c h a p t e r 16

84 7 0
                                    

The light amidst the darkness ~

********

"So wala ka talagang balak na tulungan ako dito, Matteo?" Tanong ni Ishi sakanya nang patapos na itong isulat sa dalawang manila paper ang report. Ito lang ang nagsusulat habang si Matteo ay nanunuod lang dahil nang makita nito ang sulat nya ay agad nitong inilayo ang pentel pen at manila paper.

Natawa lang sya at pinanuod ito.
Alas sais na ng gabi at wala na rin masasakyan kaya kahit kinakabahan ay wala syang pagpipilian kundi ang maglakad mamaya.

"Pwede ka namang matulog dito kung gusto mo." Sabi nito nang makitang nakatingin sya sa relo sa dingding. "Pero sa sala." Agad na pagtatama nito sa maaari nyang isipin.

Agad syang umiling,
"Salamat pero wag na. Kaya ko naman umuwi."

Kabaliktaran sa inaasahan nya, tahimik lang si Ishi. Hindi kagaya sa school na kumakapit sa braso nya at nangungulit.
Napatingin si Matteo sa nakabukas na pinto ng kwarto nito. Kanina ay sinamaan pa sya ng tingin Ryki, ang kapatid ni Ishi, nang pumasok sila at sinadyang buksan ang pinto.

"Masungit ba talaga ang ate mo?" Tanong ni Matteo nang dumaan uli si Ryki. Hindi nagkakalayo ang edad nila, siguro ay matanda lang ito nang dalawang taon.

"Hindi. Ayaw nya lang sa mga lalaki. Lalo na kapag ang kausap ng lalaki ay babae." Natatawa nitong sabi.

Bigla syang naguluhan.
"Anong ibig mong sabihin?"

Tumigil si Ishi sa pagsusulat at tumayo. May kinuha ito sa ibabaw ng study table at initsa sakanya.
Dalawang lalaki ang nasa litrato. Parehong may itsura at parang nasa isang photoshoot. Magkaakbay ang mga ito habang nakatingin sa isa't isa.
"BL fan kasi sya."

Itinagilid ni Matteo ang ulo at naningkit ang mga mata.
"BL?"

"Oo, BL. Yung lalaki at lalaki. Ganon kasi ang pinapanuod nya, mga lalaking naghahalikan."

Muntik nang mabulunan si Matteo kahit wala naman syang kinakain at napaayos nang upo.
"Pwede ba yun?"

Tumaas ang dalawang kilay ni Ishi na parang nagsasabing 'Anong Klaseng Tanong Yan Syempre Pwede Tanga Ka Ba' ang ekspresyon sa mukha.

"Ang ibig kong sabihin, bakit ganon ang gusto nya?"

Nagkibit balikat ito,
"Hindi ko rin alam. Nung una, nakakailang, pero nasanay nalang rin ako na ganon sya." Nag angat si Ishi ng tingin sakanya at bigla ay naging makahulugan ang tingin.
"Kaya nga minsan, inaasar ko si Shao kapag naiinis sya pag nilalapitan kita."

Biglang umangat ang dalawang gilid ng labi ni Matteo nang marinig ang pangalan,
"Bakit naman?"

"Wala lang. Ewan ko ba, nahawa na yata ako kay Ate. Alam mo yun, dalawang lalaki, laging magkasama, sweet. Ganon kasi kayo si Shao." Kaswal na sabi nito habang nakatutok sa pagsusulat pero may halong excitement ang boses habang nagsasalita.

Ganon kami ni Shao?

"Sweet kami ni Shao?" Maang nyang tanong.

Marahas itong napalingon sakanya at kinunutan sya ng noo.
"Hindi mo alam?"

Marahang natawa si Matteo.
"Hindi. Ganon lang...talaga kami kaya...hindi ko alam.."

Sandali itong natigil nang mapansin ang pag-iba ng ekspresyon nya. Ngayon na may nagsabi, hindi nya alam kung alin ba doon ang tinutukoy nito na 'sweet'. Ang sabay ba nilang pag uwi? Pagtulog nito sa bahay nila, pag akbay, pagtabi sa pagtulog, pag subo ng pagkain, pagpisil ng pisngi?

May kung anong naramdaman si Matteo sa tiyan nya habang isa isang bumabalik sa isip nya ang mga iyon kasama si Shao at lihim na napangiti kasi lahat nang yun...ay masarap gawin.

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя