c h a p t e r 49

75 10 0
                                    

"Totoo ba yun?" Tanong ni Paulo kinagabihan habang magkaharap silang naghahapunan.

"Yung alin?" Tanong ni Shao habang ngumunguya. Walang marunong sakanilang magluto kaya gaya ng lagi nitong ginagawa, lumabas pa sila at nag take-out ng pagkain.

"Yung sinabi mo kanina. Yung kay Matteo."

Marahan syang natawa,
"Akala ko ba hindi na nakakagulat?" Hindi ito umimik at nakatingin sakanyang uminom ng tubig. "Okay lang kung hindi mo matatanggap, basta wag mo akong ikakahiya." Dagdag nya, kahit alam nyang maliit lang ang posibilidad na iyon.

"We're brothers. Natural na tanggap kita. Pero kilala ko ang pamilya ni Matteo. Diba sya ang-"

"Sya ang anak ng nagpakulong kay mommy." Kaswal na putol nya sa sasabihin nito.

Ano ba ang nakakagulat doon? Sa tuwing may makakaalam ng tungkol sa mga magulang nila, laging nagugulat na magkaibigan sila ni Matteo.
Ganon na nga siguro kasama ang mundo. Dapat ay damay damay pati sa galit.

"Okay lang sayo?" Nakataas ang mga kilay na tanong nito.

"Wag kang mag alala. Magkaibigan kami ni Matt. Wala akong galit sakanya kahit konti." Aniya.

"Pano kung malaman yan ni tito?"

"Malaman nya man o hindi, hindi ko hihiwalayan si Matteo." Bakit ko gagawin yun? Minsan lang akong sumaya nang ganito.

"Ganon mo sya kagusto?"

"Oo." Mabilis nyang sagot.

Napailing ito at hindi makapaniwalang natawa,
"Ibang klase ka talaga, Rafael. Wala na akong masasabi sayo. Pero hindi kayo matatanggap ni tito, inuunahan na kita."

"Alam ko."

"Kung ganon, itago mo hangga't kaya mo."

Natigil sya sa pagkain.
"Bakit ko itatago? Masaya ako kay Matt, Pau. Kung hindi yun matatanggap ni dad, bakit ako na naman ang kailangang magbigay?"

"Rafael." Matigas nitong banggit sa pangalan nya. Para itong ang daddy nya, ang pinagkaiba lang, kapag tinatawag sya nito nang ganon, hindi ito galit kundi madalas ay nag aalala. "Hindi ko sinasabing itago mo kasi hindi nya matatanggap, gusto kong itago mo kasi ayokong uuwi ka ulit dito na mas malala pa dyan ang itsura mo, kasi sinaktan ka na naman nya." Umiling ito, "Maipagtatanggol kita sa iba, pero hindi sa daddy mo."

Hindi sya nakaimik.

"Kung gusto mo talaga sya, bahala ka. Pero sana wag syang maging isa nanaman sa mga sisira sayo, Rafael." Inilapag nito ang mga kubyertos at nagpunas ng bibig. "Kilala kita. Sana kilala ka rin ni Matteo pero mukhang hindi. Dahil kung oo, bakit nya pa pinaabot sa ganyan ang relasyon nyo?"

"Paulo." Saway nya pero nagpatuloy pa rin ito.

"Tama ako, diba?" Lalong sumeryoso ang mukha nito,"Kung papakitaan ka nang maganda ng daddy mo at papiliin ka nya kung sya o si Matteo, pipiliin mo ba si Matteo?"

Sinamaan nya ito ng tingin.
"Oo."

Napalis ang ngisi nito at napabuntong hininga.
"Tatandaan ko yan."

*********

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now