be Continued )

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat