Save The Best For Last: Epilogue

Start from the beginning
                                    

"H'wag ka nang magtampo, una muna nating puntahan yun. Pagkatapos, pangako ko sayo pupuntahan natin yung lugar na gusto mong puntahan." Paglalambing niya sa akin.

"Ayoko sa lugar na yon, Andres." Bulong ko sa kanya, humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman kong hinalikan niya ang batok ko.

"Matulog na tayo, mahal." Pagbabago niya ng usapan at pinili niyang iharap ako sa kanya upang maitungo ang mukha ko sa dibdib niya.

Nakabusangot pa rin ang mukha ko kahit na nakalapag na kami ngayon sa airport ng Dubai. Hila hila ni Andres ang maleta naming dalawa habang ako naman ay hinahayaang maglakad ang mabigat kong paa.

Tandang tanda ko pa noon kung gaano ako ka-excited makapunta sa lugar na ito dahil kumpleto ang pamilya namin. Dahil sa lahat ng pamamasyal namin sa iba't ibang bansa ay dito lang sa Dubai nakumpleto ang pamilya ko. Dahil siguro iyon ang hiniling ko noong araw ng birthday ko, sapilitan pa nga naming naisama noon si Dad dahil masyado siyang abala sa pag aaral.

"Love." Tawag sa akin ni Andres nang mapansin niyang huminto ako sa paglalakad.

"I wanna go home." Malungkot na bulong ko, huminga siya ng malalim. Kahit na naka-shades siya ngayon ay ramdam ko ang malalim na pagtitig niya sa akin. "Tatlong araw lang, Love." Aniya.

Umirapa ako sa kawalan at sumunod nalang ako sa kanya. Pagkalabas namin sa airport ay kaagad siyang pumara ng taxi at halos magpantig ang tainga ko nang marinig ko kung saang hotel kami tutuloy sa loob ng tatlong araw.

"Jumeirah Beach Hotel." Yan ang sinambit ni Andres, hindi ko alam kung nananadiya ba talaga ang tadhana sa akin dahil doon din kami tumuloy noon nila Dad.

Naramdaman kong hinawakan ni Andres ang kamay ko pero hindi ko siya pinansin, hindi ko talaga kayang magpanggap na masaya ako sa tatlong araw na bakasyon na ito dahil ang totoo ay hindi ko maiwasang malungkot sa alaalang naiwan sa akin ng mga magulang ko.

Nang makarating kami sa hotel ay kaagad naman kaming inasikaso ng mga staff doon dahil na rin sa may reservation na si Andres. Sa 15th floor ang kwarto naming dalawa. Hindi ko na pinansin pa ang kagandahan ng kwarto dahil mabilis kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at ipinikit ko ang mata ko at kusang bumalik sa alaala ko ang mga masasayang nangyari sa amin dito nila Mama.

"Is that Burj al arab, Dad?" Masiglang sigaw ko ngayong nakatanaw ako mula sa salamin ng kwarto namin. Ngumisi si Dad, "Yes, sweetheart."

"Bakit hindi tayo doon nag check in? Mukhang maganda and as far as I know, that hotel is the world's luxurious hotel." Manghang manghang sambit ko, inakbayan ako ni Dad.

"Well, maniniwala ka bang hindi kaya ni Daddy bayaran ang kwarto ng hotel na yan?" Natatawang sambit ni Dad na nagpalaki sa dalawang mata ko.

"Dad! Mayaman tayo!" Hindi makapaniwalang sigaw ko na siyang tinawanan naman ni Mama, lumapit siya sa amin.

"Rhyme, maaaring may kaya tayo sa buhay. Nabibili natin ang mga gusto niyo ng mga Kuya mo, napupuntahan natin ang mga lugar na gusto niyong puntahan. Pero hindi ibig sabihin non na lahat ng mayroon ang mundong ito ay kaya nating bilihin o bayaran." Ani Mama, first year high school na ako at sa pagkakaalam ko ay kilala ang pamilya namin sa Pilipinas dahil sa negosyo ng pamilya namin, pero kailanman ay hindi ko naisip na wala kaming pera.

"Naghihirap na tayo?" Namimilog pa rin ang dalawang mata ko sa pagtatanong na tinawanan ni Dad.

"Maghihirap tayo kung hahayaan namin ng Mama mo na sundin ang lahat ng luho niyong magkakapatid." Biro ni Dad, hinampas siya ni Mama.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now