c h a p t e r 28

88 8 0
                                    

SOMEONE'S POV

***

Hingal na umupo si Shao sa bench matapos ang ilang oras na pagba-basketball. Pinunasan nya ang basang mukha at leeg dahil sa pawis at uminom ng tubig sa tumbler na nabilad kaya maligamgam na ang laman. Dinura nya iyon sa gilid ng bench at nagpunas ng bibig.

"Ano, masakit?" Natatawang tanong ni Cassidy matapos maupo sa tabi nya. Kanina ay nawala sya sa focus at nasiko sa pisngi.

Hinimas nya iyon at bahagyang napangiwi,
"Hindi na gaano."

Dahil magka-barangay, kaya si Cassidy lang ang madalas nyang kasama kapag wala si Xerxes at Matteo.

Lumipat ito sa pangalawang layer ng kahoy na upuan sa likod nya at ginulo ang buhok kaya nagtalsikan ang pawis mula roon.
"Kung namomroblema ka, ipamigay mo."

Natigilan si Shao at nilingon ito,
"Ang alin?"

Nagkibit-balikat si Cassidy,
"Si Irish."

"Bakit ko naman sya ipapamigay?"

"Close na sila ni Matteo."

Inalis nya ang tingin dito at inilipat sa wala nang laman na basketball court.
"Close pa saamin?" Tanong nya kahit alam nyang hindi yun mangyayari.

"Malapit lapit na." Sagot nito na naghatid ng kaunting kaba sakanya. "Mabilis si Irish, maaabutan ka."

Ngumisi si Shao at sumandal sa bench. Puno ng kumpyansang nag angat ng tingin sa seryosong mukha ni Cassidy,
"Paano ko naman sya ipapamigay?"

Sandali itong nag isip,
"Benji."

Napaisip si Shao, ang taong binanggit nito ay ang huling taong lalapitan nya.

"Paano kung kay Mr. Fiore nalang?" Tukoy nya sa Guidance Councilor.

Umiling si Cassidy,
"Matagal na syang kay Mr. Fiore."

"Bakit kay Benji?" Tanong nya.

"Kasi gusto nya si Irish."

Naaaliw syang natawa,
"Pano mo naman nalaman?"

Ngumiti ito.
"Lagi syang nakasunod satin kapag kasama natin si Irish."

Nagsalubong ang mga kilay nya.
Hindi nya iyon napapansin.

"May iba ka pa bang pwedeng gawin? Hindi kami magkasundo ni Benji." Aniya.

Tumango ito pero lumawak rin ang pagkakangiti,
"Ligawan mo si Irish."

***

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant