c h a p t e r 47

72 11 2
                                    

𝗟𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗞𝗶𝘀𝘀𝗲𝘀 𝗽𝗮𝗿𝘁 2 ~

*********

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ni Matteo kay Shao. Nasa likod sila ng school at naninigarilyo habang parehong nakasandal sa pader ng nag iisang kubo na gawa sa kawayan at pag mamay-ari ng agriculture class. Madalas ay dito ang tambayan ng mga nagka-cutting classes pero dahil madalas rin maglibot ang principal kaya wala nang gaanong pumupunta.

"Nagkaroon lang ng kaunting problema sa bahay." Hindi nakatingin sakanyang sagot nito.

"Pinagalitan ka?"

"Oo. Pero alam mo naman si dad-"

"Hindi ko alam." Putol nya. ",kaya ipaliwanag mong mabuti." Tinaktak nya ang upos at sinulyapan ito.

Marahan itong natawa sa tono nya,
"Pinagalitan nya lang ako tapos okay na. Kapag nakalipas na ang galit nya, ayos na ulit. Ganon lang naman yun, diba?"

Inalis nya dito ang tingin at mabilis na inangat ang hintuturo,
"May pasa ka." Sandali itong natigilan. "Sino?"

Si Kid o ang daddy nito, sinuman sa dalawa ang pwedeng gumawa nun kay Shao.

"Si Kid. Sinuntok nya'ko. Gaya ng ginawa ko sakanya. Hindi ko na...ginantihan para 'di na humaba pa.."

Napabuntong hininga sya.
Sa loob nya ay hindi nya magawang maniwala. Imposibleng hindi ito gumanti kahit pa nasa harapan pa ng daddy nito.

"Ang bait mo naman, pwede ka nang tanggapin sa langit." Sarkastiko nyang sabi.
Kung ganon ay hindi pa rin nito sasabihin ang totoong nangyari kahit sila nalang dalawa.

Pangisi itong tumawa at hindi na nagsalita dahil alam nyang alam nito na hindi sya naniniwala.

"Sinong niloko mo, Shaolin?" Bulong nya.

Napatingin sya dito nang ilapit nito ang hawak na sigarilyo sa bibig nya. Walang tanong na humithit sya doon habang nakatingin sa mga mata nito pero tinakpan nya rin iyon ng kamay nang panuorin nito ang bibig nya habang nagbubuga ng usok.

Ilang sandali lang ay isinandal nito ang ulo sa balikat nya at mula sa balikat, ay kusang lumipat ang kamay nya sa gilid ng ulo nito, magaang humaplos habang tahimik nyang inuubos ang sariling sigarilyo.

"Namiss mo ba ako, Matt?" Unti unti itong pumihit papunta sa harapan nya habang nakaubob parin sa balikat nya at dahan dahang yumakap ang mga braso sakanya.

"Kanina mo pa ako kausap, dapat kanina mo pa alam ang sagot dyan.."

Humigpit ang pagkakayakap nito at ang pagkakabaon ng mukha sa leeg nya.
"Sabihin mong namiss mo ako, Matt..."

Hindi sya umimik at napangiti lang. Hinayaan nya ito sa ganong posisyon habang patuloy sa paghithit sa sigarilyo.
"Kasi ako namiss kita. Kaya sabihin mong namiss mo rin ako.." Parang batang nagmamaktol nitong sabi.

Hinawakan nya ito sa magkabilang pisngi para maibangon nya ang ulo nito at maiharap sakanya.
"Namiss kita.."

Bahagya nitong inangat ang mukha saka sya hinapit sa bewang,
"Ngayon naman, sabihin mo yan kasama ang pangalan ko."

Natawa sya sa pa-utos nitong boses,
"Wag mo naman akong hiyain nang ganyan.."

"Sabihin mo, 'Namiss kita, Shao..'"

Iniwas nya ang tingin dito at marahan itong itinulak,
"Wag na.."

,pero muli sya nitong hinapit at ipiniling ang mukha nya, "Sige na..." Pamimilit nito sa malambing na boses.

Sandali nyang tinitigan ang mga mata nito, na kanina pa itinatago ang lungkot at ang gilid ng labi na pilit nitong tinatanggi ang dahilan.
Inangat nya ang mga kamay at masuyong hinawakan ito sa pisngi.

"Namiss kita.." Bulong nya.
Pumikit sya at dahan dahang inilapit ang mukha kay Shao, magaang idinampi ang mga labi sa gilid ng labi nito kung saan may kaunting sugat. Nang imulat nya nang kaunti ang mga mata ay nakita nyang nakapikit rin ito at bahagyang napangiti. "Namiss kita, Shao.."

Inikot nya sa leeg nito ang mga braso nya at siniil ito nang mabilis na halik.
"Namiss kita. Sa sobrang pagkamiss ko sayo, gusto na kitang puntahan. Gusto ko na rin umakyat sa bahay nyo gaya ng ginagawa mo sa kwarto ko..." Pabulong nyang sabi at agad ngang nagliwanag ang mukha nito.

"Anong gagawin mo pagkaakyat mo?" Tanong nito habang nakadikit ang noo sa noo nya.

Hinaplos nya ang ulo nito at nagsimulang uminit ang dibdib.
"Pupunta ako sa kama mo, yayakap, hahalikan ka pagtapos..bubulong ako sa tenga mo.."

"Anong ibubulong mo?"

"Tulungan mo akong makamit ang hustisya."

Mahina itong napabungisngis at nakangiting tumingin sakanya.
Napangiti rin sya at sa ganda ng ngiti nito ay wala syang nagawa kundi ang mapatitig nalang sa gwapo nitong mukha.

Ibinaba nito ang ulo at mariin syang hinalikan sa pisngi hanggang sa mamula ang pisngi nya. "Thank you..." Dumampi ang mga labi nito sa ibaba ng tenga nya, sa leeg, pataas sa noo, sa ilong, hanggang sa bumalik sa mga labi nya.
Agad nyang sinalubong ang halik nito at unti-unti rin yun lumalim.

Hinayaan nyang mabaling ang lahat ng pansin nito sakanya at sa halik. Gusto nya na sandali nitong makalimutan ang mga iniisip nito kanina, ang problema sa bahay at ang lahat ng hindi magandang nangyari sa loob ng tatlong araw.

Lumipas ang ilang minuto at dahan dahan itong bumitaw sakanya na kuntento ang mukha.
Mahina syang natawa at pinunasan gamit ang likod ng hintuturo ang kaunting basa sa gilid ng labi nito.
"Ang kalat mo namang kumain." Tudyo nya.

Ngumiti lang ito at hinawakan sya sa magkabilang pisngi, puno ng emosyon ang mga matang hinalikan sya sa noo at mahigpit na yumakap.
"Di ko kayang wala ka.."

Napangiti sya at kahit sinong makakarinig nun ay lalambot ang puso kahit gaano pa iyon katigas.

Isiniksik nito ang mukha sa leeg nya at nanatili sa ganoong ayos habang nararamdaman nya ang malakas na kabog ng dibdib nito.

"Para sakin ba yan?" Tukoy nya sa mabilis na tibok ng puso nito.

Mabilis at sunod-sunod itong tumango.

"Para sakin lang?" Muli nyang tanong.

"Para sayo lang..."

Habang pabalik ng classroom ay masaya na ulit ang mga mata ni Shao, at bago sya bumitiw sa magkasalikop nilang mga kamay, mahigpit nya muna yun pinisil at pasimple itong tinitigan.

Ang tibok ng puso ko..para sayo lang din, Shao.

*****

TACHYCARDIA (Book 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now