c h a p t e r 55

55 6 0
                                    

𝗖𝗼𝗺𝗳𝗼𝗿𝘁 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 ~

******

"Del Ocampo, tawag ka ni Mr. Fiore!"

Mula sa pagkakasandal sa balikat ni Matteo, ay pagod na napabuntong hininga si Shao. Pangatlo na iyon at kung gusto nga ni Mr. Fiore ay payag na syang sa guidance office mag aral.

"Oo, pupunta na!" Walang gana nyang sagot sa kaklase kahit hindi naman sya kumilos kahit kaunti.

Hindi umimik si Matteo sa tabi nya at pinagpatuloy lang ang pagsusulat sa notebook.

"Nakakainis.." Reklamo nya dito saka yamot na ipinadyak ang isang paa.

Mahina lang itong natawa pero hindi nagkomento.
Pasimple nya itong tiningnan at nakitang seryoso ang mukha nito. Nitong mga nakaraang araw, minsan ay tahimik lang si Matteo. Lalo na kapag tungkol sa kaso nya sa Guidance office ang pinag uusapan. Gusto nya ang kawalan ng interes nito doon dahil ayaw nya rin itong mamroblema pero minsan ay hindi nya rin maiwasang magtaka dahil kabaliktaran iyon ng reaksyon nito noong gabi na nag usap sila.

"May gagawin ka ba mamaya, Matt?" Tanong nya.

Tumango ito at bahagyang ipiniling sakanya ang mukha, "Meron."

"Ano?"

"May kikitain akong kaibigan."

Napamaang sya, "Sinong kaibigan?"

"Hindi mo naman kilala."

"Kilala ko lahat ng kaibigan mo. Maliban sa akin, kay Xerxes, Cassidy, sino pa?"

Mahina itong tumikhim at muling nagsulat, sinasadyang hindi sagutin ang tanong nya at mukhang bigla pang nainis. "Hindi mo nga kilala."

Nagsalubong ang kilay nya at nagsimulang mabuhay ang kuryosidad.
"Babae?"

Marahan itong tumango.

"Sino? Si Irish?"

Kaswal na tumango uli ito.
Mabilis syang umalis sa pagkakasandal dito at nanliliit ang mga matang tumingin kay Matteo.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin? Magkikita lang naman kami."

"Para saan? Eh kilala ko yun eh!"

Tuluyan nitong binitawan ang ballpen at isinarado ang notebook, binuksan ang bag at bago nito sinalpak ang mga iyon sa loob ay pinukpok muna iyon sa ulo nya.
"Hindi kita lolokohin, Shaolin. 'Wag kang mag aalala."

"Hindi ko sinasabing lolokohin mo ako, Matteo. Ang sinasabi ko lang, bakit ka makikipagkita sakanya nang hindi ako kasama?"

Nakamaang na kumunot ang noo nito,
"Diba may inuutos pa sayo si Mr. Fiore? Bat di ka pa pumupunta dun?"

Sumama ang tingin nya at padabog na sumandal sa upuan, "Hindi ako pupunta." Aniyang hindi maipinta ang mukha

Hinampas nito ang balikat nya at bahagya pa iyon humapdi sa lakas.
"Alis na."

"Hindi nga ako aalis!"

Nanliit ang mga mata ni Matteo at bahagya syang itinulak, "Alis na sabi!" Pinanlakihan sya nito ng mga mata at unti-unting sumama ang loob nya.

Sinasaktan mo ako dahil kay Irish?!

"Bakit mo ako pinapaalis? Para mapuntahan mo si Irish?" Mahigpit nyang hinawakan ang manggas nito. "HINDI.AKO.AALIS. Kahit kaladkarin mo pa ako palabas!"

Para ano? Para sumaya ang babaeng yun? Magpapa-comfort sya sayo? Tapos ano? Maaawa ka, tapos magkakagusto sya sayo lalo at ano? Dahil isa syang mahinang babae, magkakagusto ka rin sakanya?

"Hindi ako aalis!" Matigas nyang sabi dahil sa mga senaryong nabuo sa isip nya.

Dumilim ang mukha ni Matteo at marahas na tinabig ang kamay nya.
Wala naman talaga syang balak na magalit dito, pero dahil sa pag tabig na iyon kaya natuluyan ang tampo nya.

"Kapag hindi ka umalis, isusumbong kita kay Mr. Fiore."

Kung nakakasunog man ang tingin na ipinukol nya dito, siguradong nagliliyab na si Matteo.
Mabilis nya itong inakbayan at inipit ang ulo nito sa mga braso nya,
"Inuubos mo ba ang pasensya ko?" Gigil nyang tanong saka hinigpitan ang pagkakaipit sa leeg nito. "Ha?"

"Aray, aray..." Daing ni Matteo saka sya hinampas ng kamay sa ulo, nabitawan nya ito at napahimas doon.

Dahil gustong makaganti ay hinampas nya rin ito sa tuktok ng ulo.
Nanlaki ang mga mata nito at ilang sandali pa ay nagpapalitan na sila ng hampas at sipa, hanggang sa nagliliparan na ang bawat notebook na madampot nila sa mga mesa, natabig ang mga upuan para harangan ang isa't isa at ang mga kaklase nila na kapag ginagawa nilang human shield ay nakakatanggap sila ng malulutong na mura.

Nagmistulang playground ang classroom, nakakalat sa sahig ang mga papel habang masama ang tingin sakanila ng mga maglilinis mamaya.

"Ayoko na, ayoko na.." Natatawa at habol ang hininga nyang sabi habang nakaunat ang mga braso para pigilan si Matteo sa paglapit pero imbes na tumigil ay dire-diretso lang ito sakanya, ibinangga ang katawan at ipinunas ang pawisang noo sa gilid ng leeg nya.

"Huli ka.." Hingal nitong bulong habang nakakapit sa dulo ng damit nya.

Kahit hindi nakatingin ay alam nyang nakangiti si Matteo. Nasa gilid sila ng blackboard kaya halos lahat ng mga kaklase nila ay nakatingin sakanila pero dahil nakatalikod, ay hindi iyon kita ni Matteo.

Malawak ang ngiting sumandal sya sa pader at hinawakan ito sa magkabilang bewang,
"Huli mo na'ko." Bulong nya pabalik at may pagmamalaki sa mga matang hinapit ito bago tinaasan ng mga kilay ang mga kaklase nilang nakatingin.

Anong tinitingin tingin nyo dyan? Eh akin 'to!

*****

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें