c h a p t e r 56

60 8 0
                                    

Angry and foolish

***

"Tingin mo anong pinagawa sakanya ni Mr. Fiore?" Tanong ni Xerxes habang palihim nilang pinagmamasdan si Shao na naglalakad sa gitna ng field. Patawid ito sa third year building mula sa Guidance Office.

Hindi sumagot si Matteo at hindi inalis ang tingin kay Shao. Mainit pa ang sinag ng araw at kahit mahangin, siguradong pinagpapawisan na ito at pagod dahil sa sunod sunod na pinapagawa ni Mr. Fiore.

Sa tuwing pinapatawag ito sa guidance, nakakaramdam sya ng inis. Sinong hindi? Halata namang nananadya lang ang guidance councilor sa mga walang kwenta nitong utos kay Shao. Maglinis sa labas ng office, magwalis at dalhin ang kung anu-ano sa kung sinu-sino.
Kapag bumabalik ito sa classroom na basa ng pawis ang damit, gusto nya nalang na mawalan ito ng pasensya at suntukin si Mr. Fiore. Kahapon ay halos hindi nya makausap si Shao nang sabihin ni Mr. Fiore na gusto nitong makausap ang daddy nito ngayong araw, mabuti nalang at binawi rin iyon ng guidance councilor at sinabing 'wag na muna dahil may general meeting ang mga teachers.

"Nandito na sya." Ani Xerxes.

Hinintay nya munang mawala si Shao sa paningin nya bago bumaling sa bagong dating.

"Dala mo na ba?" Tanong nya dito. Bitbit nito sa balikat ang madalas nitong dalang itim na traveling bag kapag nagpa-practice ito ng volleyball.

Mula sa pagkakaupo sa stage ng lumang pavilion ay bumaba sya at sinalubong ito.

Inabot nito sakanya ang ilang piraso ng mga litrato. Napaka-personal ng mga kuha, hindi maitatangging may relasyon ang dalawang nandoon.
"Salamat."

Ngumiti si Irish at tinapik sya sa balikat, "Basta ang usapan, susunugin mo pagkatapos. Wag mo akong ipapahamak, Matteo."

"Ako na ang bahala." Tango nya.

Sandali itong tumigil at napaisip.
"Sabihin mo na wala naman din akong pakialam sakanya. Nagkataon lang na nakiusap ka sakin at wala naman akong magagawa kundi ang tumulong kasi kawawa naman sya." Nakataas ang kilay na sabi nito.

Natawa sya at mahigpit na hinawakan ang mga litrato.
"Wala naman akong balak na sabihin sakanya."

"Bakit? Ayaw mo bang malaman nya kung sino ang tumulong sakanya?" Tanong nito.

Umiling sya at ngumiti, "Kahit hindi ko sabihin, malalaman nya rin.." Marahan syang natawa, "Kahit sa isang tingin lang sakin, malalaman nya agad kung may ginawa ako o wala.."

Napangiti si Irish.
Hindi nya maitatanggi na nakakainggit ang koneksyong meron ito at si Shao..

Xerxes, "Ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong nito pagkaalis ni Irish.

Sinipat ni Matteo ang mga litrato at isa isang tiningnan. Mga kuha iyon sa kwarto, sa guidance office at sa kubo ng agriculture. Hindi malaswa pero hindi rin normal na kuha ng isang estudyante at teacher.

"Pipilitin ko syang humingi ng sorry kay Shao."

Tumango tango si Xerxes, "Kaya lang, matakot naman kaya sya? Pictures lang naman yan, pwede nya yan itanggi."

Napatiim bagang sya at umakyat ang lahat ng dugo sa ulo,
"Kapag hindi sya naniwala, ibibigay ko ito sa principal. Wala akong pakialam kung itanggi nya o mawalan sya ng lisensya, ikakalat ko 'to sa buong school at ibibigay ko rin ito sa asawa nya, sa lahat ng pwede kong bigyan na may koneksyon sakanya." Mariin nyang sabi.

"Pero sabi ni Irish-"

"May pakialam ba ako kay Irish?"

Napatikhim si Xerxes nang samaan sya ng tingin ni Matteo. Bigla syang pinagpawisan ng malamig.

Noon nya lang ito nakitang galit at mukhang pati ito ay hindi rin alam na nakakatakot ang takbo ng utak nito nang mga oras na iyon.

******

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant