c h a p t e r 5

128 9 0
                                    

Faintly

**

Kinaumagahan gaya ng dati, naghintay uli si Shao sa labas ng bahay nina Matteo, pero ngayon ay sa guardhouse na at hindi na sa kaharap na waiting shed kung saan sya maaaring makita ulit ni Mr. DeMarco. Gusto nya man itong asarin, hindi pwede dahil siguradong magagalit si Matteo at kapag nangyayari iyon, pakiramdam ni Shao ay may kulang sa araw nya lalo pa at hindi sya nito kinikibo kapag galit.

Magkasabay na lumabas ng subdivision, parehong nasa balikat ang kulay puting polo shirt habang nakapatong ang siko ni Shao sa balikat ni Matteo. Parehong may itsura, maganda ang tindig at kumpyansa sa sarili, hindi maiiwasan ang mga babaeng mapalingon at mapatitig.

Sa kabila ng mga mata sa paligid ay nanatiling kay Matteo ang mga tingin ni Shao. Sadyang naaaliw si Shao na titigan ito, hindi lang para asarin pero dahil sadyang napaka-gwapo ni Matteo. Mula sa makinis nitong mukha na parang modelo ng isang facial product, sa mga mata nito, sa ilong at sa mga labi na kung bibigyan ito ng isandaang porsyentong karapatan na manlait ng isang tao ay walang magrereklamo at magkakalakas ng loob na laitin ito pabalik dahil wala namang kalait lait sa mukha nito. At kung meron man, sino ang mag-lalakas loob na sabihin iyon kay Matteo lalo na kung sya ang kasama nito? Mahilig pa naman syang manapak kapag walang ginagawa.

"Matteo, sinipon ka ba?" Asar nya saka marahang idinampi ang hintuturo sa ilong nito.

Nalukot ang ilong ni Matteo nang maamoy nya ang amoy ng sigarilyong kumapit doon.
Sinamaan nya lang ito ng tingin at hindi sumagot.

Natawa si Shao saka mahigpit syang hinapit sa balikat na may kasamang pigil na pagtawa,
"Matt, may alam akong gamot na maduduwal ka rin pero malulunok mo rin naman pagtagal."

Pinalis nya ang kamay nito,
"Nagising ka lang ba para sirain ang araw ko, Del Ocampo?"

Natigil sya sa paglakad nang mauna itong maglakad at sinilip ang mukha nya,
"Bakit ang sungit?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

Napapabuntong hiningang pinitik ni Matteo ang noo ni Shao,
"Bakit ang kulit?" Tanong nya saka nagsimula ulit maglakad.

Ngumisi si Shao at muling umakbay,
"Eh bakit ikaw? Hindi ka ba gumising para makita ako? Hindi ka ba gumising para sakin?"

Kumunot ang noo ni Matteo.
"Kung magigising ako para sayo, para mo na rin sinabi na gumising ako para sa mga bangungot ko sa buhay."

Akala ni Matteo ay sasagot pa ito pero natawa lang si Shao sa sinabi nya.
"Matteo, wag kang magsasalita nang ganyan, baka dumating ang araw, ako na pala ang pangarap mo sa buhay."

Mahinang natawa si Matteo sa ka-imposiblehan ng sinabi nito saka bahagyang nilingon ang nakangiti nitong mukha pero napalis rin ang tawa nya nang tumama sa mga mata ni Shao ang sinag ng araw at kumislap.

Sa isip ni Matteo ay ang nakatagong paghanga sa mukhang iyon.

Unti-unti, umangat ang magkabilang gilid ng mga labi nya at nahawa sa ngiti nito.
Pero nang lumingon ito sakanya ay agad syang nag iwas ng tingin na nagpalawak sa ngisi nito.
"Nag bibiro lang ako." Sabi ni Shao saka ginulo ang buhok sa likod ng ulo nya. "Pero..."

Natatawa man, naputol ang sasabihin nito nang makitang nakatitig sya.
Binasa nito ang mga labi saka mariing itinikom ang bibig na parang pinigil ang sarili na magsalita pa, naramdaman nya rin ang pagbaon ng mga daliri nito sa balikat nya at ang paggalaw ng adam's apple nito.

Hinintay ni Matteo na sundan nito ang sasabihin pero hanggang sa makarating sila sa klase ay wala na syang narinig na kahit ano mula dito.

************

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now