c h a p t e r 38

77 8 0
                                    

"Shao po. Shao Rafael Del Ocampo." Lihim na napangisi si Shao nang makita ang mukha ni Matteo pero agad rin iyon napalis nang makita ang katabi nito.

"Sige na, pasok na." Sabi ng lalaking facilitator.

Imbes na sa gilid dumaan ay dire-diretso syang tumawid sa gitna at gumitgit sa pagitan ni Matteo at Benji matapos ihagis ang bag sa isang upuan.

"Bat ka nandito? Diba, kampon ka ni Satanas?" Maangas na tanong nya sa huli na tinawanan ng mga katabi rin nitong kaibigan.

Pilit na ngumiti si Benji at hindi tumingin sakanya,
"Tama ka, kaya nga nandito ako kasi nandito ka. Diba, ikaw si Satanas?"

Aba't-

Akmang sasagot pa sya nang bumaling na sakanila ang facilitator na Michael ang nakalagay sa nametag.
Siniko nya nalang si Benji at pinagpagan ang braso ni Matteo na siguradong dumikit sa braso ni Benji.

Natigil lang sya nang hawakan iyon ni Matteo at pigilan,
"Tumakas ka talaga?" Hindi makapaniwala nitong tanong.

Sinabihan mo akong puntahan ka, paano ako makakatanggi?

Pasimple nyang sinulyapan ang facilitator na sige pa rin ang pagpapaiyak sa mga kaklase nila bago ngumisi,
"Gusto mo yun, diba?"

Kumunot ang noo nito, napalunok at napakurap bago ibinuka ang mga labi,
"Pero...paano bukas? Papagalitan ka-"

Umingos sya at umayos nang upo, "Alam ko. Baka nga palayasin na ako ni dad, sinuntok ko rin kasi si Kid."

Mahigpit sya nitong hinawakan sa braso,
"Bakit?"

"Sya ang nagsumbong kay dad at gagawin ko ulit yun kapag inulit nya."

"Shaolin." Nasa boses nito ang pag aalala at pagtutol sa ginawa nya.

Mabilis syang lumingon dito at ipinatong ang isang kamay sa hita nito,
"Wag mo na yun isipin. Sabi ng facilitator, may mga bagay na masayang gawin sa ngayon." Umangat ang gilid ng labi nya, "Saka na ako magsisisi." Pumisil ang kamay nya sa lapi nito at makahulugan itong tinitigan, "Yun ay kung...magsisisi ako."

***

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now